2 | Manila, Here I Come!

2998 Words
'RUSSEL GUEVARRA' Masayang-masaya ang umaga ko nang ako ay magising kanina, hindi ko maiwasang mapangiti tuwing binabalik-balikan ko ng basa ang text message na natanggap ko kahapon. 'Mr/Ms. Russel Guevarra, this is from EncodeMona. Sorry for the delayed response but we're happy to inform you that you're hired. Please report to our office at 10:00am this February 18, 2021. Thank you and welcome to our company.' "Yieeehh!" Hindi ko talaga napigilang tumili matapos ko ulit basahin 'yong message. Galing kasi ito roon sa company na in-apply-an ko sa Manila. Two days after akong nag-follow up ay naka-receive din ako ng text mula sa kanila. Akala ko nga ligwak na ako at nawalan na ako ng pag-asa pero tignan mo nga naman. IM HIRED! "Hala! Si Kuya para na namang baliw. Isa na naman ba 'yan sa drama mo ngayong araw, Kuya? Baliw-baliwan ulit?" tanong ni Butchoy na nakaupo sa harap ng mesa. "Ano ka ba, Bunso? Happy lang ako dahil finally may trabaho na ako!" sigaw ko saka ako naglulundag sa tuwa. Pinanood lang naman ako ni Butchoy na abala pa rin sa pagkain. Maya-maya pa ay dumating si Ate, galing s'ya sa labas at may bitbit na mga paper bags at ilang plastic bags. "At ano na naman 'yang kabaliwan na 'yan, Russel?" Bungad n'yang tanong sa akin. Naabutan n'ya kasi akong tumatalon habang sumisigaw. Butchoy ang sumagot saka ito sumimangot. "Nabaliw na po sa sobrang tuwa," sabi niya na biglang nalungkot. "Iiwan na tayo ni Kuya. Magtatrabaho na s'ya sa malayo." Nagkatinginan naman kami ni Ate saka ako dali-daling lumapit sa kanya. "Bunso, uuwi-uwi naman ako kapag may leave ako saka saglit lang ako roon. Mag-iipon lang ako tapos babalik na ulit ako rito." Paliwanag ko sa kanya para hindi na s'ya malungkot pero bigla na lang tumulo ang luha niya. "Nalulungkot talaga kasi ako. Mawawalan na ng baliw dito sa bahay." Umiiyak n'yang sabi. Napangiti na lang ako saka yumakap sa kanya ng mahigpit. "Wag ka ng malungkot, Bunso. Sige, kapag nag-work na ako roon lagi akong magpapadala ng chocolates sa'yo saka cookies. Di ba favorite mo 'yon?" Suhol ko rito na effective naman, biglang nagliwanag ang mukha eh. Mukha talagang pagkain. "Sige! Basta marami, 'yong mapupuno ang cabinet ko sa kwarto," sabi niya. Nakangiti na s'ya at mukhang natatakam na sa suhol ko sa kanyang pagkain. "Aba! Ang dami naman no'n!" Singit na ni Ate sa usapan. Tumabi na rin ito kay Butchoy at inilapag ang mga bitbit sa mesa. "Kapag hindi maipapangako ni Kuya 'yon ay talagang malulungkot ulit ako," sabi na naman ni Butchoy saka muling sumimangot. Natawa kami ni Ate sa ka-cute-an ni Bunso kaya sabay naming pinanggigilan ang magkabilang pisngi niya. "Opo, promise ni Kuya na pupunuin ko ng chocolates at cookies ang cabinet mo. Dapat nga ay mas malaking lalagyan pa dahil maliit pa 'yon!" Sakay ko na sa trip ni Bunso na ikinalaki ng mga mata niyang singkit. "Totoo yon?" tanong nito na pilit nilalakihan ang mga mata. "Syempre naman! Kaya wag ka ng malungkot at payagan mo na akong magtrabaho, huh?" Tumango-tango siya sabay sabing, "Sige! Gusto ko ng ganu'n. One year supply ng chocolates and cookies." Matapos mapapayag at mapangiti si Bunso ay nagpatuloy na ulit ito sa pagkain. Kaya lumalaki ang pisngi n'ya eh, pero okay na rin 'yon para mas malaki rin ang pinanggigigilan. "Russel, binilhan kita ng mga bagong damit. Ayan tignan mo," sabi ni Ate, tinapik niya ang mga plastic at paper bags na nasa ibabaw ng mesa. "Weh? Binilihan mo ako, Ate?! Hala, thank you!" Hindi makapaniwalang sabi ko habang isa-isang nilalabas ang mga damit na pinamili n'ya. "Weh ka pa ayan na nga!" Turo niya sa mga dala. "Hoy, Russel, utang mo sa akin 'yan. Ginamit ko 'yong naipon ko para mabilhan ka n'yan. Bayaran mo 'yan with tubo." Binalibag ko kaagad ang mga damit pabalik sa paper bags bago humarap sa kaniya. "Hindi 'to libre? Babayaran ko rin tapos with tubo, ganu'n?" tanong ko pero binibiro ko lang naman s'ya. Nag-pamewang naman ito at tinaasan pa ako ng kilay. "Hindi 'no! Ano ka sinuswerte? Babayaran mo 'yan lahat!" Mataray niyang sabi sabay ladlad ng pagkahaba-habang listahan kunwari na umabot na sa sahig. "Hala siya! Ganyan kahaba ang listahan? Baka naman hindi na ako makauwi para lang bayaran ka," sabi ko na lang matapos makita ang lista-listahan na niladlad n'ya. Mukhang gustong mag-act ni Ate kaya lalabanan ko muna. "Basta, ganu'n ang usapan. May ilan pa nga akong binili na wala sa listahan kaya hindi na nasama rito," sabi niya habang ganap na ganap sa kunwaring pag-iisa-isa n'ya sa mga nakalista kahit na ang totoo ay tissue roll lang naman ang hawak niya. "Wala na bang bawas d'yan, Madam? Kasi po isa ko lang na umaaruga rito sa aking anak," sabi ko sabay kabig kay bunso na may nakapasak pang lumpia sa bibig. "Tignan n'yo nga po at hindi mabubuhay ito ng walang nakapasak na pagkain sa kaniyang bibig. Kung ganyan po kahaba ang listahan na kailangan kong bayaran ay baka wala na akong mapakain sa tabachoy na ito at mangayayat na lang. Maawa na po kayo sa taba n'ya." Humagulgol pa ako kunwari habang nakaluhod sa harapan ni Bunso. Distorted na ang mukha niya sa over acting kong pagyapos sa kaniya. "Ako na naman ang ginamit mo sa kabaliwan mo, Kuya," sabi niya sabay tabig sa akin. "Bitaw ka nga at hindi ko na ma-nguya itong lumpia! Bitaw na!" "Nag-d-drama na naman at ako ang ginagamit pero wala namang talent fee. Hmmp!" Bulong pa ni Bunso habang pinupulot ang mga nagkalat na lumpia sa mesa. Maya-maya ay tumayo ito at inirapan kami ni Ate. "D'yan na nga kayong dalawa. Nawawala ang appetite ko sa inyo," sabi niya bago umalis bitbit ang ilang plato na may lamang kung ano-anong pagkain. Humarap na ako kay Ate matapos namin sundan ng tingin si Bunso palabas ng kusina. "No joking, Ate. Babayaran ko talaga ang mga ito-" Taas ko sa mga hawak kong binili niya. Tumawa siya ng malakas sabay bato sa akin ng hawak niyang tissue roll. "Aray! Bakit may pagbato? Bakit kaya hindi mo na lang ako patayin?" "Ikaw kasi, patola ka rin. Binibiro lang naman kita!" sabi niya. "Syempre free 'yan, basta promise mo lang sa akin na behave ka sa Manila at lagi kang mag-iingat." "Syempre naman magbe-behave ako at mag-iingat, Ate. Iingatan ko ang aking sarili lalo na ang sagradong butas ng Inang Bayan!" Dagli naman akong sinabunutan ni Ate habang kami ay nagtatawanan na parang mga baliw. Ang saya-saya ko talaga dahil bukod sa malalapit na ako sa mga pangarap ko ay masaya rin ako na nagkaroon ako ng mga kapatid na tulad nila. Matapos ang kulitan namin ay siyang pagdating naman nila Mama at Papa, kasama pa nila si Jammy na maarteng tumatakbo palapit sa akin. "Bakla ka, aalis ka na pala mamaya! Why di ko noseline!?" Bungad nito sabay lundag at nag-split sa sahig. Napasigaw sila Mama. "Oo, mamayang madaling araw. Nag-message kaya ako sa'yo kagabi!" sagot ko naman saka umakyat sa upuan at lumundag para mag-split din. "Awww!" sigaw naman ni Papa hawak ang harapan niya. "Hindi na magiging maganda ang susunod na mga eksena. Um-exit na tayo," sabi ni Ate na nagmamadali pang kinaladkad sila Mama at Papa palabas ng kusina. "Ano bang mangyayari roon?" tanong ni Mama na narinig ko pa. "Delubyo, Ma," sagot ni Ate. "Nagsama na ang dalawang notorious na may sayad. Hindi kakayanin ng utak natin." Pag-alis nila Ate ay humarap na ako kay Jammy, pareho pa kaming naka-split sa sahig at nagpapatalbugan. "So, saan na nga tayo?" tanong ko sa kaniya. "Ikaw 'yong huling naglinya. Sabi mo, "Oo, mamayang madaling araw. Nag-message kaya ako sa'yo kagabi!" After that tumalon ka na at nagbasag ng itlog," sagot niya, tumatalbog-talbog pa siya habang naka-split. "Ay oo! Ayon nga, natanggap kasi ako sa in-apply-an kong encoding company sa Manila. Flight ko na mamaya, eme!" sabi ko habang uma-awra nang bigla niya akong sabunutan. "Aray! Lavinia, tama na!" Tumigil siya sandali. "Shuta ka kasi! Lungkot-lungkutan ang peg ko ngayon kasi lalarga ka na nga sa Manila. Bakla ka! If i know, hindi lang naman yung pag-encoder ang pakay mo roon," sabi niya sabay sabunot na naman sa akin habang mangiyak-ngiyak pa kunwari. 'Bruhang ito! Lungkot-lungkutan pero bubugbugin ako!' "Hoy! Syempre nandoon na lang din naman ako edi grab na ng opportunity na makapag-audition kung meron, di ba?" sagot ko naman sa gusto n'yang tumbukin. Nang hindi pa siya tumigil sa kunwaring pag-iyak at pagsabunot sa akin ay gumanti na rin ako. "And if i know lang din ay inggit ka lang. Kung inuna mo kasi ang pag-aaral kesa pagtitinda ng tilapia mo sa palengke edi sana ay nakasama ka sa akin. Bruha ka!" sabi ko. "Ahh! Bakla ka! Iyon ang pinagkakakitaan namin saka anong magagawa ko kung mabenta ang tilapia ko sa madlang people? Palibhasa kasi walang kang tilapia na maibebenta. Isa kang s**o!" sigaw din nito habang kami ay nagsasabunutan. Nasa ganu'ng sabunutan at paggulong-gulong kami nang biglang pumasok si Butchoy kasama si Papa. "Ay jusko! Anong ginagawa niyong dalawa riyan sa sahig? At bakit nagsasabunutan kayo?" Natatarantang tanong ni Papa na hindi na alam ang gagawin kung aawatin ba kami ni Jammy o manonood lang. Dumaan naman sa amin si Butchoy na parang wala lang nangyayari sa daanan n'ya, hinakbangan pa nga niya kami bago ito lumapit sa lababo. "Nababaliw lang ang mga 'yan, Papa. Maniwala ka na lang kapag may pumutok ng noo o labi sa kanila. Tara na po at tulungan natin si Mama sa pagbabalat ng nilagang itlog," sabi lang ni Butchoy sabay hatak kay Papa palabas ng kusina na nakatitig pa sa amin. "Kuya, matapos kayong dalawa riyan sa kabaliwan n'yo punta na lang kayo sa labas. Naghanda si Mama ng maliit na celebration para sa pag-alis mo. Aba, mawawalan na ng baliw dito sa bahay kaya dapat ay mas engrande pa." Dagdag pa ni Bunso na nakalabas na ng kusina. Narinig ko na lang ang pagtawa ni Papa. Paglabas nila ay patuloy ulit kami ni Jammy sa sabunutan namin at nagpagulong-gulong ulit sa buong kusina. Iyon na ang huling bonding namin kaya sinulit na namin. Ayon, dahil nga ang alis ko ay mamayang madaling araw ay buong maghapon lang kaming nag-bonding na magpapamilya kasama na si Jammy na bumibida na sa videoke. Hindi na muna nagbukas ng pwesto sila Papa para sama-sama muna raw kami. "Hooo hoo ohh! Pangarap ko ang ibigin ka at sa habang panahon ikaw ay makasama– Hooo!" Kanta ni Jammy na may patirik-tirik pa ng mata na ala-Regine Velasquez daw. Napuno ng tawanan ang maliit na selebrasyon namin na hinanda nila Mama. May ilang mga malalapit na kaibigan ng aming pamilya ang dumalo at nagpaabot ng bilin at pa-good luck sa akin. Wala ng mas sasaya pa sa ganitong set up namin. Magulo pero masaya, kaya nga mami-miss ko ito kapag umalis na ako para magtrabaho. ••••• Pagsapit ng alas-dos ng madaling araw ay ginising na ako ni Mama. Mamayang alas tres pa naman ang alis ko pero mainam na 'yong maaga kesa naman late. Pinaglutuan ako ni Mama ng pagkain at ginawan din ako ng baon sa byahe. Si Ate naman at si Butchoy na nagpagising rin ng maaga ay abala sa pagtingin ng mga gamit na dadalhin ko. Sila ang nagdo-doble check kung kompleto na ba ang mga kailangan kong dalhin. Matapos kumain at maligo ay nagbihis na ako. Casual lang ang suot ko kasi sabi naman doon sa message ay wala naman daw dress code kaya okay lang kahit ano basta wag lang mukhang basahan syempre. After mag-ayos ay bumaba na rin ako. Ihahatid nila ako sa terminal kaya buong Pamilya Guevarra ang sakay ng isang tricycle na tinawag ni Papa. Pagdating sa terminal ay niyakap kaagad ako ni Mama, maluluha-luha pa ito pero pinipigilan n'ya. Alam niya kasi na ayoko ng ganu'n. Dapat nga isa ko lang na pupunta rito sa terminal dahil baka mag-drama sila, syempre kung mag-da-drama sila hindi ako magpapatalo kaya sabi ko ako na lang. Nag-promise naman sila na hindi iiyak kaya pumayag na rin ako. "Mag-iingat ka roon sa Manila, Anak. Tumawag ka kaagad sa amin pagkarating mo, okay?" Bilin ni Mama habang inaayos ang suot kong jacket. "Opo, Ma. Ako na pong bahala, kaya ko na po ang sarili ko." Sunod na lumapit sa akin si Papa after n'ya si Ate, nagbilin din sila ng mga dapat at hindi ko dapat gawin na syempre memorize ko na dahil paulit-ulit na nilang sinasabi 'yon sa bahay pa lang. After silang kausapin at yakapin ay bumaling naman ako kay Butchoy na nakatingala lang sa akin. Kagat-kagat n'ya ang labi niya at madalas siyang pumikit ng madiin. "Oh, anyare sa'yo?" tanong ko sa kanya. "Wala, pinipigilan ko lang umiyak. Ayaw mo kasi sabi mo eh," sagot niya pero nang yakapin ko s'ya ay hindi na rin niya napigilang umiyak. At tulad ng sabi ko, kapag may nag-drama ay hindi ako makakapayag na malamangan ako kaya nagdu-duet na kami ngayon dalawa. Tinapik ako ni Ate. "Hoy! Ang lakas ng iyak mo para kang kinakatay na baboy. Pinagtitinginan ka na." Awat na niya sa akin. "Ganito 'yong drama ni Ate V sa Anak noong umalis siya para mag-abroad. Wag niyong sirain ang moment," sabi ko sabay yapos ulit kay Bunso. "Waahhh! Bunso!!!" Wala ng nagawa sila Ate kundi hayaan na lang ako sa moment ko. Matapos ang drama ay tumayo na ako at tinignan sila isa-isa. "Mag-iingat kayo palagi rito. Mamimiss ko kayo. Susulat ako ng madalas para hindi n'yo ako ma-miss," sabi ko. Natawa naman sila at sabay-sabay pang humampas sa braso ko. "Ang luma naman ng sulat. Saka 'yang drama mo para kang nangingibang bansa Manila lang naman ang punta mo!" Natatawang basag ni Ate sa trip ko, lahat sila ngayon ay tumatawa na. "Ayan! Ganyan ang gusto ko, tumatawa kayo. Hindi bagay sa Pamilya Guevarra ang umiyak. Ang papangit kasi natin umiyak," sabi ko kaso kontrabida na naman sa drama ko si Ate. "Wag mo kaming idamay, ikaw lang naman ang pangit umiyak sa pamilya." "Ate! Moment ko ito eh. Ako ang nga bida, di ba!? Doon ka nga muna sa isang sulok at sapaw ka sa scene." Pagmamaktol ko pero tinawanan lang nila ako. Nagtawanan kaming dalawa ni Ate. Sabi ko naman sa inyo, mukha lang suplada si Ate dahil sa salamin n'ya pero baliw din siya tulad ko yun nga lang ay mas kabog ako. Lumapit na rin sa amin si Papa at inakbayan kami ni Ate. "Kayong dalawa talaga. Iyan ang ma-mi-miss ko; iyang pagiging kwela mo, Russel," sabi ni Papa sabay gulo sa buhok ko. Maya-maya ay may kinuha si Mama sa shoulder bag niya at inabot kay Papa. "Ano 'yan, Pa?" tanong ko. "Para sa'yo. Regalo namin ng Mama mo," sagot naman ni Papa bago inabot sa akin ang pulang box at may pa-ribbon pa. "Regalo? Birthday ko na ba? Hala, anong buwan na ba, Ate?" Biro ko pa habang binubuksan ang regalo raw nila. "Binili namin 'yan ng Mama mo para tuwing titignan mo 'yan ay parang lagi mo lang kaming kasama sa lahat ng gagawin mo." Madramang sabi ni Papa. "Hala kayo! Mukhang mamahalin!" sigaw ko sa gulat habang tinitignan ang wristwatch. Mukha naman kasi talagang mamahalin kaya nagulat ako. "Hindi na importante kung magkano ang presyo n'yan. Babayaran mo naman kapag sumahod ka na." Banat ni Mama na ikinatawa na naman nila. "So utang ko na naman 'to, ganu'n? Wala na bang free lang?" Pagdadrama ko kahit na alam kong binibiro lang nila ako. "'Yong hug ko tapos kiss ko, free!" Agaw pansin ni Butchoy kaya dali-dali akong yumakap at humalik sa kanya. "Buti pa ang hug and kisses ni Bunso, free. Hindi katulad ng iba riyan." Pagpaparinig ko. "Syempre, Kuya! Basta wag mong kakalimutan 'yong promise mong pupunuin mo ang cabinet ko ng chocolates and cookies, huh?" Dali-dali akong tumayo at lumayo sa kanya. "Ayon lang. Akala ko free may bayad din pala!" Tawanan ulit ang lahat. Ganito talaga kami, masaya ang buhay at hindi nagpapasuko sa drama ng buhay. Kung may madrama man dito, ako na 'yon! Best Actor yata ito! Award winning! Matapos naming mag-usap-usap at magpaalam sa isa't-isa ay sumakay na rin ako sa bus na pa-byaheng Maynila. Kumaway-kaway pa ako kanila Mama na kumakaway din sa akin habang umaandar na ang bus na sinasakyan ko. "Ate! Habol ka sa bus tapos sumigaw ka ng Dao Ming Si parang si Shancia sa Meteor Garden! Go!" sigaw ko kay Ate. Tawa naman ito ng tawa. "Gaga!" sigaw niya bago umarangkada ang bus palayo sa terminal. Pasandal na lang akong umupo nang makaalis na kami. Hindi ko maiwasang maluha habang palayo ang sinasakyan kong bus sa kanila dahil for sure na mami-miss ko sila pero laban lang. Hindi lang naman kasi para sa akin itong gagawin kong pagtatrabaho sa Manila. Nangako rin kasi ako kay Papa na tutulungan ko s'yang mapalaki ang pwesto namin sa palengke. Isang malalim na paghinga ang ginawa ko saka ako ngumiti at pinunasan ang mga luha ko. Ito ang unang beses na lalayo ako pero sa unang beses na ito sisiguraduhin ko naman na magiging memorable sa akin itong first experience ko. "Ariba, Guevarra! Pasukuin ang problema!" wika ko ng mantra naming pamilya. Sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko ay hindi ko rin maiwasang mapangiti at makaramdam ng excitement. Ito na 'yon! Gagawa na ako ng sarili kong desisyon at daan na tatahakin sa aking buhay. Alam naman nila Papa na bukod sa pagtatrabaho ay may isa pa akong dahilan kaya ako magpupunta ngayon sa Manila. "Malapit na ako Big Brother! Hintayin mo ako dahil papasok ako sa bahay mo at uubusin ko lahat ng C2!" sigaw ko sa aking isipan. Bigla akong kinilig dahil mapapalapit na ako sa pangarap ko. Magiging Artista na ako! Pina-promise ko 'yan sa sarili ko. Manila, here I come!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD