VLEAH APRICITY’S POV “Vleah! Nasan ka na?!” Rinig kong sigaw ni Feliz habang ako naman ay nakatingala sa malaking puno ng narra sa aking harapan. Napakaganda niyang pagmasdan lalo na’t may ilang bulaklak na nakatanim dito sa kanyang lilim. Sa pagtakbo-lakad na ginawa ko kanina, hindi ko inaasahan na marating ito— kaya heto at sigaw ng sigaw si Feliz dahil bigla na naman akong nawala sa kanyang paningin. “Ang ganda mo,” wika ko habang nakatingala sa puno. “V-Vleah… wag mo nang gawin ulit iyon!” Rinig kong hinihingal na sambit ni Feliz sa aking likuran ngunit hindi ko parin ito magawang lingunin. Ito na ang ang pinakamagandang puno na nakita ko. “Gusto mo bang pareho tayong mapagalitan ng asawa mo?” Hinihingal parin nitong sambit. Gusto ko rito. Gusto ko ‘tong balikan. “Vleah, n