VLEAH APRICITY'S POV Kaagad na napuno ng palakpakan ang buong lugar pagkatapos kong kumanta. Ngayon ko lang napagtanto ang ginawa ko. Inaamin kong minsan ay padalos-dalos talaga ako kung magdesisyon kaya heto at nanginginig ang mga tuhod kong bumaba ng platfor sabay bigay ng isang pilit ba ngiti sa bawat taong matitignan ko. “You have a wonderful voice.” Komento ng isang matandang lalake. “Ang ganda ng boses mo hija,” wika pa nong katabi niyang matandang babae. “S-Salamat po.” Nahihiya kong saad bago sila nilagpasan. Kapansin-pansin ang nanlalagkit na mga tingin ng mga lalake rito habang pinapalakpakan ako. Nang tuluyan ko nang maabot ang pwesto ni Dean, kita ko kung paano mas lalong naging walang kaemo-emosyon ang mukha niya. Nang dahil don, bigla na lang nawala ang angas sa aking