Chapter 37 "Hey. Tumahimik ka na naman. May gusto ka bang sabihin?" tanong ni Margi. Ngumiti siya at umiling. "Ikaw kasi, dapat 'wag masiyadong seryoso ang aura mo. Dapat palaging nakasmile. Baka nga ikaw talaga ang type ni Ethan, natatakot lang lumapit sa'yo kaya sa'kin palagi dumidikit. Kasi magkamukha naman tayo," biro na lang niya at natawa naman ito. Sa kanila kasing dalawa ito ang mas serious type. Mas tahimik at hindi masiyadong palakibo. Di tulad niyang madalas na nakabungisngis at may pagkamadaldal. Kung siya extrovert si Margi naman ay may pagka-introvert. "Hindi ako sanay ngumiti lalo na kung wala namang nakakatawa 'no." "Ay oh siya, bahala ka. Lalabas na ko. Pero ikaw din. Baka tumandang dalaga ka. Kasi matatakot lahat ng boys lumapit sa'yo." pananakot niya. "Heh! Sige n