Matapos ang usapang iyon, agad na kinausap ni Lara sina Veronica at Alana. Sakto naman dahil nang marating niya ang paborito nilang cafeteria ay nandoon na ang dalawa.
"Oh, ang tagal mo naman." Sabi ni Veronica.
"Kanina pa ba kayo?" Sabi ni Lara sa mga kaibigan.
"Sakto lang, mga ten minutes." Sagot naman ni Alana.
"Sorry, kasi naman natagalan ako doon sa comlab..." sabi pa ni Lara sabay lingon sa kaniyang likuran.
"O ba't parang may kung ano kang tinatakasan? May sumusunod ba sa'yo?" sabi pa ni Veronica kay Lara. Halatang nag-aalala ito.
"Ah, eh kasi ano..." she paused a bit. Nagdadalawang-isip si Lara if sasabihin ba n'ya ang usapan nila ni Sir Leon.
"Naku, umupo ka na Lara, nag-order na ako ng food. Treat ko ngayon..." Sabi pa ni Alana sa kanila.
"It's a miracle. Anong nakain mo, Alana?" tudyo pa ni Veronica sa kaibigan.
"Wala naman, gusto ko lang manlibre, ikaw ba, Nica? Kailan mo kami ililibre?" sagot naman ni Alana rito. Nagsisimula na namang magburdagulan ang dalawa.
"Naku, baka 'pag puti ng uwak, Alana." Nakisali si Lara sa biruan nila.
Natawa sila sa sandaling iyon, sa kanilang tatlo kasi, si Veronica ang pinakakuripot.
"Nagsalita, hmmmp. Eh kasi naman, mas mabuting maging masinop no!" sabi pa nito sa dalawang sina Alana at Lara.
"Ang mahal na kaya ng bilihin ngayon!" dugtong pa nito.
"Ang sabihin mo, mas gumagastos ka sa boyfriend mo, naku." Sabi pa ni Alana kay Veronica.
"Nasagap ko na naman ang balita, binilhan mo raw ng motor si Joseph?" nagkibit-balikat si Alana sa sandaling iyon.
"Ah, kasi naman...para may magamit din kami sa transportation..." depensa naman ni Veronica.
"Iyan ba ang bagong boyfriend mo, Nica?" Tanong ni Lara sa kaibigan.
"Oo."
"Ilang buwan pa nga kayo?" dugtong ni Lara sa pagtatanong.
"Mag-to-two months na..."
"Hoy, ikaw Nica, ah. Baka inuuto ka lang ng Joseph na 'yan!" sabat naman ni Alana sa sandaling iyon.
"Mahal ka ba talaga niya?" tanong ni Alana kay Veronica.
"Oo naman, tanggap niya ako."
"Okey fine. It's your choice, basta kapag ginago ka ng Joseph na 'yan, sabihin mo lang sa amin...para mabugbog naming dalawa ni Lara." sagot naman ni Alana sabay tawa.
"Mga sira talaga kayo!" nailing na lang si Veronica sa oras na iyon.
Nahinto ang usapan nila dahil dumating na ang order nila. Large size burger at fries, at tig-isang pineapple canned juice. Habang kumakain ay napag-usapan ulit nila si Sir Leon.
"Guys, alam n'yo, feeling ko lang ha, 'yang si sir Leon, chic-magnet. Ang lakas ng s*x appeal, e." Anang Veronica.
"Sinabi mo pa!" umayon si Alana.
"Kamuntikan ngang mahulog ang panty ko kanina." Ngiti ni Alana saka tila nagde-daydreaming pa!
"Mga sira!" saway naman ni Lara sa dalawa sa oras na iyon.
"Eh, ikaw ba Lara, can't you find him interesting?" nguso ni Veronica kay Lara.
"Hindi ka ba nagu-gwapuhan kay sir?" dugtong pa nito. Natigilan si Lara dahil sumiksik sa isip niya ang mukha nito kanina sa library. Hindi tuloy siya mapakali.
"Ah, uhmm...gwapo naman siya e, kaso..." medyo nahihiya siyang sabihin ang naiisip niya.
"Kaso ano?"
"Nakausap ko s'ya kanina sa Comlab..."
"Hala! Really?" anang Alana saka kinikilig na nakinig. Tumango naman si Lara sa oras na iyon.
"Don't tell me, kaya ka late dumating kasi nagchikahan pa kayong dalawa doon?" kunot-noong sambit ni Veronica kay Lara. Nahihiya itong sumagot.
"Oo..."
Kinilig ang dalawa sa sinabi nito.
"Huy, ano ba kayo!" saway ni Lara sa kanila.
"Ang lalaswa ng iniisip n'yo ha. FYI, hindi ko s'ya type!" depensa naman ni Lara sa sarili.
"At never akong papatol sa isang professor!" sabi pa ni Lara sa mga kaibigan.
Ilang saglit pa ay may narinig silang tumikhim sa likuran nila.
"Hello..." baritonong boses nito. Halos hindi sila makapagsalita sa pagdating ni Leon. Para silang nabato sa oras na iyon, natuklaw yata sila ng ahas!
"Sir nan...nandyan ka pala." Nauutal na sambit ni Veronica sa oras na iyon.
"Ah, eh. Hello po, sir." Nag-wave naman si Alana sa guro.
"May I join?" Nakangiting sambit ni ginoong Leonardo.
"Ah...sige po." Sabi nito na hindi pa rin makapaniwala sa pigura ng guro.
Kinabahan si Lara that time, baka kasi narinig nito ang sinabi niya kanina
"Hello po." Bawi naman ni Lara sa oras na iyon saka pasimpleng ngumiti. Hindi siya nagpahalata.
"Hello, Lara. It's nice to see you again." Baritonong sambit ni Leon sa dalaga.
Sa sandaling iyon ay pinamulahan ng pisngi si Lara, halatang nahiya ito rito. Napansin nina Alana at Veronica ang pamumula ni Lara.
"Ehem! Ahm, nga po pala sir...ano po ang order n'yo?" putol ni Alana sa oras na iyon para madivert ang usapan.
"Name it, sir. Ililibre ka n'yan." Ngiting sambit ni Veronica sa guro.
"Actually, iba ang gusto ko, I mean, gusto ko sanang magkape."
"Ano pong coffee?"
"Black coffee, no sugar."
"Okey po."
Nagpaalam si Veronica para mag-order. Nagpaalam din si Alana na pupunta muna s'ya sa comfort room.
Naiwan tuloy si Lara kasama si Leon.
"You like LARGE burger?" tanong ni Leon habang tinitingnan ang order ni Lara.
"Ah, opo. Ikaw po? Coffee na black?"
"Yes. I like coffee a lot. It keeps me ENERGIZE."
"Ah, gan'on po ba..."
Nahihiya si Lara kay Leon that time. Buti na lang ay dumating na sina Veronica at Alana.
"Sorry to keep you waiting, sir. Nandito na po ang coffee mo." Sbi ni Veronica sabay lapag ng mga cups. Mayamaya pa ay dumating na rin si Alana.
"Sorry, pinaghintay ko kayo. May chineck lang ako sa banyo."
"Yuck, sabihin ba naman..." putol ni Veronica sa kaibigan.
"It's fine...I understand..."
"Ah, nga po pala sir, pwede po bang magtanong, if okey lang po?" sabi ni Veronica sa oras na iyon.
"Yes."
"May girlfriend po ba kayo?" si Alana ang pursigidong nagtanong.
"Hoy, mahiya ka nga Alana!" siko ni Lara sa kaibigan. Bahagyang natawa si Leonardo sa sandaling iyon.
"Well, wala akong girlfriend, but I have my fiancé." Seryosong sagot ni Leon sa kanila.
Natahimik silang lahat.
"Ganoon po ba, ahm, congratulations po!" medyo nalungkot si Lara sa oras na iyon.
Thanks. Well, thank you sa coffee na 'to, ah...pero hindi na ako magtatagal. I have to go." Nakangiting sambit nito sa kanila.
"Sige po." Si Alana ang sumagot.
"Ingat ka po, sir" Sabi naman ni Veronica.
Nang makaalis na si Leon ay nanatiling tahimik si Lara.
"Hoy, babae?! Ba't natahimik ka riyan?" niyugyog nila si Lara.
"Hmmm....ang lalim ng iniisip mo ah?" dugtong naman ni Alana.
"Bakit parang namatayan ka riyan?" tudyo ulit ni Veronica.
"Nothing, may iniisip lang ako.
"Wow ha, bigla kang napaisip d'yan, noong sinabi ni sir Leon na ikakasal na s'ya." Ngisi ni Veronica.
Hoy, iba ang iniisip ko ha. Tumigil ka nga, Nica." Saway ni Lara sa kaibigan.
"Ang sabihin mo, crush mo kasi si sir." Dugtong pa ni Alana.
"Hoy! Ano ba kayo! Bahala na nga kayo...aalis na ako. Sige na, aalis na ako," defensive na awat ni Lara sa dalawa.
"Bye, Lara!"
"Ingat ka ha!"
"Ingat sila sa 'kin."
Nang pauwi na si Lara ay nag-abang siya ng jeep. Napansin niyang nagbabadya na ang ulan. Wala pa naman siyang dala na payong. Mayamaya...
"Naku, ba't walang jeep ang dumadaan? Nakakainis!" himutok niya sa sarili. Ilang sandali pa ay may huminto ang isang itim na sasakyan. Magara ito.
"Wanna ride with me?" Sambit pa ng lalaking nakasakay dito.
"Sir Leon?"
"Tara, ihatid na kita..."
"Naku, h'wag na po..."
"Sige na, I insist." Walang nagawa si Lara that time, kung 'di sumunod kay Leon. Pinagbuksan ni Leon si Lara ng pintuan.
"Thank you po."
"You're welcome. Uh, please wear your seatbelt." Sabi pa ng guro sa kaniya.
Naku, paano po ba 'to?
"Come here, ako na." Sabi pa ni Leon sa oras na iyon.
Sa sandaling iyon ay tinulungan ni Leon si Lara. Hindi tuloy maiwasan ni Lara na kabahanan dahil halos dumikit na ang kamay ni Leon sa dibdib niya. Idagdag pa ang distansya ng mukha nila. Umiiwas si Lara sa malagkit na tingin nito.
"You have a beautiful pair of hazel eyes..." sabi pa ni Leon sa dalaga.
"Ah, salamat po..."
"I find your beauty attractive, Lara."
Pinamulahan siya sa sandaling iyon. Her heartbeat is beating outside her chest!
"I mean...masuwerte ang magiging nobyo mo. He will be so proud to have you..." correction pa ni sir Leon.
"Naku po, nakakahiya na po, pero, thank you so much po talaga. Kayo rin naman sir, I know proud na proud ang magiging asawa mo, kasi mabait at hard-working ka." Sabi naman ni Lara sa guro.
Umiling si Leon sa oras na iyon saka sumagot.
"I don't know...I am not sure for that, Lara."
"Bakit po? May problema po ba kayo?" curious na tanong ni Lara.
"Nothing, pero I have my self issues. I think I am not worthy for my fiance."
"Bakit po?"
"May kasalanan ako sa kaniya..."
Sa sandaling iyon ay natahimik silang dalawa. Ramdam ni Lara na parang personal na ang pinag-uusapan nila. Hindi na dapat iyon naungkat.
"I'm sorry sir, don't mind my question, personal na po ang pinag-uusapan natin."
Napangiti na lang si Leon kay Lara that time.
"Lara...you know what..."
"Po?"
"Magaan ang loob ko sa'yo...I feel that I can say everything to you."
Nahihiyang ngumiti si Lara sa oras na iyon.
"And...about the offer I told you... take this." Ani ni Leon. May kinuha siyang calling card. Ibinigay niya ito kay Lara.
"I will expect your call, Lara."
Hindi tuloy maiwasan ni Lara na mapatulala. Mas naramdaman niyang nag-iinit ang kaniyang pisngi.
...itutuloy.