Epilogue Third POV "MOMMY!" Masayang nilingon ni Cattleya ang anak na si Tyrone. Kabababa lang nito sa school bus na service nito. Kasalukuyan kasi siyang nagdidilig ng mga halaman sa garden. Doon na kasi sila nanirahan sa mansyon nila Steve at ng ama nitong si Sergio. "Hi, Baby. Kumusta ang maghapon sa school?" tanong niya sa bata nang makalapit na ito. "Hmm... ang asim mo!" Bahagya pa siyang nagtakip ng ilong. Ngumuso naman ang anak niya pero muli ring ngumiti, "Ayos lang po. Ano pong meryenda?" Excited na tanong nito sa kaniya. Kunwari pa siyang nag-isip pero mayamaya lang ay binulungan niya ito. Napa-wow na lang si Tyrone saka sabik na sabik na nagtatakbo sa loob ng masyon. Natatawa siyang naglakad pasunod sa makulit na anak. Maingat siyang humakbang sa mga batong nakadisenyo sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books