CHAPTER 15 Agatha's POV TAHIMIK lang kami ni Steve habang nasa kalsada. Papunta kami ngayon kung saan nakaconfine ang anak kong --anak nilang si Tyrone. Kinakabahan ako. Ramdam ko na galit ang lalaking kasama ko pero pilit kinokontrol ang sarili. Napapikit na lang ako nang maalala ko ang itsura nila ni Cattleya kanina. "Bakit mo nagawa 'yon kay Cattleya, Agatha?" Biglang tanong ni Steve. Napatingin ako sa kaniya. Deretso lang ang tingin niya sa kalsada. "K-kasi..." hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya kung ano talaga ang dahilan ko? "Spill it. Kanina pa ako naghihintay ng ekplenasyon mo dahil naniniwala akong mayroon kang matibay na dahilan kung bakit mo nagawa sa amin lalo kay Cattleya ang ganoon. Ngayon, bakit mo inilayo ang bata sa amin?" Puno ng awtoridad ang bos