CHAPTER 6 Cattleya's POV Exact 4 o'clock in the afternoon nang matapos ang pag-iinterview ko sa mga applicants. Grabe! Dumugo ang ilong ko sa kanila. English kung english. Buti na lang marami akong baon. Bumalik ako sa cubicle ko at naupo pagkarating ko doon. Sinandal ko ang likod ko sa swivel chair saka medyo ginalaw-galaw ang leeg ko. Napadako ang mga mata ko sa pintuan ng office ni Sir Steve. 'Galit pa kaya siya?' 'E, ano naman ang pakielam ko? Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya, `di ba?' Umigtad ako nang marinig ang telepono ko. Nanginginig kong sinagot iyon. "Hello, Sir Steve." Walang sumagot sa kabilang linya. Pero bahagya kong naririnig ang mabibigat na paghinga ng lalaki sa kabilang linya. "Sir? May kailangan po ba kayo?" "Get inside," anito at namatay na ang lin