CHAPTER 4
HALOS mapasigaw si Cattleya nang ipasok ni Steve ang isang daliri sa kanyang perlas. She never knew na ganito pala kasakit kahit pangalawang beses na nila iyong gagawin. "f**k!" Narinig nyang mura ni Steve. Nataranta naman siya nang may dugong makita sa daliri ni Steve. Ito naman ay tulalang napasabunot sa sariling buhok. "W-what's the meaning of this blood? Mayro'n ka?" Napailing si Cattleya. Next week pa ang schedule ng kanyang menstration. Napatayo na lang si Steve at naglakad pabalik-balik. Ang sakit ng ibabang bahagi ng katawan nya. Para syang nanibago. 'Kasi naman, eh ang tagal na nang huli naming gawin iyon.' "Magbihis ka na," malamig na turan nito sa kanya. "Bilisan mo!" Nagulat naman sya nang sumigaw na ito. Mabilis naman syang naupo at kinalas ang pagkakasinturon ng kamay sa stand ng lampshade. Wala silang imikan habang nasa daan. Hindi nya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. "S-saan tayo pupunta?" Hindi nya napigilang tanong. "Sa bahay mo." Walang lingon nitong sagot. Napatingin na lang si Cattleya sa bintana. Nilibang nya na lang ang sarili sa pagtanaw ng mga tao sa kalsadang kanilang nadaraanan. Huminto ang kotse nito sa parking area ng building kung saan nandoon ang apartment unit ni Cattleya. Nauna itong bumaba habang sya naman ay hinintay na pagbuksan ng pinto. Narinig nyang kumatok ito sa bintana. Lumingon lang sya at nakita nyang sumenyas itong bumaba na. Bumigat ang dibdib nya at nagbuntong-hininga na lang. Bumaba na lang sya at walang lingon na humakbang papunta sa elevator. Nakasunod naman ito. Nakakaramdam sya ng pagkadismaya. Hindi lang sa hindi nito pagbukas ng kotse, isama pa iyong nabitin sya kanina. 'Ang sakit kaya sa puson! Tsk!' "What floor?" tanong nito. Hindi nya ito sinagot at pinindot na lang ang number five button. Silang dalawa lang ang nasa loob ng elevator. Naiinis pa rin sya kay Steve. Kanina, akala nya, maayos na sila pero biglang nagbago. Daig pa nito ang bipolar. Humalukipkip na lang sya habang nakatuon ang mga mata sa sariling repleksyon sa pinto ng elevator. 'Nakakalito ka naman, Steve.' Tumunog ang elevator at saka sya lumabas. Nagpatiuna pa rin sya rito kaya hindi nya alam kung ano bang ginagawa nito. "Wait for me!" sigaw ni Steve. Hindi nya ito pinansin. Basta dire-diretso lang syang naglakad patungo sa unit. Malapit na sana sya nang may batang lalaki ang bamunggo sa kanya. Pinagmasdan ito ni Cattleya at tantiya nya ay nasa edad apat o limang taon na ito. Mataba at matambok ang mga pisngi. Ang mga mata ay natural na mapungay, matangos ang ilong at ang labi. Familiar sa kanya ang itsura nito pero hindi lang matandaan kung saan nya ito nakita. Nabitiwan ng batang lalaki ang laruang kotse pero mukhang hindi nito napansin iyon. 'Steven...' Wala sa sariling naibulong ng isip nya. Napapikit sya nang mariin. 'Naalala ko na naman siya.' "Sorry po, tita." Tila isang anghel ang nagsalitang bata. Tumalungko sya upang maging magkapantay silang dalawa. Inayos nya ang buhok nitong na medyo g**o-g**o pa. "It's okay. Sorry din, huh? Hindi kita napansin." Nginitian nya ito habang hinahaplos ito sa braso. "What's your name? Sinong kas—" "Tyrone!" Halos maistatwa si Cattleya sa kanyang pagkakaupo nang makilala ang babaeng nakatayo ngayon sa gawing likuran nya. Lumapit ito sa bata. Tila nagulat din ito nang mapatingin sa gawi nya. "A-Agatha..." Tumayo aya at hinarap ito. Hindi makapaniwala si Cattleya na nandito ito ngayon sa harapan nya. Akala kasi nyabay nasa ibang bansa ito at doon naninirahan. "C-Cattleya." Ngumiti ito sa kanya mayamaya. "K-kumusta?" Napansin nya na hinawakan nito ang batang lalaki at iginiya sa likuran nito. "Mabuti naman ako. Ikaw? Baby mo?" Patungkol nya sa batang sumisilip sa likuran nito. "Ah, o-oo. Si Tyrone. Baby say hi to your Tita Cattleya," utos nito sa anak. Ngumiti naman ang bata sa kanya. 'Ang cute!' "Saan kayo pupunta niyan?" tanong ni Cattleya. "Ah, d-dumaan lang kami sa isang friend ko. S-sige. Mauna na kami. Mag-goodbye ka na sa Tita Cattleya mo, Ty." "Bye po, Tita Catt. Nice to meet you po." He smiled at her. Ang gaan ng loob nya rito. Tila hinahaplos ang kanyang puso sa simpleng ngiti nito. 'Siguro kung buhay lang ang Steven ko, kasing edad na sana ni Tyone.' Malungkot nyang tinanaw ang mga ito palayo. Napansin nyang nakasalubong ni Agatha si Steve. At gaya ng kanyang inaasahan, nagulat din ang mga ito sa muli nilang pagtatagpo. Hahakbang na sana sya nang masipa nya ang kotse na pag-aari ni Tyrone. Yumuko sya at dinampot iyon. Tinanaw nyang muli ang mag-ina pero wala na ang mga ito. Tanging bulto na lang ni Steve ang namataan nya. Nagpatuloy sya sa paglalakad at tinungo ang pintuan ng unit nya. Kinapa sa bag ang susi nang makarating doon. Hindi pa man din sya nakapapasok ay nasa likuran na nya agad si Steve. "Nagkita ba kayo ni Agatha?" tanong nito sa kanya. "Yeah," tipid nyang tugon. Nang mabuksan ang pinto ay mabilis syang dumiretso sa sala. Pinatong nya sa lamesita ang laruang kotse at saka binuksan ang computer na nasa gilid. She checked all her social media accounts, baka kasi may importanteng messages or what. "Nasaan ang maleta mo?" "Huh?" Natuon ang atensyon nya sa monitor ng computer nang biglang mamatay iyon. "What the hell?" "Oras ng trabaho mo, bakit ka nag-rerelax d'yan?" "What?" Lumingon sya rito na ngayon ay nasa tapat na ng damitan nya. Binuksan nito iyon at walang sabi-sabi na kinuha ang mga damit at pinatong sa kama. "Anong ginagawa mo?" Hindi ito sumagot at yumuko sa ilalim ng kama. "Nasaan ang maleta mo?" tanong nito ulit. Tumayo sya at nameywang na tumitig kay Steve. "Bakit? Aanhin mo?" "Lilipat ka na sa condo ko. Doon ka na titira kasama ko," seryoso nitong sabi. "Bakit? Ayaw ko nga!" Napansin ni Cattleya na naghahilap ito sa buong unit hanggang sa makita na nga nito ang malaking maleta. Nilagay nito lahat ng gamit nya. Walang tiklop-tiklop. Padaskol na ipinasok sa loob lahat ng mga nadadampot. Napamura sya sa inisip nang makita na hawak nito ang box ng sapatos na nakatago sa loob ng cabinet. "Don't touch my things!" angil nya rito at inagaw ito saka niyakap. "Bakit? Ano bang laman niyan?" tanong naman nito. Salubong pa ang mga kilay. Hindi sya sumagot. Tumalikod na lang sya habang yakap-yakap iyon. Hindi nito puwedeng malaman kung ano ang laman ng kahon na iyon. Ayaw nyang may malaman pa itong ibang bagay tungkol sa kanyang nakaraan. 'Namin.' KUMAIN sila sa condo ni Cattleya nang hapon na iyon. Halos hindi sila magpansinan. "Catt," tawag nito pero sandali lang nya itong sinulyapan. "Ibenta mo na itong unit mo." Taas-kilay nya itong nilingon. "At bakit?" "Wala lang." "Ayoko." "Bakit? Masyado bang importante sa'yo ito?" Gusto na naman nya magalit rito. Bakit ba napakadali lang para dito na sabihin ang mga bagay-bagay. Parang wala na itong pinapahalagahan. 'Pati ba naman bahay ko, gusto niya mawala sa'kin?' "Oo naman! Baka kasi hindi mo alam, itong unit na ito ay pundar ko gamit ang dugo't pawis ko. Ang laki ng hirap ko rito." Hindi na nya napigilan ang sarili. Medyo napataas na ang boses nya na halatang ikinagulat nito. "And so? Malaki pa nga rito ang unit ko." Nilibot pa nito ang mga mata sa kabuuan ng unit ko. "Yabang mo!" Padabog syang nagmartsa papunta sa banyo. Ni-lock nya agad ang pinto. Pakiramdam nya hindi sya makahinga kapag kasama nya si Steve. Mga ilang minuto rin syang nanatili sa loob. Pagkalabas ay naabutan nya itong nakahiga sa kama at mukhang tulog. Lumapit sya at tinitigan ito. Ang maamo nitong mukha: ang ilong na matangos; mga mata na natural na mapungay; ang labi nitong ang sarap hagkan. "Balak mo pa yatang nakawan ako ng halik, huh?" Muntik na syang mapamura nang bigla itong dumilat at magsalita. "H-huh? Ano ba iyang sinasabi mo?" Iwas-tingin nya rito. Nag-inat pa ito bago maupo sa kama. "Deny pa," bulong nito. "Oy, anong deny? Kapal mo, ah!" singhal nya. "Cattleye Evangelista, may I remind you that I am your boss!" malakas na sabi nito. Natigilan naman sya. 'Oo nga pala!' "Alright, Sir Steve!" Binigyan diin nya talaga ang pagtawag ng 'sir'. Umupo sya sa sofa at humalukipkip. 'Nakakainis. Masyadong mayabang.' Sumulyap sya sa laruang kotse na nasa lamesita. Kinuha nya iyon at tinitigan. Wala sa loob na napangiti sya. "Tyrone..." bulong nya. 'Siguro kung hindi nawala si Steven ay magiging magkasundo sila. Siguro ang saya ko no'n. Siguro hindi na ako malulungkot nang ganito.' Hindi nya alam na lumalandas na pala ang mga luha sa kanyang mga mata. Mabilis syang nagpunas ng pisngi at mata. Baka makita pa sya ni Steve, sabihan pa syang nagdadrama. Pumasok sa isipan nya si Agatha. 'It's been a long time mula nang huli kaming magkita at magkausap. I missed my best friend...' "AGATHA," tawag ni Cattleya sa matalik na kaibigan. Kanina nya pa ito hinahanap. Tama sya, nandito lang ito sa library at ginugugol ang sarili sa pagbabasa. "Shhh," saway ng librarian sa kanya. Napangiti na lang sya at napa-peace-sign dito. Tumabi sya sa kinauupuan ni Agatha. "Nandito ka lang pala," turan nya sa kaibigan na hindi man lang maistorbo sa kababasa. "Kanina pa kita hinahanap." "Ingay mo! Ano ba `yon?" iritang tanong nito. Ganito talaga ito. Medyo masungit. "Kasi naman, inimbitahan ako ni Steve mag-dinner sa kanila." Kinikilig nyang balita rito. Napansin nyang sumimangot ito pero hindi na lang pinansin. Sanay na kasi sya kay Agatha. "So?" "Samahan mo `ko bumili ng damit!" Mahahalata sa boses nya ang excitement. "Ge," tipid na sagot nito. Napansin nya na maraming libro ang nakapatong sa lamesang nasa harapan nito. Nakidampot sya ng isa roon at binuklat. "Mystery and triller?" takang tanong nya. "Yep." "Bakit iba na yata ang type mong genre? No'ng nakaraan puro horror tapos ngayon, ganito naman." Isa sa kinabibiliban nya rito ay ang matyagang pagbabasa ng mga aklat. Kung sya kasi ang tatanungin, it seems like boring. Mas gusto pa nya ang mga comics dahil may pictures. "Gusto ko lang," tipid nitong sagot. Napansin ni Cattleya na wala talaga itong balak na magsalita o sagutin sya. Naisip nyang baka nawawala ito sa konsentrasyon. Tumayo na si Cattleya at tinapik ito sa balikat. "I have to go, text kita later kung saan tayo magkikita, huh?" Tumango lang ito at nagpatuloy sa pagbabasa. SINUNDAN ni Agatha ng tingin ang bestfriend nyang si Cattleya habang palabas ng silid-aklatan. Lihim syang nakaramdam ng nainis sa sarili dahil nakararamdam na naman sya ng pagkabwisit sa kaibigan. 'Masama ba akong kaibigan? Masasabi ba na plastic ako?' Naisara na lang nya ang libro at saka dumukdok sa lamesa. "Hindi ko na alam ang gagawin ko," wika nya nang wala sa sarili. Ilang minuto pa syang nanatili sa ganoong pasisyon bago tumayo at nilisan ang library. Palihim syang sumunod kay Cattleya na ngayon ay nakasalampak sa bermuda grass sa garden sa loob ng campus. Nagkubli sya sa isang pader kung saan hindi makikita ng kaibigan. Kinapa nya ang cellphone sa bulsa ng palda. Matagal nya itong tinitigan bago ako nagdesiyon na idial ang number ng isang tao. Ilang ring muna ang nagdaan bago may sumagot sa kabilang linya. "Hello?" "H-hello, Tita Cynthia? S-si Agatha po ito." Pagpapakilala nya sa kausap. Labis-labis na kaba ang namamayani sa kanyang dibdib ngayon. Hindi nya alam kung tama ba ang gagawin o hindi. "Agatha? Bestfriend ni Cattleya?" "Y-yes, may ibabalita lang po ako sa inyo tungkol sa pamangkin ninyo at k-kaibigan ko." "Really? Alright, magkita tayo. I'll text you the place. Meet me there later," anito bago namatay ang linya. Muli nyang sinulyapan ang kaibigan. Para namang piniga ang kanyang puso nang makita na kasama na ni Cattleya ngayon ang boyfriend nito—si Steve. Naglakad sya palayo sa lugar na iyon. Ramdam ni Agatha ang paninikip ng dibdib. Nasasaktan sya sa tuwing nakikita nyang magkasama ang dalawa. 'Bakit? Bakit kasi sa dinami-rami ng lalaki sa mundo, bakit si Steve pa ang napili ng bwisit na puso ko!' 'At bakit si Cattleya pa ang napili niya?' 'Bakit hindi na lang ako?' Hindi nya alam kung paano sya nakarating sa loob ng CR. Nakatitig lang sya sa sariling repleksyon sa salamin. Medyo maga na rin ang kanyang mga mata. Mula first year high school ay magkaibigan na sila ni Cattleya. MOO BESTFRIENDS sila. As in My One and Only bestfriend. Super. Pero para sa kanya ay naputol na iyon mula nang malaman nyang karibal nya ito sa lalaking matagal nya nang gusto. Malayong-malayo sila ni Cattleya. Opposite nga, sabi ng iba. Masyado syang konsentrado sa pag-aaral habang ito, happy-go-lucky. Hindi nito sineseryoso ang mga bagay-bagay. Sa kanilang dalawa, ito ang beauty at sya ang brainy. Palagi itong nilalaban sa mga beauty pageant. Sa school at kahit sa mga amateur beauty contests sa labas ng paaralan. Sikat ito dahil bukod sa maganda ay sobrang bait pa. Madali ring lumambot ang puso ni Cattleya. Sya naman ay sa mga academic subjects napapansin. Nerd at bookworm. Aloof sya sa mga tao. Hindi naman sya masyadong sikat dahil sa asignatura lang naman iyon. Palagi silang napagkukumpara. Mas maganda si Cattleya. Mas famous. Mas talented. Nakararamdam sya ng panliit sa tuwing kasama nya ito. Ngumingiti lang sya pero sa totoo lang, nasasaktan na. Lalo na noong makilala nila si Steve. Transferee ito sa school nila at naging classmate. Botohan ng mga officers noon. As usuall, sya ang President habang ang bestfriend nya naman ang Muse. Proud na proud sya kasi magkasama sila sa officers. At ang escort? Walang iba kung hindi ang lalaking pareho nilang crush. At sa minalas-malas, ang kaibigan nya ang nagustuhan nito at niligawan. "Agatha! Nandito ka lang pala. Bakit ba palagi na lang kitang hinahanap?" Napalingon sya kay Cattleya na ngayon ay nakanguso habang nakahalukipkip. Nakatayo ito sa pintuan ng CR. Ngumiti sya rito. Lumapit sya at saka niyakap ito. "Grabe! Sweet mo yata ngayon?" Narinig nyang tanong ng kaibigan. "Hayaan mo na, last ko na ito." Nagtawanan sila matapos nyang sabihin iyon. 'Patawarin mo sana ako, Catt. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad...' NAIBUGA ni Cattleya ang kape na iniinom nang makita nya si Steve na naka-boxer lang na lumabas ng kwarto nito. Nasa condo na nito sila at katatapos lang nya mag-ayos ng mga gamit sa kabilang kwarto. Napatutop na lang sya ng bibig at dali-daling pinunasan ang nabasang sando. "You look sexy tonight, Cattleya." Huli na nang mapagtanto nya na manipis nga pala ang kanyang suot. Mabilis nyang tinakpan gamit ang mga kamay ang dibdib ng pa-letter 'X'. "Bastos!" sigaw nya. Hahakbang na sana sya para pumunta sa kwarto nang bigla itong humarang. "Where do you think you're going?" malapad na ngisi nitong tanong. Ang ngipin ni Steve na sobrang puti at pantay-pantay ay ang nagpatalon ng puso ni Cattleya. Ramdam na ramdam nya ang malakas na t***k ng puso nya. Tiningnan nya ito sa mga mata nitong nakatitig lang sa kanya. Dahan-dahan na lumapit ang mukha nito sa kanya. Pero unti-unti rin syang umatras. "S-sa kwarto ko. M-magpapalit ako ng damit," sagot nya. Lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya. Napatitig sya sa mga labi ni Steve. Pumikit si Cattleya nang mariin habang hinihintay ang paglapat ng labi nito. Ilang minuto syang nakapikit. Hanggang sa marinig nya itong tumawa. Napadilat sya. "Assuming," anito sabay talikod. Sinamaan nya ito ng tingin habang humahakbang sya papasok sa kwarto. "Assuming pala, huh? Tingnan natin kung makatikim ka," bulong nya pagka-lock ng pinto. Isang panjama na kulay violet at white t-shirt ang nakuha nya sa damitan. Kumuha rin sya ng towel, toothbrush at sabon. Dahan-dahan syang lumabas ng sala. Tinanaw pa nya ang pintuan ng kwarto nito at nakahinga naman si Cattleya nang maluwag nang mapansing nakasara iyon. Dumiretso sya sa banyo at pumasok doon. Isinabit nya muna ang damit at towel bago naghubad. Ilang minuto rin syang nagtagal doon upang gawin ang kanyang ritwal. Magbibihis na lang sana sya nang biglang may maalala. 'Nakakuha ba ako ng undies?' 'Damn it! I forgot!' Halos hindi sya mapakali sa loob ng banyo. 'Paano ako magbibihis? Paano ako lalabas?' 'Bahala na.' Patingkayad syang lumakad habang binabagtas ang daan papunta sa kanyang kwarto. Bitbit ang malinis na damit, toothbrush, sabon at ang pinaghubaran. "What the hell?" Huminto sya sa paghakbang nang marinig nyang nagsalita buhat sa likod si Steve. Napapikit sya habang mahigpit ang pagkahawak nya sa towel na nakabalot sa kanyang kahubaran. "Bakit ganiyan ang itsura mo?" "Wala," sabi nya at saka humakbang muli pero aksidenteng nabitiwan nya ang sabon, dahilan kaya nadulas sya sa tiles na sahig. Sa sobrang bilis ng pangyayari, kahit ang kamay nyang nakaalalay sa towel ay kanyang nabitiwan din kaya humalagpos. "s**t!" Narinig nyang mura ni Steve at mabilis syang dinaluhn. Medyo napahinto pa ito nang makita ang katawan nyang nakalantad. Hindi nya naman alam kung ano ang gagawin o sasabihin. "A-are you okay?" tanong nito nang alalayan syang tumayo. Aabutin nya sana ang towel sa sahig kaso naunahan sya ni Steve. "Give me back my towel," utos ni Cattleya rito. "What if I don't?" Ngumisi na naman itong mokong na ito. Basang-basa pa naman sya at nilalamig. "A-ang ginaw, akin na kasi `yan!" Sinubukan nyang agawin iyon pero iniiwas nito iyon habang tumatawa nang mahina. "f**k you, Steve!" Inis na sabi nya sa binata. Naisip nyang tumakbo na lang papasok sa kwarto. 'Sa kaniya na lang ang towel ko na iyon. Kainin nya! Saksak pa nya sa baga nya!' Pero sa hindi inaasahang pangyayari, muli nyang naapakan ang sabon at nadulas na naman. Napahiga na lang sya sa sahig habang iniinda ang namimilipit nyang balakang. "Come, let me help you." Hinawakan nito ang braso nya pero agad syang pumiglas. "I don't need your help!" angil nya rito. Sinubukan nyang tumayo pero sa isang iglap lang ay nadulas na naman sya. This time—mas worst! Napakapit kasi sya kay Steve kaya nadala nya pati ang katawan nito pabagsak sa sahig. Napapikit na lang sya nang mapagtanto ang itsura nilang dalawa. Nakahiga sya sa sahig, walang damit at si Steve—nakapatong sa kanyang ibabaw. Tanging boxer lang ang tanging suot nito. Napalunok si Cattleya nang tatlong beses nang maramdaman nya ang p*********i nitong gumalaw sa tapat ng hita nya. 'Damn!'