Hera: Lakad takbo na ang ginawa ko makalabas lamang sa impyernong lugar na to. Kasabay non ay ang pag lamig ng buo kong katawan at pagtulo ng pawis ko. Gabi na, gabi na ng ako'y makatakas ngunit hindi ko akalaing tatahakin ko pa ang napakalaking kagubatang to bago makalabas sa impyerno. Nakapiring akong dinala ng mga tauhan dito ng demonyo kaya't ngayo'y hirap akong alamin kung saan ang tamang landas. Kabog ng kabog ang dibdib ko. Alam kong hindi dapat ako huminto sa pag takbo dahil malapit lamang saakin ang panganib. Masiyadong malawak ang kapangyarihan ng demonyo para hindi ako matunton kaagad. Saking pag takbo'y may tumawag bigla saking maliit na telepono. Ito yung binigay sakin ni Mr. Bustado bago maisagawa ang plano. Napahinto ako saglit sa