Hera: "Nay? Nay!" Nagdali-dali akong tumakbo para salubungin si Inay. Totoo ba ang nakikita ko? Nakakatayo na ito at hindi na nakaratay sa higaan. "Anak mabuti naman at nasa mabuting kalagayan ka. Nako Hija itong lalaking to siya ang kumuha ng magaling na doctor ko. Nahihiya na nga ako dahil sa kabutihang kalooban niya." Sabi ni Inay. Napalingon naman ako sa gawi ni Connor na nakapamulsa at hindi man lang nakangiti. Oo, ang lamig parin ng mga titig nito ngunit alam kong may mabuti siyang kalooban. "Nay mabuti nalang at nakakalakad na kayo." Sabi ko dito. "Malaki ang utang na loob natin sakanya Hera. Dahil ginawa niya ang lahat mapagaling lang ako. Puntahan mo siya magpasalamat ka Hija dahil kinupkop ka niya dito." Sabi ng Ina. Napalingon muli ako sa gawi ni Connor habang pinapanoo