Episode 3

1010 Words
Nagising ako ng may tumapik sa aking balikat. "Miss, nandito na po tayo," wika ng conductor. Nandito na pala ako. Pupungas-pungas akong bumaba ng bus. Medyo nahilo pa ako dahil sa biglaan kong pagbaba. Kaagad akong pumasok sa isang hotel, para mag check-in. "Mamaya na lang ako maghahanap ng apartment." wika ko sa sarili. Binagsak ko ang katawan sa malambot na kama. Hindi ko naman napigilan ang mag-isip habang nakatitig sa kisame. Tiyak akong hahanapin ako nila mommy at daddy. At tiyak akong magagalit sila sa akin. Haist, bahala na. Ilang minuto ang lumipas, kaagad akong bumangon para maligo at pagkatapos nagpa-deliver na lang ako ng pagkain. Tanghaling tapat ng maisipan kong pumunta ng mall para mag-shopping ng ilang gamit ko. Magma-mask lang ako at magsusuot ng sunglass para walang sinumang makakakilala sa akin. Piping wika ko sa sarili. Pagkatapos kong pumili ng mga kakailanganin ko, kaagad akong lumapit sa counter upang magbayad. "10,560 po lahat ma'am," wika sa akin ng cashier habang nakangiti. Kaagad ko namang iniabot ang card ko rito. Ngunit ilang secondo lang ng magsalita ito. "Ma'am do you have another card?" tanong ng cashier na ikinagulat ko. "Why? Is there something wrong about my card?" tanong ko rin dito. "Hmm, actually ma'am your card is already block," wika nito sa seryosong boses. Gulat na gulat naman ako at hindi makapaniwala sa sinasabi nito. Lalo na't kagagamit ko lang ng card sa hotel na tinutuluyan ko. Naisip ko na lang na baka nagkakamali lang ito. "What? Are you serious? Puwede bang I-check mo muna kasi ginamit ko pa lang iyan kani-kanilang sa hotel na tinutuluyan ko ngayon," paliwanag ko rito sa mahinahong pananalita. "Okay ma'am, wait for a while po, I will check it first what will happened," wika nito. "Okay, thank you." Subalit hindi ko naman maiwasang makaramdam ng kaba, kahit na nga kagagamit ko lang ng card kani-kanila lang sa hotel. After a few minutes.. "Ma'am I'm sorry, but base here, your card is already block." Doon naman na ako nakaramdam ng kaba at takot sa sinabi nito. Ngunit pinilit ko pa ring pakalmahin ang sarili ko, kahit nakakaramdam na ako ng hiya. "Okay, I give another one," mabilis na wika ko rito. Napalunok na lang ako ng tumingin ito sa akin ng alanganin sabay abot ng card ko. "M-ma'am, it's the same po," malumanay na wika nito. Pinanlamigan na ako ng kamay. Pakiramdam ko, kahit na malamig sa loob sobra akong naiinitan. Hanggang sa naubos ko na ang card na naibigay dito ngunit lahat daw naka block. Napamura na lang ako bigla sa sarili. "I can't believe this! Hindi ko akalain na magagawa ito ni daddy sa akin. Paano na ako kakain nito, kung wala akong pera. Ang cash ko pa naman ay napakaunti." Lumunok muna ako bago nagsalita sa kahera. "I-I'm sorry miss, ibalik ko na lang tuloy itong pinamili ko. Because I don't enough cash here," nahihiyang wika ko rito. Alam kong namumula ang pisngi ko sa kahihiyan. Marami-rami pa namang tao. "It's ok maam," nakangiting sagot ng cashier. Kaagad akong lumabas ng mall na nagngingitngit sa inis dahil sa pagkapahiya ko. "Grrgh.. unang beses ko itong mapahiya. Haist, nakakahiya talaga!" himutok ko sa sarili. Hindi ko naiwasan ang mapasabunot sa sariling buhok. Wala akong nagawa kun'di bumalik sa hotel. "Paano na ito? Mabuti na lang talaga nabayaran ko ang isang linggong pananatili ko rito. But after this, saan ako titira, napakaunti ng cash ko at kasya lamang para sa pagkain ko in just few weeks. Haist, talagang gustong-gusto akong pabalikin ni daddy! But no! I don't want to go back, maghahanap ako ng mapapasukan." Naisipan kong tawagan ang kaibigan ko at manghihiram ako ng pera rito. Subalit bigla na lang akong nanlumo ng hindi ko ito makuntak. "Bakit kaya? Bakit out of coverage? Nalaman kaya ni daddy? Naku! Huwag naman sana, madadamay pa ang kaibigan ko. Anong gagawin ko?" balisang wika ko habang kinakausap ang sarili. Apat na araw na ako rito sa hotel at sinubukan ko rin mag-apply, ngunit hindi ako matanggap sa trabaho, samantalang nakapagtapos naman ako ng Business Management. Nanlulumong bumalik na lang ako sa hotel. Gusto kong maiyak ng makitang 8,000 na lang ang pera ko. "May three days pa ako rito." Natapos ang one week ko sa hotel kaya napilitan akong umalis doon. Nakahanap ako ng boarding house. 3,000 ang bayad sa isang buwan. Mabuti na lang napakiusapan ko ang may-ari na kung puwedeng walang deposit na ibigay. May 5,000 pa naman akong natitira. Kailangan ko itong tipirin hanggang sa makahanap ako ng mapapasukang trabaho. Ngunit hindi yata nakisama sa akin ang panahon at 'di ako nakakakuha ng trabaho. Hanggang sa ibenta ko na ang ilang mamahaling gamit ko. Watch, necklace, earrings. Nagtira lang ako ng dalawang pares na damit, sandal ko, dalawang underwear, at isang bra. "Darling ipahanap na natin ang anak natin, baka kung napaano na iyon," pag-aalala ni Mommy Elisa, ang ina ni Clarisse. "Umalis siyang mag-isa, bumalik din siyang mag-isa. Sinisigurado kong hindi siya makakatagal ng isang buwan na hindi umuwi ng bahay. Dahil maaring ngayon, pati mga gamit niya ipinagbenta na niya dahil naka-block ang mga cards niya. Tingnan ko lang kung hanggang saan ang katigasan ng anak mo." Sabay talikod ng daddy ni Clarisse. Nalulungkot naman si Mrs. Buena dahil sa pag-aalaala sa anak nito. "Sana umuwi ka na anak, baka mapahamak ka." "Ma'am baka po puwede namang utangin ang renta. Promise po magbabayad ako kaagad kapag nakahanap na ako ng mapapasukan." Pagmamakaawa ko sa may-ari ng boarding house. Natapos ko na kasi ang isang buwan at wala na akong maipapambayad dito. "Hay, Naku! hija, sawang-sawa na ako sa ganiyang technic, pinagbigyan na nga kitang walang deposit eh. Umalis ka na, at kahit anong gawin mong pagmamakaawa 'di na 'yan makakapasa sa akin." Sabay talikod nito sa akin. Napilitan akong umalis. Saan na ako nito pupunta, kahit cellphone ko naipagbenta ko na. Sarili ko na lang ang bitbit ko ngayon. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking mga luha, hanggang sa may marinig akong malakas na busina, ngunit huli na..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD