Episode 2 (Clarisse Runaway)

1300 Words
"Mom tell, dad na ayaw kong magpakasal sa hindi ko mahal!" naiiyak na wika ko. Ako nga pala si Clarrisse Buena, twenty five years old, nag-iisang anak ng mga Buena. Mayaman nga kami, ngunit nalugi ang negosyo ng mga magulang ko, kaya naipagkasundo ako ng mga itong ikasal sa anak ng business partner ng negosyo nila para maisalba ang kompanya namin. "Listen hija, para rin ito sa ikabubuti mo, nang ating pamilya," wika ni mommy, habang hinahaplos-haplos ang likod ang likod ko. "Kaya tumitigas ang ulo ng anak mo dahil bini-baby mo pa eh!" pagalit na wika ng daddy ko. Nagulat pa kami pareho ni mommy dahil hindi namin namalayan na nakapasok na pala si daddy sa kuwarto. "Darling, huwag mo naman siyang pagalitan, nahihirapan lang ang anak natin dahil sa biglaang desisyon mo," malumanay na sagot ni mommy kay daddy. Habang ako, nakayuko lang at patuloy na umiiyak. "Ah! Basta sa ayaw at gusto mo Clarrisse magpapakasal ka, sa ikakabubuti mo lang naman ang iniisip namin ng mommy mo at para sa kumpanya natin," matigas na pagkakasambit ni daddy. Sa inis ni ko, 'di ko napigilang sumagot. "Really dad? Iniisip ninyo ang ikakabuti ko? Ni hindi niyo man lang nga naisip na hindi ko pa nakikita ang ipapakasal niyo sa akin, ni hindi ko nga mahal ang taong iyon tapos sasabihin ninyo na sa ikakabuti ko ang iniisip ninyo, at para sa kompanya, kaya naisipan ninyong ibenta ako?" Hindi ko na napigilang mapalakas ang boses ko. "Y-you..!" Akmang sasampalin ako nito ng mabilis itong napigilan ni mommy. "Stop it Eduardo! Hayaan muna natin siyang mapag-isa," wika ni mommy. "Kaya lumalaking bastos ang anak mo dahil sa pagkukunsinti mo eh!" galit na wika ni daddy. "At ikaw! Tinuro ako ni daddy. "Sa ayaw at gusto mo matutuloy ang kasal mo! Mas lalo ko pa itong mamadaliin dahil sa katigasan ng ulo mo!" sigaw ni daddy, sabay pabagsak na isinara ang pinto. "Iyak naman ako nang iyak. Lalong sumama ang loob ko dahil ito pa lang ang unang beses na pagbubuhatan ako ng kamay ni daddy. "Shh, tahan na anak.. I'm so sorry, hindi ko mababago ang desisyon ng ama mo. But don't worry anak, kukuha ako nang investagator para malaman kung 'di ba nananakit ang magiging asawa mo para mabawasan iyang pag-alala mo. I'm sure naman na matutuhan mong mahalin iyong tao, " wika ni mommy. "I can't mom, I can't," lumuluhang sagot ko. "Magpahinga ka na muna anak. Tiyak matatanggap mo rin ito, pagod ka na, you need to rest. Bukas na tayo mag-usap." Hindi na lang ako kumibo dahil alam kong wala rin naman magagawa si mommy sa desisyon ni daddy. Hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pinto. Walang patid ang pagtulo ng luha ko, hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Ang matalik kong kaibigan. "H-hello," wika ko habang umiiyak pa rin. "W-what happen?" tanong ng kaibigan kong si Mae na may halong pag-alala. "I t-try to refuse what my dad plans, but he really dicided na ipakasal ako sa taong hindi man lang ako mahal, mas lalong hindi ko mahal. Ni hindi ko pa nga nakikita eh," wika ko. Napabuntong-hininga naman ito sa kabilang linya. "I'm so sorry bes, gustuhin man kitang tulungan, pero 'di ko alam kung paano," malungkot na wika nito. "Y-yes, you can bes," wika ko habang pinupunasan ang mga luha ko. "Itutuloy ko ang plano.." "Ha, p-paano?" tanong nito na parang naguguluhan. "P-pumunta ka rito ng alas-12 ng hating gabi, dala ang kotse mo at tatakas ako, luluwas ako nang manila," wika ko. "What?!" Nabingi pa ako sa lakas ng pag sigaw ng kaibigan ko. Minsan talaga may pagka mala-artista kung umarte ang kaibigan kong ito. Pero hindi ko na lang iyon pinansin. "Makinig ka bes, may sekretong daanan ang bahay namin sa may likod nito, sa paraang hindi ako mapapansin ng mga bantay. I- park mo sa may 'di kalayuan ang kotse mo at hintayin mo ako roon," tuloy-tuloy kong wika rito. "P-pero bes, baka malaman ng daddy mo na kasangkot mo ako, tiyak patay ako nito. Alam mo naman na hindi kami kayamanan, baka mawalan kami ng tirahan niyan kapag nalaman niya ang ginawa kong pagtulong sa'yo," takot nitong wika. "So, hindi mo ako tutulungan? Akala ko ba bestie kita? At saka ngayon lang naman ako hihingi ng tulong sa'yo eh," garalgal kong wika rito. "T-teka bes, huwag ka namang umiyak. Oo na, tutulungan na kita, bahala na." Natuwa naman ako bigla sa sinabi nito. "Salamat bestie, I love you na talaga," natutuwang wika ko. "K-kaya lang bes, sigurado ka ba sa desisyon mo? Kaya mo bang iwanan ang parent's mo? At saan ka naman pupunta sa paraang hindi ka nila matatagpuan? Syempre, mayaman ang kasosyo ng daddy mo, puwede ka nilang ipahanap 'di ba?" mahabang wika ng kaibigan ko na siyang ikinaikot ng mga mata ko. "Pansamantala lang nama ako aalis, babalik din naman ako kaagad kapag narealize na ni daddy na mali ang ginagawa niya sa akin. At saka bahala na kung saan ako mapadpad, ang mahalaga makaalis ako rito mamayang gabi," paliwanag ko. "Haist, ikaw bahala bes. Dalhin mo lang ang cellphone mo at palitan mo 'agad ang number mo para 'di ka matunton. Pero I-save mo number ko para may contact ako sa'yo, baka sisihin ko pa ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa'yo," wika nito. "Ayan! Tinuruan mo pa ako. Iyan ba ang ayaw akong tulungan," pagbibiro ko sa kaibigan. "Ayaw ko man, pero hindi rin kita matitiis no!" wika nito. "Sige na bes mamaya na lang ha, aayusin ko pa ang dadalhin kong kaunting gamit." "Oh sige, tawag ka 'agad sa akin mamaya kapag palabas ka na ng bahay niyo. 12:00am nasa labas na ako ng bahay niyo kaya bilis-bilisan mo lang kilos mo at baka may makakita sa akin, eh lalong hindi tayo nakaalis, patay pa ako nito," Mahabang wika ng kaibigan ko. "Oo na, alam ko naman iyon, sige na mamaya na bye-bye." Kinuha ko ang maliit na maleta at inilagay ang ilang pirasong damit. Dress, under wear, bra, short at makeup kit ko, at syempre iyong wallet na may mga card at cellphone. Nang handa na ang lahat itinago ko ang maleta sa ilalim ng kama at baka biglang pumunta si mommy, mapansin pa ang mga ito. Pagpatak ng alas-12:00am, sinigurado ko munang walang tao sa baba, at dahan-dahan akong lumabas para makasigurong hindi makakalikha ng ingay, nakayapak lamang ako. Dumiritso ako sa likod, sa may secret exit. Isang pader iyon, na hindi halatang may labasan. Tumakbo ako palapit sa kotse ng kaibigan ko at 'agad pumasok sa loob ng ssakyan nito. "B-bes, kinakabahan ako sa ginagawa mo eh," wika ng kaibigan ko. Habang nagmamaneho ito. "Ano ka ba, huwag mo nang isipin iyon, hindi naman nila malalaman na kasabwat kita, ibaba mo lang ako sa may bus station at doon na ako sasakay papuntang manila," wika ko. "Siguro ka ba? Baka may makakilala sa'yo?" wika nito. "Wala iyan, kaya nga nagdala ako nang mask, sunglass at wig na rin para 'di ako makikilala." Nakarating kami sa bus station. Naiiyak naman ang kaibigan ko. Gusto ko man umiyak pero pinigilan ko. "Bes, mag-iingat ka ha? Tumawag ka 'agad sa 'kin pagkarating mo ng maynila. At saka huwag mong kalimutang magpalit kaagad ng sim mo." Tumango naman ako rito sabay yakap dito. At mabilis ko na rin itong pinauwi. Bigla na lang pumatak ang luha ko sa kalungkutan. Ngayon pa lang namimiss ko na sila mommy at daddy. Pero ayoko talagang pakasal. Pinahid ko ang luha at bumili ng bagong sim, pagkatapos 'agad kong tinapon ang lumang sim. Pumasok na ako sa bus papuntang Maynila. Nakahinga ako nang maluwag ng papaalis na ang bus. "I'm sorry mom and dad, maiintindihan niyo rin ako," sabay punas ng luha. Hanggang sa makatulog ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD