Isang buwan na ang nakalipas mula nang magsama sina Razel at Alyana bilang huwad. Sa mga araw na nagdaan ay walang naging problema sa pagsasama ng mga ito, masaya at matiwasay. Hindi na rin nangulit pa si Joseph, o kahit na sino sa mga Bargas ay hindi na muling nagkrus ang mga landas ng mga ito at ni Alyana. Unti-unti na rin bumabalik ang hitsura ni Alyana sa dati, kahit papaano'y nagkalaman na rin ang mga buto niya. Nakatulong kasi ang mga bitamina na pinapainom sa kanya ng binata. Pinasadahan niya ang kabuuan sa malaking salamin. Nakabili na rin siya ng mga damit panlakad, dahil kahapon niya natanggap ang una niyang sahod. Nilugay niya lang ang mahaba niyang buhok at umalis na nang bahay. Pagkarating niya sa ospital na pinapasukan ni Razel ay mabilis siyang pinapasok ng secretary