3rd Wish

1867 Words
(JANNA SANTOS POINT OF VIEW) TINITITIGAN ko ang ticket na ibinigay ni Liquid sa akin habang nagiintay ako sa labas ng Hotel kung saan nagiistay ang banda ni Ice. Naisip ko na hindi pwedeng mag give up na lang ako, alam kong may dahilan siya kung nagpapanggap siyang hindi niya ako naalala. Alam kong may rason siya kung bakit wala lang ang turing niya sa akin. Kung sasabihin naman niya kung bakit, kaya ko namang irespeto yun, kaya ko namang maging fan na lang niya at hindi na mangulit pa. Halos buong araw na ako dito pero hindi pa rin sila lumalabas, pumasok na kaya ako? Pero hindi ko naman alam ang room number niya? Dahil wala namang tao sa paligid ng hotel ay napag-isipan ko ng magdiretso para makapasok. "Miss saan po kayo pupunta?" tanong ng gwardya sa akin. Oo nga pala, five star hotel 'to at bawal na basta-basta makapasok para lang makita sila. "Pupuntahan ko sana yung kaibigan ko, dito siya naka-check in." sabi ko sa kaniya "Ganoon ba? Sige pumasok ka na," sabi niya sa akin napabuntong hininga ako ng mabilis akong pinapasok ng gwardya sa loob. bumungad sa akin ang pagkagandang ganda na hotel, sobrang laki nito at puro mayayaman ang nasa loob, may mga sikat din na personalidad, kaya siguro dito sila nagcheck in. "The popular boyband in Asia are chilling in the lounge. They are asking us to hang out with them." Aya ng isang anak mayaman na nakadamit pa na pang-party, puro sosyal nga ang nandito. Dapat binitbit ko si Elle para hindi ako mahirapan na hanapin sila. "Popular boy band?" tanong ko sa sarili ko. "Miss, are you talking about Absolute Boyfriend?" I asked her, tumango naman siya sa akin. "Yeah, I'll hang out with them, wanna join?" She asked me at ngumiti siya ulit sa akin, tumango naman ako sa kaniya at saka napa 'yes' sa isip ko. "By the way my name is Stella. You?" She asked me. "My name is Janna, actually Im a fan of Absolute boyfriend. Gusto ko kasi makita si Ice Fontanilla e," sabi ko sa kaniya at ngumiti. "Oh really, let's see if we can catch them," saad niya sa akin at pumasok kami sa isang lounge na parang party area. "Actually I know one of their members, his name is Liquid Xi. Do you want us to catch him first so he'll get you to meet Ice Fontanilla?" She asked me. "Sige ba! Basta makita ko si Ice," sagot ko sa kaniya "Don't mind it, I mean you won't lie about having a friend living here, if your not serious with your intentions right?" She asked me again. Tumango ako sa kaniya, narating namin ang billiards place at nakita ko ang ilang myembro ng Absolute boyfriend doon, andoon si Liquid, Marcel at si Rheese kasama pa nila si Daryl na naglalaro din sa loob. "Hey, Liquid!" sabi ni Stella at lumingon ito nagkatagpo ang mga mata namin ni Liquid. "I have someone here who wants to meet Ice," sabi niya at tinuro niya ako kay Liquid. "I know her, she's the fan from the last event." he responded at lumapit siya sa akin. "You seem to have an eye on her huh?" tanong nung Stella at kumindat pa ito. "I'll be heading to the party area, Liquid." Saad niya at nagpaalam na si Stella sa akin . 'Hi! kamusta ka na?" tanong ni Liquid sa akin. "Okay naman ako," sagot ko sa kaniya at ngumiti ako. "Kilala ko siya, ikaw yung makulit na fan na laging pinapaalis ni Ice." Sabi ni Rheese at lumapit siya sa akin. "The sasaeng?" tanong naman ni Daryl sa kaniya. "Hindi ako sasaeng, fan lang ako na gusto siyang makita. Nagmamahal na fan ika nga," sabi ko sa kanilang dalawa. "It seems like you did everything to get here. It's something that a sasaeng like you will do, and in fact Ice denied you. You shouldn't be here," sabi ni Daryl sa akin. "She's not a sasaeng Daryl. Ice might be denying her all the time, but that doesn't mean that she's one of those Sasaengs. Believe me, she's a nice person." sagot naman ni Liquid sa kaniya. "Do you really want to talk to him?" He asked me tumango ako sa kaniya. "Sana, pero kung hindi pwede okay lang naman e. Gusto ko lang sana siyang tanungin kung bakit kinalimutan na niya akoat kailangang itanggi na ganoon na lang," sagot ko sa kaniya. "Ice usually don't accept visitors even his Mom," sabi naman ni Rheese. "Pero dahil umiiyak ka na sasamahan ka na namin sa kaniya, wag mo lang akong isumbong ha? patay ako don e," bulong niya sa akin at tumawa siya ng malakas, umirap naman si Daryl sa kaniya. "I have no idea with what's happening, don't get me involve with this," sabi ni Daryl at itinaas niya ang kamay niya as a sign of surrender. "Halika ka Janna! Ihahatid kita sa kaniya." Sabi sa akin ni Liquid at dinala niya ako sa pinakamataas na floor ng hotel na iyon. "Ice used to talk about you way back then," he said out of the blue with a smile. "Kaya wag mong isipin na sinasadya niyang kalimutan ka, wag kang susuko. He might be a brat but he got some weakness on, and I think that was you." Saad niya sa akin at pinapasok niya ako sa isang napakalaking kwarto. Pagpasok ko ay punong puno yun ng mga pictures nila, mga albums at ilang trophies. Pakiramdam ko nasa langit na ako nang makita niya ako. "Ice, someone is looking for you!" sigaw ni Liquid at kumindat pa ito sa akin namula naman ako sa ginawa niya sa akin. "Who's there?" he asked, ang raspy pa ng boses niya pakiramdam ko kakagising lang niya. "What's your name again?" Liquid asked me. "Janna Santos," sagot ko sa kaniya. "Someone named, Janna Santos," he announced at maya maya pa bumukas ang isang pintuan, sumilip doon si Ice na nakakunot ang noo. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin at agaran siyang lumapit hinawakan pa niya ang braso ko na parang hihigitin niya muli akong paalis. "Kasi gusto kitang makausap, kung 'di kita makakausap ng matino sa fan meetings mo, edi dito na lang kita kakausapin." "Alam mo bang pwede akong tumawag ng guard dahil sa pagpasok mo dito?" tanong niya sa akin. Lumabas naman ng kwarto si Kaizer at ngumiti sa akin. "Oh, bakit kayo nagsisigawan?" tanong ni Kaizer sa kaniya sinamaan lang siya ng tingin ni Ice. "Nung narinig mo yung pangalan niya ngumiti ka na parang ulol, tapos pinapaalis mo siya ngayon. Ang g**o mo rin no?" tanong ni Kaizer sa kaniya at pumunta ito sa isang pintuan na parang baniyo ata. "Talaga ngumiti ka nung narinig mong nandito ako?" Pabebe kong tanong sa kaniya pero nanatiling stoic ang facial reaction niya sa akin. "No," saad niya sa akin. "Yiee, aminin namimiss mo ako. Umamin ka na sa kasi, love mo pa rin ako!" nang-aasar kong sambit sa kaniya pero inikutan lang niya ako ng mata. "Umalis ka na lang Jang pwede ba?" tanong sa akin ni Ice. "Hindi ako aalis Ice, sabihin mo muna sa akin kung bakit ka nagpapanggap na hindi mo kilala? Pwede mo namang sabihin sa akin na Jang, fan na lang kita ha? Huwag ka ng umasa maging tayo ulit o maging magkaibigan pa tayo kasi sikat na ako at choosy na ako sa mga bagay-bagay, allergic na sa anak ng dati kong nanny. Hindi na bagay tingnan," paliwanag ko sa kaniya, naluha halos ang mga mata ko dahil sinasabi ko. "Pero hindi, nagpapanggap kang hindi mo ako kilala at nasasaktan ako dahil do'n," dagdag ko pa muli sa kaniya. "Kung nasasaktan ka edi gawin mo ang gusto ko. Kalimutan mo na lang ako Jang," sagot niya sa akin. "Mahirap nga gawin iyon Ice. Hindi madali kasi sayo na umikot yung mundo. Nawala ka nga pero ikaw naman yung hinangaan ko. Gustohin ko mang gayahin ka hindi ko magawa kasi yung nararamdaman ko sayo nung bata pa tayo hindi naman nawala. Gusto pa rin kita," sabi ko sa kaniya. "Bakit mo ba 'to ginagawa Jang, lalo mo ba akong pinapahirapan?" tanong niya sa akin. "Kung pinapahirapan kita edi mas lalo naman ako, pinapahirapan mo rin naman ako sa ginagawa mo diba?" tanong ko pabalik sa kaniya. "Umalis ka na lang, kung wala kang pamasahe bibigyan kita. Pleae, nakikkiusap ako. Kalimutan mo na lang ako Jang" muli niyang saad sa akin at kinuha niya ang kaniyang wallet saka aktong kukuha ng pera. "Gano'n na lang yun kadali sayo? Sa tingin mo ba pag binigyan mo ako ng pamasahe pauwi kahit samahan mo pa ng pang Ice cream e madali kong makakalimutan ang lahat ha? Ice, 10 taon nga yung lumipas 'di ko nagawang kalimutan yung nararamdaman ko sa'yo e. Iyan pa kayang wallet mo makakatulong?" tanong ko sa kaniya natigil siya sa pagkuha ng pera. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo Jang?" tanong niya sa akin at saka niya ako hinatak at hinalikan na tila ba wala ng bukas. *** "BAKLITA! Bakit kanina ka pa tulala diyan ha?" tanong sa akin ni Elle. It's been three days since nung halikan ako ni Ice sa hotel room nila at ako ay traumatized. Pero in a good way yung pagkaka traumatize ko kasi natrauma ako 'di dahil sa kiss kung 'di dahil sa naglaplapan kami habang nanonood si Kaizer. Nakanganga pa nga 'yung tao doon sa gilid e tapos nang naeenjoy ko na at nagkakagatan na kami ng lips bigla naman siyang tumigil sa panlalapa sa akin saka niya ako pinaalis. Hindi ko alam kung maayos na kami pero manggugulo pa rin ako sa kaniya, Im still his fan though at di pa niya nalilinaw ang dahilan kung bakit gusto niya ako kalimutan. Ang naalala ko lang para akong tanga na lumabas dun niyakap ko pa nga ang gwardya tapos nag thank you ako binigyan ko rin siya ng kakanin bilang pasasalamat dahil nahalikan ako ni Ice. Napahawak na lang ako sa lips ko at nagtitili naman si Elle na para bang nakakita siya ng multo. Binatukan ko siya dahil doon. "Panira ka ng monolugue eh," dakilang panira talaga ang mga lokang-loka 'to kahit na kailan. "Kasi naman humawak ka sa lips mo, sinampal ka ba niya sa lips mo?!" kinikilig niyang saad sa akin. "Gaga! Nakahawak lang sinampal agad? 'Di ba pwedeng nakagat lang ng lamok ang lips niya," suwestiyon naman ni Janine kay Elle. "Over-acting naman 'di ba pwedeng hinalikan lang niya ako," sabi ko habang hinahampas ko ang baba ko sa mesa dahil sa sobrang kilig. "Weh?' sabay nilang tanong sa akin. "Oo nga, hinalikan niya ako!"sabi ko sa kaniya at saka ko sila hinampas. "Oo, hinalikan ka niya tapos ano? Ano nang ginawa niya?" tanong ni Elle sa akin. "Wala na, matapos niya akong halikan. Sabi niya huli na daw yun," sagot ko sa kanila. "One last kiss ang peg," saad ni Janine. "Ewan basta sabi niya huli na daw 'yon kung One last kiss 'man yon. Ewan ko na lang," saad ko sa kaniya. "Bakit naman? Aba ang unfair niya!" sabi naman ni Janine sa akin at sumang-ayon naman si Elle sa kaniya. "Hoy! Unfair na nga yung ginawa sayo o! Kiss and run na nga tapos nakangiti ka pa!" sabi ni Elle sa akin at saka ako binatukan. "Pero kasi yung kiss niya feeling ko may ibang meaning, pakiramdam ko importante pa rin ako sa kaniya. Hindi pa rin niya ako nakakalimutan. Alam ko sa puso niya hindi lang ako basta fan," sagot ko sa kaniya at hinawakan ko ang labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD