(JANNA SANTOS' POINT OF VIEW)
INIISIP ko pa rin yung inakto niya yung event nung isang araw, napapaisip talaga ako, di naman kasi siya ganon ng huli kaming magkita. Hindi, noong magising ako dati nagulat na lang ako na sikat na pala siya at ako biglaang fan na niya. Sa sobrang pagkabigla ko noon ay wala akong nagawa kung 'di ang suportahan siya. Hindi talaga maganda ang lahat, pero ako umaasa na maayos pa yun.
"Hoy! Gagita! anong ine-emote-emote mo dyan?!" suway sa akin ni Janine. Napansin niya kasi na tulala ako sa isang gilid.
"Naiisip ko lang si Ice. Sa tingin ko kasi nagbago na siya e," saad ko sa kaniya.
"Akala ko kasi dahil lang sa hindi niya ako nakikita, maraming tao. Pero ngayong nagkita kami naiisip ko parang sinasadya niya" sabi ko kay Janine.
"Baka gano'n lang talaga kasi artista, malay mo pagod!" sabi naman ni Janine sa akin
"Ganon siya kasi di niyo ako sinama sa event nung isang araw! Mga hampas lupa kayo!" mataray na sigaw ng isang babae.
"Punyemas kang babae ka! Pinapagising ka namin sa kapatid mo tapos naninipa ka pa! Kaya iniwan ka namin," sagot ni Janine tapos pinakita nito ang solo shots niya with Jeremy. Nagpakuha talaga siya katabi ni Jeremy para inisin itong babaeng to para hindi na daw magmaganda next time.
"Hindi pwede to! Savage!" singhal niya sa amin at pinakita niya ang pangil niya, literal na pangil na ngipin talaga pero hindi naman siya vampire, mapangil lang talaga siya.
"Bakit depress 'yan?" tanong niya kay Janine ng makita niya ako.
"Kasi kahapon tinarayan siya ni Ice. Hindi lang basta tinarayan dahil sinabit nito na 'di daw siya kilala nito!" sabi ni Janine sa kaniya.Tumango-tango na lang ako sa pagkwento ni Janine.
"Ha? Diba Magkaibigan kayo ni Ice dati?" tanong ni Elle sa akin.
"Imagination ko lang siguro iyon," sabi ko sa kaniya at saka ngumiti.
"Manood na nga lang tayo ng MV nila!" pag aya ko sa kanila.
"Teka gaano ba sila katagal sa Pilipinas?" tanong ni Elle sa akin.
"Limang buwan daw ata kasi gagawin nilang matatag ang fanbase nila dito." Sabi naman ni Janine sa kaniya.
"Edi may chance pa ulit! Punta na lang tayo sa mga event nila dito para makilala ka niya ulit!" sabi ni Elle sa akin.
"Oo nga, wag kang mawalan ng pagasa Jang. Malalaman din natin kung bakit nagtataray 'yang si Ice mo? Okay? Sa ngayon don't lose hope!" sabi naman nilang dalawa sa akin at saka nila yinakap. Ang swerte ko rin pala sa mga kaibigan na meron ako.
Pagdating ng hapon. Hinatid na kami ni Elle sa mga bahay namin, mayaman kasi siya kaya ayun normal lang sa kaniya ang ipahatid kami sa bahay ni Janine matapos ang galaan.Dali dali akong dumiretso sa kwarto ko at humiga sa kama ko.
"Ah.. Ice bukas makikita na naman kita! Sana pansinin mo na ako ng matino ha?" sabi ko sa poster niya na nakadikit sa ceiling ko nang biglaang nalaglag yung poster niya sa katawan ko.
"r**e! r**e! r**e!" sigaw ko sa kwarto. Dali dali namang umakyat sila mama at ate at binuksan ang pinto.
"Walang hiya ka Janna, nalaglag lang poster mo e r**e na agad?!" tanong ni Ate sa akin.
"Walang hiya ka anak! Akala ko nagagahasa ka na talaga sa kwarto!" sabi ni Mama sa akin. Lumapit siya para tanggaling ang poster sa katawan ko, feel na feel ko pa naman ang dikit nitong poster sa akin.
"Kumuha ka ng lampin. Ingudngud ko lang sa bunganga ng babaeng to!" utos ni Mama kay Ate na agad naman nitong sinunod.
"Ito naman Joke lang! Hindi naman na kayo mabiro at nasanay sa akin. basta kay Ice r**e agad!" sabi ko sa kanila.
"Hay! bumaba ka na dyan at kakain na" sabi ni Mama sa akin at ako naman kumuha ng tape dahil binalik ko na ang poster ng Abs ni Ice na nakapost sa kwarto ko.
***
KINABUKASAN, traumatized pa ako sa panghahalay ng poster ko sa akin, biro lang maaga akong sinundo nila Elle at Janine para mauna kami sa Venue, sa amin kasi si Elle ang official member ng fandom, pwede niya kaming dekwatin sa official events at mabigyan ng VIP access, minsan nga kahit Backstage pass nakukuha niyan e. May angkin kasi siyang yaman kaya binitbit niya kaming mga poorita fans.
"Dito tayo sa harap para makita tayo agad ni Jeremy ko!" sabi niya sa amin.
Sumunod na lang kami ni Janine sa kaniya dahil siya ang benefactor namin, sa panahon ngayon mahirap sumuway sa benefactor baka mawalan tayo ng sponsor.
"Maganda na ba ako?" tanong ni Elle sa akin.
"Oo naman," sabi ko sa kaniya, minsan kasi kailangan mo ring utuin si Elle para mailibre ka niya. Huwag kayo mag-alala sanay na 'yan na ginagamit namin siya. Gamitan kami e. Charot!
Unti unti ng dumami ang fans na nasa Venue sa private fan signing event na in-organize nila. Ako nga dala ko yung note book na binigay niya sa akin dati e.
Ginawa ko kasing scap book yun tapos may pictures kaming dalawa doon, yung mga litrato nung bata pa kami. Basta mga bagay na makakapagalala sa kaniya na kilala niya talaga ako, mamaya maya nagtilian na ang mga tao, dumating na kasi ang van na sinasakyan nila.
"Jeremy, my Labs! Tingin ka dito please dahil nandito na ang nag-iisang asawa mo!"
"Ako si Elleanor Dimakatae!" sigaw ni Elle dahilan para manahimik ang ibang fans at magtawanan. Tumingin sa kaniya si Jeremy na halatang nagpipigil ng tawa.
"Ako magiging asawa mo! Parehas tayo rich kaya makukuha kita, abangan mo lang baka magulat ka mamaya mag-asawa na pala tayo!" sigaw muli nito sa kaniya.
Muling nag-eye smile si Jeremy sa kaniya at kumindat pa.
"OMG! Janna! Tiningnan niya ako!" pang bubugbog niya sa akin.
"Aray!" angal ko at hinawakan ang braso kong nilamog niya ng hampas.
"Talagang ngingiti iyan kasi narinig niya ang pangalan mong mabantot. Jusko Elle, kailangan mo pa bang ibroadcast yun ha, isunod mo na rin kaya pati ang address mo!" tanong ko sa kaniya.
"Oo nga no?! Malay mo hanapin niya sa yellow pages tapos puntahan niya ako sa bahay tapos mabubuntis na ako!" sigaw niya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin pa dahil si Elle ang perfect example ng SPG fan, kahit erotic na fanfic basta si Jeremy ang fiction character binabasa niya.
Tapos no'n ay nagsibabaan na lahat. Nahuli bumaba si Walter kasama si Ice. Nagkatinginan kami saglit pero dinaan lang niya ako.
"Ice!" sigaw ko sa kaniya pero hindi na siya lumingon pa.
"Dinedma na naman niya ako," sabi ko kay Janine.
"Baka 'di ka lang nakita ulit!" pagchi-cheer up nila sa akin. Pumunta na sa mahabang table ang mga member at kami naupo sa may upuan malapit. The program started formally with some Q & A's na alam na namin ang sagot, ang hinihintay namin talaga na part ng event ay yung interaction.
"Dimakatae! Anong oras yung interaction?" tanong ko.
"Wag mo ngang isigaw ang apelyido ko, napahiya na nga ako eh. Di na ako makatingin kay Jeremy Kim!" sabi niya sa akin.
"Aba, late response din yung hiya mo Elle ha? Maganda yan, uunalad ka kapag ganiyan!" sagot ko sa kaniya
"Okay now! Fans, kindly line up for the interaction. All of you will have time to talk to your bias" sabi ng host sabagay 50 lang kasi kami na nakapasok eh.
Luminya na kami. Doon ako sa pila ni Ice pang lima ako sa huli pero ayos lang. I took a deep breathe nung palapit na ang turn ko.
"I - Ice?" tawag ko sa kaniya para maiba naman. Napalunok ako ng tumingin siya sa akin habang nakikipag-usap siya kay Rheese "Its you again?" malamig niyang saad sa akin.
"Oo ako ulitito! May gusto sana akong ibigay sayo." Sabi ko sa kaniya at inabot ko ang notebook sa kaniya. Tiningnan lang niya ang notebook at saka saka siya ngumisi sa harap ko.
"Bakit ba ang hilig mong magbigay ng basura ha?" tanong niya sa akin
"Ah - ahahaha.. hindi mo ba naalala noong binigay mo 'yan sa akin dati.. kasi... Uhmmm.. basta... yon. Oo yun, binigay mo yan sa akin... para gawin kong.. scrapbook...tapos pag nakalahati ko na ibibigay ko...sayo.. ulit.. eh ano nakalahati ko na," sabi ko sa kaniya sabay ngiti. Nag-stutter pa ako naintindihan pa kaya niya ang nais kong mga sabihin?
"I don't remember giving out trashes like this," sagot niya sa akin at mahina siyang ngumiti sa akin.
"Pero tatanggapin ko na rin, tumabi ka na. Marami pang fan sa likod" sabi niya sa akin at sineniyasan niya ako na tumabi.
"Ice hindi mo na ba talaga ako naalala? Impossible naman ata yo'n dahil ilang taon pa lang ang lumilipas. Hindi pwedeng agad mo akong makalimutan," tanong ko sa kaniya pero tumitig lang siya sa akin, sobrang bigat ng paghinga ko. Pakiramdam ko mamatay ako sa sobrang kaba sa paghintay ng sagot niya sa akin.
"Maraming nagsasabi na kababata ko daw sila, do you think paniniwalaan kita?" tanong niya sa akin. Umaarte siya na tila ba hindi niya kilala at masakit 'yon para sa akin.
"Wala akong kilalang Jang kaya sorry," saad niya sa akin at muli siyang ngumiti.
"Paano mo ko nakalimutan?" tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot, ang sakit. Pakiramdam ko ako lang ang nagpahalaga sa mga pinagdaan namin nung kami ay mga bata pa.
Pakiramdam ko kumapit ako sa wala.
"Hindi naman siguro kita makakalimutan kung kilala talaga kita diba?" tanong niya pabalik sa akin. Napaatras ako dahil sa mga sinabi niya sa akin. Naglaho ang mga ngiti niya habang umaatras ako, tuluyan na akong nakaramdam ng hilo dahil doon at di ko na lang namalayan na nagdilim na ang paningin ko.
"Are you okay, Miss?" may malambing boses na gumising sa akin, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Liquid Xi na nasa harap ko at pinapaypayan ako. Agad akong napabangon at napatingin sa paligid, nahimatay ba ako kanina?
"Miss, kumusta na ang pakiramdam mo?" He asked me again at napatingin ako sa kaniya at muli sa paligid, wala na si Ice. Siguro nga ay hindi niya talaga ako kilala, baka nakalimutan na nga niya ako.
"Oo, maayos lang ako. Salamat ha?" sabi ko sa kaniya.
"It's okay, pina-check ko na yung ventilation nitong venue dahil baka nahilo ka dahil sa init," sabi niya sa akin at muli siyang ngumiti.
"Liquid, tawag tayo ni Manager. Let the staff take care of her." Sabi naman ni Jeremy na lumapit pa talaga, I can see the other boys pack up tumayo si Liquid at mahinang ngumiti sa akin.
"Pasensiya na talaga miss ha? Ito oh, para sa'yo na lang." aniya at may inabot siyang maliit na papel. Tiningnan ko iyon at nakita kong concert ticket iyon. Fanmeet - Concert ticket siya.
"Pasensiya na talaga kanina! Promise sa venue niyang concert 'di ka na maiinitan at mahihimatay!" sabi niya at kumaway pa siya sa akin senyales na nagpapaalam na siya.