Kabanata 1.8 Part 2 "Ate!" pagtawag ni Gold. Tumakbo pa ito at parang may magandang ibabalita kay Katleya. "Yes, Yessa? Ano ang meron?" takang tanong ni Katleya. Nagtutupi ito ngayon ng mga damit niya sa kanyang kuwarto. "Si Kuya Blue," aniya. "Bakit? Ano ang meron?" "He's now the new CEO of their company." Ipinakita ni Gold ang article kay Katleya. Napangiti si Katleya sa nalaman niya at hinaplos ang tiyan niya. "Narinig niyo iyon mga anak? CEO na ang daddy niyo. Natupad na ang isa sa mga pangarap niya." "Ate, I'm so proud of you," giit ni Gold. "Bakit?" "You are now happy. Hindi ka na nalulungkot sa tuwing naririnig mo ang pangalan niya." "Nasanay lang, Yessa," ani Katleya. "Ate, ano ang nangyari sa iyo?" tanong ni Gold. Nakita niya kasi ang pag-inda sa mukha ni Katleya.