Kabanata 1.8 Part 1 Tahimik na tinitingnan ni Black sa phone niya ang litrato nilang dalawa ni Grey na magkasama. Sariwa pa rin para sa kanya ang alaala nilang dalawa. Kahit dalawang buwan nang nangyari iyon ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya rito. "Kuya idol? Hindi pa rin ba kayo okay ni Kuya Grey?" pag-aalalang tanong ni Silver. "Hindi niya ako nire-replyan." "Pinuntahan mo ba? Sinuyo?" tanong nito. Natahimik si Black dahil sa katotohanang hindi niya ito pinuntahan. Iyong gabing iyon ang huli nilang pagkikita. Natakot kasi siya na baka may makakakita sa kanila. Hindi niya rin ito pinuntahan sa bahay nila dahil natakot siya sa posibleng mangyari. Bumangon si Black sa higaan niya. "Wala pala akong ginawa para magkabalikan kami." "Kung ako si Kuya Grey, Kuya? Masasakt