FAMILY DINNER

1134 Words
"Drake, kain ka na. I'll cook adobo for you." nakangiti kong sabi habang nakadungaw sa pintuan ng kwarto niya. Parang may tinitignan siya sa laptop niya na diko naman makita dahil malayo ang pwesto nito. Inangat niya ang tingin papunta sakin at agad tumayo. Napangiti ako ng naglakad siya palapit sakin at nawala rin ng padabog niyang sinirado ang pinto niya. Napangiti ako ng pilit at nagkibit-balikat. "I guess, he's not hungry." Naglakad ako pababa ng hagdan at pumasok sa kusina para sana ligpitin na ang hinanda kong pagkain ng magring ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag. "Yes,Nik?" Narinig ko ang tawanan sa kabilang linya bago ito humina at sinagot ang tanong ko. "Hi,Elle. You want to have dinner with us?" Napatingin ako sa adobong ililigpit ko na sana at napatungo ng maalang di niya man lang ito tinikman kahit kunti. "Nandiyan si Dad?" wala sa sariling tanong ko. After we get married to Drake I have a serious argument with Dad. Nalaman ko kasing may pamilya pala itong tunay at pangalawa lang si Mommy. "No. Didn't you come?" pagbabasakali nito. Napabuntong hininga ako. Besides, ako lang naman magisa ang kakain af si Drake mukhang di na baba dahil busy naman 'yun... pupunta na lang ako. "I will come." Binaba ko na ang tawag at nagmadaling kinuha ang sling bag sa kwarto bago patakbong lumabas ng bahay. Maaga pa kaya may mga taxi pang dumadaan kaya pumara na ako at sinabi kong saan ako pupunta. Tanaw ko sa labas ng bintana nitong taxi ang mga taong masayang nagtatawanan habang kasama ang mga mahal nila sa buhay. Barkada, jowa at higit sa lahat....pamilya. Hindi kumpleto ang pamilya ko dahil si Dad minsan na lang umuuwi sa bahay dahil sa busy siyang tao. At palaging umaalis ng papuntang states. "Nandito na po tayo, Ma'am." Bumaba na ako at nagbayad. Tanaw ko sa malaking bintana ng bahay nila Niko ang kasiyahan na nagaganap. By the way, they're the real family of my Dad. Hindi naman galit samin si Tita, sa katunayan...close pa nga sila ni Mommy. Naintindihan niya kasi ang side ni Dad. Minsan lang din umuuwi ng bahay si Tita dahil sa busy siyang doctor kaya hindi maiiwasang maghanap ng bagong asawa si Dad at si Mommy nga 'yun. "Glad you're here, Ija. Come in." pumasok ako sa loob at humalik sa pisnge niya. "Hi, Tita. Anong kaganapan bakit ang sasaya niyo?" nakangiti kong tanong. Inakbayan ako nito at hinarap ang mga tao sa loob ng bahay. "Because...tanggap na ako sa trabaho!" nabaling ang tingin ko kay Ate ally ng nagsalita ito at lumapit sakin tska ako niyakap. "Miss you," Humiwalay siya sakin ng yakap at hinila ako palapit sakanya. "Bakit ngayon ka lang pumunta ulit dito? Kung di pa ako natanggap sa bago kong trabaho dika pupunta." pagtatampo nito. Ngumiti ako." Ate naman! Busy lang." "Psh! Busy sa asawa mo kamo!" umiling na lang ako. "....by the way, masarap ba ang first night niyo, by?" agad ko siyang tinignan na may gulat sa mukha. "Ate!" Tumawa ito." What!? Tinatanong ko lang nam--"di niya natapos ang sasabihin ng sumingit si Niko. "Nakakadiring pakinggan, Ally." sinamaan siya ni Ate ng tingin. "For your information, Nikolas! I'm your older sister so you should say 'ate' to me!" Umirap si Niko." As if," Humarap siya sakin at hinalikan ako sa pisnge. "I thought you wouldn't come." ngumiti ako. "Pwede ba 'yun?" tumawa ako ng mahina. This family gave me a happiness that I never have with true family. Though, close naman kami ni Mom pero minsa lang kami magkikita dahil sa twing uuwi ako ng bahay ay wala siya dahil sa lumuwas ng ibang bansa para sa companya na pinamana ng lolo sakanya. Only child lang kasi ang mother ko. "By the way, Elle.." si Ate." Where's Tita? Matagal ko na ring di nakikita 'yun. I miss her alam mo ba 'yun?" "Wala siya sa bahay. She's in states..." ngumiti ako at nagkibit balikat. "...alam niyo na, business matter." Umiling ito." Iba talaga 'yang mommy mo, sissy." Natapos ang usapan namin ng tinawag na kami ni Tita para kumain na. Nandito din ang mga pinsan nila ba diko pa kilala 'yung iba pero ang iba kilala ko na. "Ellaine!!!!!" napalingon lahat sa babaeng sumigaw sa pangalan ko dahil sa lakas ng boses niya. "Oh crop, Megan! Ang ingay mo!" singhal ni Andrew sakanya–thiere cousin. Umirap ito kay Andrew at humarap sakin at agad akong niyakap. "Wahh! Akala ko dika pupunta! Grabi ka! Kahit text man lang sakin dimp ginawa. Nakakatampo!" nakanguso niyang sambit. "Huwag ka ngang ngumuso, Meg! Ang pangit mo lalo." Agad niyang binatukan si Andrew dahil sa sinabi nito na ikinatawa ng lahat. "Asar pa kasi!" "Kung di lang kayo magpinsan baka kayo na magkatuluyan." "Hoy, Jade! Kahit diko pa pinsan iyan di ako papatol diyan 'no! Ghad! Super ugly!" hinawi niya pa ang buhok sa mukha. "Wow! Hiya naman ako sa mukha mo na makeup lang nagpaganda." Inis niyang tinignan si Andrew at babatukan na sana ng magsalita si Tita. "Oh, kiddos! Enough with that nonsense argument. Nasa hapag kainan tayo, we need to be thank by what God give to us. So, please! Tama na ang away ha?" Natahimik silang dalawa pero di parin napigilan ang pagsumbatan nila sa mata. Umupo si Megan sa tabi ni Niko dahil 'yun lang ang bakanteng pwesto. "By the way, Ija. Nasaan si Luisa. I miss your mom, akala ko nga magkasama kayong pupunta dito." saad ni Tita kaya tumingin ako sakanya. "Nasa states siya tita. Pinapatakbo ang companya nila Lolo ngayon." sagot ko. Tumango ito." Ganun ba? Sayang naman at wala siya." Natapos ang kainan at nagpaalam na ako sakanilang lahat especially kay tita at ate Ally. Nandito ako ngayon sa kotse ni Niko kasi nagpresenta siyang ihatid ako. "Alam ba ni Drake na umalis ka sainyo?" umiling ako. Wala naman 'yung pake sakin. "Diko na pinaalam." "....hmmm. Di ka parin pinapansin?" tumango ulit ako at tumingin sa labas ng bintana." Did you tell him everything kung ano kita at ano mo'ko?" Bumuga ako ng hangin at hinarap siya. "Nik, wala namang paki sakin 'yun." "Kahit na. You should tell him para pansinin ka na niya." "No need, Nik. Kahit naman sabihin ko wala ring magbabago sa pagtrato niya sakin." mahinang sagot ko at isinandal ang ulo sa bintana. "....sana talaga gumaling na ako." Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya tinignan ko siya. I saw tears on his eyes while looking at me. "Oh! Bakit ka umiiyak?"natatawa kong tanong sakanya. Suminghot siya." Wala! Naiiyak lang ako. Kapag nawala ka wala na akong best sister." Hinawakan ko ang mukha nito bago pinunasan ang luha. "Don't cry, Nik. Gagi, mabubuhay pako ng matagal. Masamang d**o ako diba?" ngumuso lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD