Sim's POV "Edi makipag-break ka bago mag three months, para hindi na rin masyadong halata, and then tapos!" Napailing-iling na lamang ako sa sina-suggest ni Charlie sa akin. Akala mo gano'n talaga kadali ang lahat. Wala ba siyang feelings, bakit parang ang dali-dali lang sa kanya sabihin ang bagay na 'yun. Bakita parang hindi siya naniniwala sa love?! Hanggang sa may kumatok na sa may pintuan. Tumayo si Charlie at binuksan niya 'yon hanggang sa pinapasok niya ang pansamantalang uupa sa kwarto niya. Salamat naman at hinintay niya muna kong dumating bago siya umalis, dahil kung hindi, ay hindi ko talaga papapasukin 'yan. Pumasok ang isang babae na may bitbit na maleta, at malaking bagpack. Ipinakilala naman ako ni Charlie sa babae na bagong dating na siyang uukupa ng kwarto niya ha