Nick's POV Nagsimula na naman mang-asar sina Sebastian at Andrei, parang gusto ko na silang pauwiin ngayon, at pagtrabahuin ng mga on-going projects namin, kahit malalayo pa naman ang deadline. Nang bigla naman kaming nakarinig ng pagkatok sa pintuan, binitawan ko ang cellphone ko, at pinatong ko muna sa coffee table. Tumayo ako para i-check kung sino ang dumating. And when I open the door. Fùck! Bakit nandito siya, eh hiwalay na kami. "Hello Nick, I miss you." At agad niya 'kong kiniss sa aking pisngi, na hindi ko napaghandaan, hindi tuloy ako nakaiwas, at akmang papasok na siya agad sa loob, pero this time, napigilan ko ang binabalak niya. Agad ko'ng hinarang ang sarili ko para hindi siya makapasok sa loob. "What do you think you're doing here?" "I just told you, I miss you?!"