CHAPTER 30

2084 Words

CHAPTER 30 Ilang araw pa ang lumipas at maaari nang lumabas ng ospital si Allana. Katulad ng nais mangyari ni Mattheo ay sa kanya na sasama ito bilang si Zehra. Ramdam niya nang umpisa na nais muling magprotesta ni Mrs. Millares at isama pauwi ang nag-iisang anak ng mga ito. Ngunit dahil sa ipinapakitang determinasyon na rin ni Zehra na sa kanya sumama ay wala ng nagawa ang mga ito. Sumama pa ang mag-asawang Ruel at Gina sa paghatid sa kanilang bahay upang masiguro na maayos ang magiging kalagayan ng anak ng mga ito. Iyon ang unang beses na makakalabas si Zehra. Habang nasa daan pauwi sa kanilang bahay ay bakas ang pagkamangha sa mukha nito. Noon din ay napagtanto nito na tama ang kanyang mga sinasabi na wala sila sa bansang Turkey, kung hindi ay nasa Pilipinas. Pagdating sa bahay na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD