Pagbaba pa lang ni Kieran ng sasakyan, nakasalubong niya palabas ng gate ang kilala niyang kasambahay ni Dimple. Pangalawang beses na itong pagpunta rito ni Kieran kaya siguradong alam nitong may namamagitan sa kanila ni Dimple. "Magandang gabi ho, Sir Kieran!" Malakas na bati sa kaniya ng kasambahay, para siguro marinig niya dahil sa lakas ng ulan. Mabilis siya nitong sinalubong at pinasalo sa dala nitong payong. "Wala ho sa loob ng bahay si Mam Dimple. Nasa rancho siya at tinitingnan ang mga alagang hayop. Pasensiya ho at di ko na kayo masamahan. Nagpaalam na ako kay Mam Dimple na uuwi muna dahil baka binaha na ang bahay namin," mahabang paliwanag ng katulong. "It's okay ho. Pupuntahan ko na lang siya sa rancho." Hindi naman kalayuan ang rancho ni Dimple. Kaunting lakad lang sa mula s