Pagkatapos nang ilang beses pa nilang pagniniig ay nakatulog ulit sina Reza at Kieran. Nagising na lang si Reza sa tila sigawan na naririnig niya sa labas ng bahay. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makitang nagsusuntukan sina Kieran at Calvin sa gitna ng kalsada. Dali-daling nagsuot ng disenteng damit ang dalaga para awatin sina Kieran. Paglabas niya ay umaawat na rin si Desmond. Ngunit pati ito man ay natatamaan ng suntok. Base sa nakita ni Reza ay magaling makipaglaban si Kieran. Matataas ang mga sipa at malalakas din ang suntok kaya walang kalaban-laban na tumatalsik at gumugulong si Calvin. Saktong palabas na ng gate si Reza nang dumating naman sina Matteo at Lennox na nakasakay sa motor. "Kieran!" malakas na tawag ni Reza sa nobyo nang makitang sisipain ulit nito si Calvin na t