"NAY, KUYA, alis na po ako," paalam ni Serena sa mga ito nang maisukbit niya ang tote bag sa balikat niya.
"Sige, mag-ingat ka, Serena," sagot naman sa kanya ng ina.
"Opo." Pagkatapos niyon ay binalingan niya si Kuya Sancho. "Ikaw na ang bahala kay Nanay, Kuya," bilin niya dito.
"Oo," sagot nito sa kanya. "Ayaw mo bang ihatid na lang kita para hindi ka na magpamasahe?" tanong nito mayamaya sa kanya.
"Hindi na, Kuya," tanggi niya. "Mas mapapamahal kung ihahatid mo pa ako. Sayang ang gasolina," dagdag niya. Nagpaalam ulit siya bago siya lumabas ng bahay. Tuloy-tuloy siyang naglakad hanggang sa makalabas siya sa kawayan na gate nila.
Naglakad siya ng konti hanggang sa may dumaan na tricycle. Agad naman niyang pinara iyon at nang huminto ay agad siyang sumakay.
"Manong, sa municipal hall po," wika niya sa driver kung saan siya pupunta.
Naki-usapan na kasi ni Serena ang Kuya Sancho niya na kung pwede ay huwag muna itong pumasada para may makasama ang ina niya. Sinabi din niya ang tungkol sa financial assistance na ibibigay ng Mayor sa kanya.
Pumayag naman ito kaya pupunta siya ngayong araw aa munisipyo para personal na kunin iyon.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na din si Serena munisipyo. Pagkatapos niyang magbayad ay bumaba na siya sa ng tircycle.
Sinuklay muna nga niya ang medyo nagulong buhok gamit ang daliri bago siya nagpatuloy sa paglalakad patungo sa loob ng munisipyo.
Deretso siya hanggang sa makarating siya sa Mayor's Office.
"Good morning po," bati ni Serena sa lalaking nakaupo sa labas ng opisina ng Mayor, secretary ito ni Mayor Raven. Mukhang ito din ang tumawag sa kanya kahapon.
"Good morning," ganting bati din nito sa kanya. "Anong kailangan nila?" tanong nito sa kanya.
"Ako po si Serena Amelia Dizon," pagpapakilala niya sa sarili. "At nandito po ako para kunin ang financial assistance na ibibigay po ni Mayor Raven," dagdag pa na wika niya sa dahilan kung bakit siya naroon.
"Wala si Mayor Raven dito," sagot nito sa kanya, hindi naman niya napigilan ang makaramdam ng paghihinayang sa sinabi nito. Ibig sabihin kasi niyon ay hindi niya makukuha ngayon ang financial assistance na ibibigay ni Mayor, ibig sabihin ay babalik siya ulit doon kung kailangan naroon ang Mayor. "Pero may bilin si Mayor, na kung dumating ka ay tawagan ko siya."
Nabuhay naman ang pag-asa ni Serena sa narinig sa sinagot nito. "Sige po," nakangiting wika niya.
Kinuha naman nito ang cellphone at may tinawagan. "Good morning, Mayor Raven. Nandito po sa Mayor's office si Miss Serena," imporma nito. Hindi nagsalita ang lalaki, mukhang pinapakinggan nito ang sinasabi ng kausap nito mula sa kabilang linya.
"Sige po, Mayor."
Nang matapos itong makipag-usap kay Mayor Raven ay binalingan siya nito. "Sa loob ka na lang ng Mayor's Office maghintay, Miss Serena," wika nito sa kanya.
Umiling naman siya bilang sagot. "Dito na lang po sa labas ako maghihintay," wika niya dito.
"Mahigpit po na bilin ni Mayor Raven na sa loob na lang kayo magihintay, Miss Serena," pilit nito.
Wala naman siyang nagawa kundi sundin kung ano ang gustong mangyari ni Mayor Raven.
Sinamahan naman siya nito sa loob ng Mayor's Office. "Gusto mo ba ng maiinom?" alok nito sa kanya.
Nakangiting umiling naman siya. "Hindi. Pero salamat"
"Maiwan muna kita dito, maupo ka na lang diyan habang hinihintay si Mayor Raven," wika nito sa kanya.
Tumango naman siya bilang sagot. Nang lumabas ito ng opisina ay umupo siya sa sofa na naroon.
Inilibot nga din niya ang tingin sa kabuuan ng Mayor's Office. Very manly ang opisina nito, sobrang lamig at bango pa.
Para ngang naamoy niya ang expensive perfume ni Mayor Raven. Gano'n na ganoon kasi ang naamoy niya nong hindi niya sinasadyang nabunggo niya ito kahapon. At nanuot na iyon sa kanyang ilong, hindi na maalis. At pakiramdam nga niya na kapag naamoy niya iyon ay alam na niya kung sino iyon.
Hindi nga din namalayan ni Serena na halos isang oras na siyang naghihintay sa pagdating nito. Kung hindi lang siguro siya pinuntahan ng secretary ni Mayor Raven para bigyan siya ng maiinom ay hindi pa niya malalaman.
On the way na daw ang Mayor. Natagalan lang daw ito dahil may pinuntahan ito. Hindi naman siya nagreklamo dahil alam niya kung gaano ka-busy ang Mayor nila. At walang dahilan para mag-reklamo si Serena dahil siya ang may kailangan kung bakit siya naroon.
Mayamaya ay nag-angat si Serena nang mga mata patungo sa dereksiyon ng pinto ng bumukas iyon.
At hindi niya napigilan ang pagtayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa nang makita niya si Mayor Raven na pumasok sa loob ng opisina nito.
And his dark eyes were fixed on her. And there is something unusual about the way he looled at her. Something that pierce her soul.
She bit her lower unconsciously. And she noticed Mayor's Raven jaw clench as his gaze dropped to her lips.
"SORRY, I'm late," wika ni Mayor Raven nang i-alis nito ang tingin sa labi niya.
"Okay lang po, Mayor. Naiintindihan ko po," sagot naman niya
Saglit na tumitig si Mayor sa kanyang mukha. Napalunok naman siya dahil sa klase na naman ng titig nito. Wala naman siyang mabasa sa mga mata nito. Because his expression is hard to read.
"Take a seat, Serena."
Napaawang naman ang labi niya nang marinig niya ang pangalan niya na binanggit nito. Parang ang sarap kasing pakinggan ang pangalan niya na binanggit nito.
Napansin naman niya ang pag-angat ng dulo ng labi nito nang makita nito ang paninitig niya. "Is it okay if I call you, Serena?" tanong nito sa kanya.
Sunod-sunod naman ang pagtango niya. "Okay lang po. Pwede din niyo po akong tawagin sa second name ko, Mayor. Pwede niyo din po akong tawaging Amelia."
"Serena suited you," sagot nito.
"Oh," sambit na lang naman niya. She was caught off guard with what he said.
Lumapit si Mayor sa executive table nito. Naupo naman na siya sa sofa. At mayamaya ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya ng lumapit ito at umupo ito sa harap.
Pinagdikit niya ang ibabang labi ng maamoy niya ang pabango nito.
Nag-angat siya ng tingin patungo kay Mayor Raven. At hindi niya napigilan ang pag-awang ng labi nang makita niya na nakatitig ito sa kanya.
At kahit na huling-huli niya itong nakatitig sa kanya ay hindi pa din nito inaalis ang titig sa kanya. And she couldn't help but stared back at him.
She looked away upon seeing the faint smirk on his face. And she couldn't explain it, but she sensed a dark aura within the office, she felt unease all of sudden.
Humugot na lang si Serena ng malalim na buntong-hininga.
Mayamaya ay may inilapag si Mayor Raven sa center table at inusog nito iyon palapit sa kanya. "Here," wika nito sa baritonong boses. At nang bumaba ang tingin niya do'n ay nakita niyang puting sombre iyon. Napansin nga niya na makapag ang sobre.
"That's government cash assistance for those in need," wika nito sa kanya. Kagat namang ang ibabang labi na dinampot niya iyon. At napansin niya na masyadong makapal ay sombre at sigurado siyang hindi sampung libo iyon gaya nang nabanggit sa kanya na kakilala niya na binibigay sa mga nangangailangan.
At nang hindi siya makatiis ay sinilip niya ang laman ng sobre at hindi niya napigilan ang manlaki nang mata nang makita kung gaano karaming lilibuhin iyon.
Kung hindi siya nagkakamali ay singkwenta mill o higit pa iyon. Inalis niya ang tingin sa laman ng envelope at nag-angat siya ng tingin kay Ravem na titig na titig pa din sa kanya.
"Masyado pong malaki itong financial assistance na bigay niyo. Hindi po ba, ten thousand lang po ang financial assistance?" wika niya sa ibinibigay ng gobyerno.
"Yes," sagot ni Raven sa kanya sa baritonong boses. "But I added some of my money to it," dagdag pa nito.
"Po?"
"I saw the document you submitted for your mother's financial assistance application. It indicates she's suffering from a severe illness requiring medical attention." Hindi siya nagsalita, nanatili lang siyang nakikinig dito. "At sa sakit ng ina mo ay hindi biro ang halaga na magagastos. At kulang ang perang iyan para sa pampapagamot sa ina mong may sakit," pagpapatuloy na wika nito. "The government will help those in need, yes. Pero limitado lang ang tulong na mabibigay ng gobyerno. Hindi matutulungan ng gobyerno ang Nanay mo na tuluyang gumaling sa sakit niya."
"A-alam ko po," sagot naman niya. Pero kahit na papaano ay makakadagdag din ang cash assistance na ibinibigay ng gobyerno sa katulad niyant nangangailangan.
"But I can personally help you with your problem, Serena," wika ni Mayor Raven sa kanya. "I can help your mother's medical treatment. I'm willing to cover expenses to send her to Manila or even abroad for treatment using my own funds," dagdag pa na wika nito.
Nakaramdam naman ang tuwa ang puso niya sa sinabi ni Mayor Raven sa kanya.
"T-talaga po?"
"Yes," sagot nito sa kanya. "But I have one condition, Serena," wika nito, napansin niya ang pagseryoso ng ekspresyon ng mukha nito.
Umayos siya ng upo. "Ano pong kondisyon niyo Mayor? Marunong po ako sa gawaing bahay. Kung gusto niyo pong pagsilbihan ko kayo ay gagawin ko," wika niya sa inaasahang kapalit sa pagtulong nito sa kanya.
Kahit na pagsilbihan niya ito habang buhay ay gagawin niya, maipagamot lang nito ang Nanay niya. Dahil alam niya na kapag sarili lang niya ay hindi niya iyon magagawa.
"You will serve me, Serena. But not as a household helper."
"Po?"
Saglit na hindi nagsalita si Mayor Raven, tinitigan lang siya nito deretso sa nga mata. "I want you to seve me in bed, Serena," he said in a deep and baritone voice.
"Ano...pong ibig niyong sabihin M-mayor?" tanong niya sa nauutal na boses.
"I'd like you to be my woman, Serena."