"WALA pa bang balita sa financial assistant sa gobyerno, Serena?" tanong ng kaibigang at kapitbahay na si Donna sa kanya ng bisitahin siya nito sa bahay nila kinaumagahan.
Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Serena. "Wala pa, eh," sagot niya dito.
Humingi siya ng financial assistant sa gobyerno para sa pagpapagamot sa ina. May sakit kasi itong breast cancer at kailangan maagapan ang sakit nito para hindi lumala. Nasa stage 1 pa kasi ang breast cancer nito.
Wala naman silang pera pampagamot sa ina dahil mahirap lang sila. Maaga kasi silang naulila sa ama, bata pa lang siya ay namatay ito dahil sa cardiac arrest. At mag-isa silang binuhay ng ina, binuhay sila ng kuya niya sa trabaho nito. At iyon ay ang pagiging labandera. Hanggang High School nga lang ang tinapos nila ng Kuya Sancho, gusto naman nilang makatungtong sa kolehiyo pero wala silang perang pampaaral.
Serena Amelia Dizon is twenty four years old. Nagta-trabaho siya sa isang fastfood chain sa lugar nila. Isang tricycle driver naman ang Kuya Sancho. At hindi sapat ang sinasahod nila para pampagamot sa ina nilang may sakit, na kahit na pagsamahin ang sahod at kunting ipon ay kulang pa din iyon. Wala naman silang kamag-anak na pwede nilang hingan ng tulong dahil gaya nila ay kapos din ang mga ito sa pera.
May nakapagsabi nga sa kanya na kakilala na subukan niyang humingi ng tulong sa gobyerno--sa mayor nila dahil mabait daw ito at talagang tumutulong ito sa mga mahihirap. Well, naririnig na iyon ni Serena.
Mayor Raven Marquez is a good leader, thrustworthy and reliable. Kaya nga mas lalong umunlad ang lugar nila dahil sa pamumuno nito. Gustong-gusto nga ito ng mga tao, hindi lang mga tao, kundi pati na din ang mga babae dahil sa ka-gwapuhan nito.
Mayor Raven is young Mayor of their town. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa lagpas trenta lang ito. Hindi lang iyon, he had this charismatic face. He extremely handsome and exudes s*x appeal. At napatunayan niya iyon ng personal niya itong nakita noong nagpunta siya sa municipal hall para ibigay ang requirements na kailangan niya para ma-approve ang financial assistant na kailangan niya.
At nang maalala niya ang interaksiyon nilang dalawa ni Mayor Raven ay hindi niya napigilan ang mapakagat ng ibabang labi dahil sa hiya.
"Mukhang hindi ma-a-approved ang financial assistant ko," wika niya kay Donna sa malungkot na boses.
Napansin naman niya ang pagkunot ng noo nito. "Bakit naman?" tanong nito.
Agad naman niyang ikweninto kay Donna ang interaksiyon nilang dalawa ni Mayor Raven. "Natapunan ko siya ng iniinom kung buko juice," wika niya dito. "Para siyang galit kung makatitig sa akin," dagdag pa na wika niya.
Hanggang ngayon ay naaalala pa din ni Serena ang paraan ng pagtitig sa kanya ni Mayor Raven. Pakiramdam nga niya ay tumataas ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. And those devilish eyes were scary.
"Hindi naman siguro. Mabait kaya si Mayor Raven. At saka hindi mo naman sinasadya ang nangyari," wika sa kanya ni Donna. "Pero girl," mayamaya ay napansin niya ang pagkislap ng mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "Gwapo ba talaga?"
Pinagdikit naman niya ang labi. "Oo," honest na sagot naman niya. Totoo naman kasing gwapo si Mayor Raven, kaya pala maraming kinikilig na kababaihan kapag nababanggit ang pangalan nito.
Gwapo, matangkad at nag-uumapaw ang s*x appeal nito. Napansin nga ni Serena na hindi man lang siya umabot sa balikat nito. Kung hindi siya nagkakamali ay lagas anim na pulgada ito, pakiramdam nga niya ay nagmistula siyang unano kapag magkatabi sila.
Magsasalita pa sana si Donna nang mapatigil ito ng tumunog ang cellphone niyang pinaglumahan ng panahon. Kinuha naman niya iyon para tingnan kung sino ang tumatawag. Unknown number iyon. Hindi sana niya iyon sasagutin dahil baka prank call lang ng magbago ang isip niya.
Sinagot niya ang naturang tawag. "Hello?"
"Numero ba ito ni Miss Serena Amelia Dizon?" narinig niya ang boses ng isang lalaki.
"Opo. Ako po si Serena," sagot naman niya.
"Miss Serena, secretary po ito ng Mayor." Napaayos si Serena mula sa pagkakaupo ng marinig niya ang sinabi nito.
"Bakit po?"
"Tungkol ito sa financial assistance na pinasa mo. Approved na ni Mayor Raven ang financial assistant mo. At pwede mo na itong kunin ngayong araw sa mayor's office," imporma nito sa kanya.
"Talaga po?"
"Yes, Miss Serena."
"Sige po. Maraming salamat po," masayang wika niya.
"Oh, sino ang tumawag?" tanong ni Donna nang maibaba niya ang tawag.
"Secretary ni Mayor Raven, approved na daw ang financial assistance ko. Pinapapunta ako sa Mayor's Office ngayon para kunin," masayang balita niya sa kaibigan.
"Sabi sa 'yo, eh. Mabait talaga ang Mayor natin," nakangiting wika nito.
"Oo nga," sagot naman niya.
Mayor Raven Marques is indeed kind to his constituent.
"NAY, kain muna kayo," wika ni Serena sa inang si Mildred nang puntahan niya ito sa kwarto.
Nilutuan niya ng ina ng lugaw dahil iyon daw ang gusto nitong kainin. Masama kasi ang pakiramdam ng ina ng sandaling iyon. At iyon ang dahilan kung bakit hindi siya nakapunta sa municupal hall para kunin ang financial assiatance. Hindi kasi niya maiwan ang ina na mag-isa do'n sa ganoon lagay, wala kasing mag-aalaga dito.
At wala din ang Kuya Sancho niya dahil madaling araw ay pumasada na ito para daw makarami.
Kaya nakiusap na lang siya sa kaibigang si Donna kung pwede ay ito na lang ang pumunta sa municipal hall para kunin ang financial assistance niya since hindi siya personal na makakapunta do'n. Gumawa nga din siya ng authorization letter para ibigay kay Donna ang financial assistance, pinadala nga din niya ang ID niya dito. Mabuti na nga lang at pumayag si Donna sa hiniling niya.
Noong una ay nag-presenta si Donna na ito na lang ang magbabantay sa ina niya, pero gusto niyang siya ang personal na magbantay at mag-alaga dito.
Ibinaba naman niya ang hawak na na mancup at saka niya tinulungan ang ina na bumangon mula sa pagkakahiga nito. Nakaramdam ang puso niya ng bahagyang kirot mg mapansin niya ang pagpayat ng ina niya. Nang malaman nito ang tungkol sa sakit nito ay biglang namayat ito. Siguro dahil na din sa stress kung saan sila kukuha ng pera na pampagamot nito.
Kinagat ni Serena ang ibabang labi para pigilan ang luha na gustong pumatak sa mga mata niya. Naawa kasi siya sa ina niya.
"G-gusto niyo bang subuan ko kayo, Nay?" tanong niya. Lihim nga din niyang pinagalitan ang sarili dahil sa pagkautal sa boses niya. Ayaw kasi niyang ipakita sa ina na nasasaktan o naawa siya dito dahil mas ma-i-stress ito. Dahil baka itago na naman nito sa kanila ng Kuya niya ang sakit nito. Gaya na lang ng ginawa nito, may nakapa pa lang bukol sa breast ang ina niya, hindi nito iyon pinansin hanggang sa lumaki na. At kung hindi lang niya sinasadya na nakita niya na hubad ang ina niya ay hindi pa niya iyon makikita.
"Kaya ko na anak," tanggi naman ng ina niya. "Kumain ka na din," wika din nito sa kanya.
"Opo," sagot ni Serena dito "Tawagin niyo na lang po ako sa labas kung may kailangan kayo."
Nang tumango ang ina ay do'n lang siya lumabas ng kwarto. Saktong pagkalabas niya ay nagsilaglagan ang luha na kanina pa niya pinipigilan.
Mabilis naman niya iyong pinunasan sa mga mata niya. Humugot din siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay humakbang na siya patungo sa maliit na kusina nila.
Gusto ni Serena na kumain pero nawalan siya ng gana. Parang hindi din siya makakain ng maayos dahil iniisip niya ang kalusugan ng ina. Mahal na mahal niya ito at hindi siya ready na mawala ito sa buhay nila. Gusto pa niyang makasama ang ina ng matagal. Gusto pa niyang makita sila nito ng kuya niya na bumuo ng sariling pamilya. Gusto pa niyang makita nito ang apo nito sa kanila ni Kuya Sancho niya.
Gusto muna niyang bumawi dito, gusto muna niyang suklian ang sakripisyo nito sa kanila. Gusto niyang maranasan nito ang magandang buhay, iyong bang hindi inaalala ang magiging pagkain nila, iyong bang kapag may gusto itong kainin ay makakain nito. Kaya nga todo trabaho si Serena dahil nag-iipon siya na makapag-aral muli para makapagtapos siya. At para makahanap siya ng magandang trabaho para maibigay niya ang karangyaan na pinangarap niya sa pamilya.
Kaya hindi pa pwede mawala ang ina hanggang sa hindi pa niya nagagawa ang lahat ng iyon. Kaya gagawin niya ang lahat para gumaling lang ang ina sa sakit nito.
Mayamaya ay nakarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng pinto ng bahay nila. Humakbang naman siya patungo doon para pagbuksan kung sino man ang kumakatok.
At bumungad sa kanyang mata ang mukha ni Donna. May napansin siyang disappointment sa mukha nito.
Niluwagan ni Serena ang pagkakabukas niya ng pinto para papasukin ang kaibigan. "Oh, bakit?"
"Hindi ko nahuka ang financial assistance mo, Serena," wika nito sa kanya.
"B-bakit?"
"Hindi nila ibinigay sa akin. Dapat iyong nag-apply daw ang dapat kumuha," sagot nito sa kanya.
"Kahit na may authorization letter akong ibinigay?"
Tumango ito. "Oo. Dapat ikaw dapat ang kumuha. Hindi pwede ang representative," paliwanag ni Donna sa kanya.
Tumango-tango siya. "Sige. Ako na lang ang pupunta. Pero bukas na lang. Sasabihan ko na lang mamaya si Kuya Sancho na huwag muna siyang pumasada bukas para may magbabantay kay Nanay," wika naman niya kay Donna.
"Si Mayor Raven din yata ang personal na mag-aabot sa 'yo ng financial assistance," mayamaya imporma sa kanya ni Donna.
Natigilan naman siya sa sinabi nito. Kung si Mayor Raven ang personal na mag-aabot sa kanya ay ibig sabihin ay muli niya itong makikita?
She would again see his dark eyes, which seemed to weaken her kness with just a glance.