Kabanata 3

1205 Words
Hindi makatulog si Rachell dahil umiikot sa utak niya ang usapan nila ni Lorenzo bago ito umuwi sa kabilang unit. Napapikit siya at kinuha ang unan sa gilid bago ito niyakap. The Mondragon brothers are hell bent to Maeve. Dalawang magkapatid ang nahulog dito. Hindi naman niya masisisi ang dalawa dahil sino ba naman ang hindi mahuhulog sa isang katulad ni Maeve? She got women jealous of her. She got the confidence, the beauty, the brain. Rachell might be lying if she didn’t admit the she was also jealous of her. Napatingin siya sa alarm clock na nasa gilid ng kama niya at nakitang alas nuwebe na ng gabi. Wala naman kaso sa kanya ang magpuyat dahil naka-leave siya pero siguradong aantukin siya dahil sanay s’yang magising ng maaga kahit pa late na siya matulog. She wonders kung tulog na rin si Lorenzo ngayon. Hindi kaya nito naiisip si Maeve katulad ng ginagawa niya ngayon? Napahinga ng malalim si Rachell. Bakit niya iniisip iyon? Mas lalo s’yang hindi makatulog nito. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya king bakit nandito pa rin si Lorenzo. She get it na lumayo muna dahil sa ginawa nito but he’s the eldest and the President of MMC. Sooner or later babalik din ito sa Pilipinas at iiwan siya. ‘Itulog mo na lang ‘yan, Rachell. Kaya ka nga nag-file ng leave para makapag-relax ‘yang utak mo, eh. Just sleep!’ singhal ni Rachell sa sarili niya. Mariin n’yang pinikit ang mga mata at kalaunan ay nakatulog rin siya ng mahimbing na kabaliktaran naman ng taong iniisip niya sa kabilang unit. Nakasalampak sa isang single sofa si Lorenzo. Ang bathrobe nito ay nakalihis ng kaunti kung saan sumisilip ang matipuno nitong dibdib. Basa rin ang buhok nito na tinuyo ng towel. Nakatingin ito sa labas. His eyes were misty and clear. Bumalik sa kanyang alaala ang sinabi ni Rachell kanina. Hindi na siya magmamahal ulit dahil isang babae lang si Maeve. Wala itong kapareho at katapat. Kahit pagmamahal niya dito ay walang kapantay. Masakit pa rin. Masakit pa rin talaga lalo na ang katotohanan na wala. Wala nang pag-asa ang pagmamahalan nila. Kasalanan niya naman ito, eh. He already explained pero tama nga si Maeve, wala naman mababago. Actually, meron... si Maeve. Nagbago ang nararamdaman ni Maeve. Ano ba ang ini-expect niya? He’s a fool if he believed na wala lang dito ang pang-iiwan niya. But look where she is now. She’s happy together with his younger brother. Hindi lang kaya ng puso niya na makita ang dalawa na masaya. Hindi pa niya totoong tanggap ang lahat kaya nga sumama siya dito sa America para hindi niya makita ang mga ito. “Maeve, ang hirap mong bitawan,” he murmured and grabbed his phone to see the wallpaper of her. He smiled bitterly. See? Nandito pa rin siya sa phone niya. Last year pa itong picture ng dalaga. He secretly took a picture of her and plans to keep it. Sa totoo lang hindi niya pa kayang mag-move on. Kung sa iba madali iyon sa kanya hindi. Hinintay niya ang dalaga. Hinanap niya kaso sa proseso naman na iyon ay nakahanap rin pala ng iba ito. Parang daang-daang karayom ang tumusok sa puso niya nang malaman ang tungkol sa kapatid at dating kasintahan. Truthfully, he planned to ruin them, pero sa huli hindi niya nagawa. Why? Why would he ruin his brother and Maeve’s happiness just because he’s in pain? Importante sa kanya ang dalawa at ayaw n’yang manira. His phone lightened up and saw a message from his brother asking if kailan ba siya uuwi. Iniwan niya kasi ang MMC sa kapatid. Kahit hindi man siya pinapabalik ni Levine ay alam n’yang kakailangan na siya doon. He replied him, sooner. Isa pa gusto niya pang makasiguro sa lagay ni Rachell. That woman is a kind, fragile and young and he’s afraid that people may took advantage of her. Palagi ngang omo-order ng pagkain, eh. Paano na lang ang babaeng iyon kapag umalis na siya? Napailing si Lorenzo. He didn’t realize that his mind drifted towards Rachell. That woman is really like a newborn bird. Tumayo si Lorenzo at humiga sa kama habang nakasandal ang likod sa kama. He pinched the bridge of his nose and sigh. Hindi siya makatulog these past few days dahil sa nangyari sa trabaho. Dinadaan niya na lang sa kape at pagtatrabaho hanggang sa dalawin siya ng antok. Kamusta na kaya si Maeve? Maayos ba ito at inaalagaan ni Levine? Hindi pa siya ready na makita ito muli. He’s afraid that he might control himself and hug her. D*mn it! Oras-oras na lang pumapasok si Maeve sa utak niya. Hindi talaga siya makakapag-move on nito. --- Kinabukasan. Maagang nagising si Lorenzo upang samahan si Rachell mag-breakfast. Baka na naman kasi mag-order ulit ng food sa labas. Hindi na ‘yon healthy. Paglabas niya ay nagulat siya nang makita na gising na rin ito at may kausap sa labas ng pinto. He stared at Rachell and to the man she was speaking with. “Oh, you’re also from Philippines? Ikaw pala ang new neighbor ko,” saad ni Rachell habang nakangiti. What’s with a smile? Napakamot ang lalaki at ngumiti kaya lumabas ang dimple nito sa pisngi. “Yup! Sorry kung naabala kita ngayong umaga. Ibibigay ko lang sana itong pizza to say hi sa mga bagong neighbor ko,” aniya ng lalaki. Tinanggap naman iyon ni Rachell at saka lang nito nakita si Lorenzo na nakatayo sa gilid nila nang makita niya sa gilid ng mata ang pigura nito. “Oh? Gising ka na pala, Lorenzo. Nag-breakfast ka na? Tara sabayan mo akong kumain,” nakangiting yaya ni Rachell. “This is Gerald pala. Bagong neighbor natin,” pagpapakilala ni Rachell sa lalaki. Tumango lang si Lorenzo dito bago tumingin sa dalaga. “Let’s get in. Ipagluluto kita,” yaya niya dito at hinawakan ang braso ni Rachell para pumasok sa unit nito. “Teka si—” “I’m okay.” Tumawa ng mahina si Gerald at kumaway kay Rachell. “Ibibigay ko rin ang pizza na ‘to sa iba pa kaya no worries. You can eat your breakfast.” Tumango lang si Rachell dito at kumaway. Lorenzo gave a nonchalance glance at Gerald before closing the door. Nang magsara ang pinto ay nawala ang ngiti ng binata na naiwan sa labas. he scoffed. That man doesn’t like him. Tss. Umalis na lang doon si Gerald at pumunta sa ibang tenant ng condominium. --- “Don’t trust so easily, Rachell. Playboy ang lalaking ‘yon,” simula ni Lorenzo nang in-on ang electric stove sa kusina ng unit ng dalaga. Kumunot ang noo ni Rachell at umupo sa matangkad na silya at itinukod ang dalawang braso sa mesa. “Huh? Why did you say that? Mukhang mabait naman si Gerald and mabuti nga at may Filipino akong neighbor, eh.” “Mabait? Kakakilala mo pa lang, Rachell. Bear my advice. Para rin ‘to sa’yo.” Rachell rolls her eyes and playfully smiles. “Okay. I’ll note that, Mr. Mondragon.” Tumango si Lorenzo bago bumalik sa ginagawa. Gumuhit sa kanya ang isang ngiti dahil sa sagot ni Rachell. ‘Good girl.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD