Sabay lumabas ang dalawa. Lorenzo will ho to his work while Rachell will just walk around just like she planned.
“Sigurado ka bang magiging okay ka lang?” tanong ni Lorenzon at pinagbuksan ito ng pinto ng kotse. Ihahatid niya ito sa destinasyon nito bago siya pumasok sa trabaho.
Tumango si Rachell at nagpasalamat sa binata.
“I will be okay, ano ka ba?” may slang na sambit nito sa lenggwaheng tagalog. Tinuturuan siya ni Lorenzo ng mga salitang filipino. “Besides, I’ve been here for a long time. I’m familiar with some places. Don’t worry, Lorenzo,” nakangiting tugon ni Rachell.
Tumango si Lorenzo at nag-manibela na.
“Okay. Kapag may problema or you encounter something bad, don't hesitate to call me.”
“You’ve been very helpful to me, Lorenzo. Nakahihiya na.”
Lorenzo chuckles. “No worries. I’m happy that you gained the freedom you desire.” Naalala niya pa noon kung gaano kalungkot ang mukha nito. Tila ba walang kulay at pag-asa sa mga mata ng dalaga. Pero iba na ngayon. Sumigla ang walang kulay nitong buhay.
Tiningnan ni Rachell si Lorenzo ng nagniningning na mga mata. How can she repay him for what he have done? Malaki ang utang na loob niya sa lalaking ito. Baka nga hindi niya masuklian sa dami. She looked away immediately when Lorenzo was about to look at her side. Napakagat siya sa labi at napabuga ng hangin. Baka mahuli siya nitong nakatitig. Hindi niya pinansin ang pagbilis ng t***k ng puso niya.
Ilang minuto pa ay pumarada ang sasakyan sa isang destinasyon na may maraming tao. Lorenzo looked at Rachell with concern. Hindi ito sanay sa crowded places.
Rachell purses her lips while looking outside.
“Okay! I’ll be going out. Take care while driving,” paalala ng dalaga bago binuksan ang pinto ng kotse. Seryoso lamang na nakatingin sa kanya si Lorenzo ngunit nginitian niya ito at kumaway bago isinara ang pinto.
‘You need to learn to stand up for yourself, Rachell. Hindi habang buhay ay nariyan si Lorenzo. Don’t depend on him,' pangaral niya sa kanyang isipan.
Umandar ang kotse ni Lorenzo paalis at tumalikod naman siya at huminga ng malalim. Napakarami talaga ng tao dito sa Manhattan, New York. Mukhang hindi nauubusan kahit busy ang mga tao.
She smiled and started her break vacation. This is the time to refresh her mind bago ulit siya sumabak sa nakakapagod na trabaho.
---
“Okay. I’ll call you later again. Thank you.”
Ibinaba ni Lorenzo ang mobile phone at sumandal sa swivel chair. Tiningnan niya muli ang laptop kung saan naka-post sa isang social media ang litrato nina Levine at Maeve kasama ang mga magulang nito. They had a family dinner, pero ang mas nakakuha ng atensyon niya ay ang singsing sa daliri ng dating kasintahan.
Ito na naman. Nararamdaman niya na naman ang sakit noon, pero iba ngayon kasi alam n’yang sooner ay magpapakasal na ang dalawa. He clenches his fist. Hindi niya maiwasang isipin kung nakita hindi bumalik sa kanya ai Maeve nang umalis siya ng biglaan pero kay Levine binalikan niya ito kahit ginawa rin ng kapatid niya ang ginawa niya noon. Kung nangyari iyon malamang ay kasal na rin sila ni Maeve at walang pagkakataon na mag-meet ang dalawa.
Pero at the same time alam niya na kung bakit ginawa ng dalaga na balikan si Levine. Magkaiba sila ng kapatid niya at magkaiba ang pagmamahal ni Maeve sa kanilang dalawa. He was her first but she ended up with his brother who he knows na nasa mabuting kamay ang dalaga. At least alam niya na magiging responsable si Levine.
Aaminin niya na nagalit siya sa kapatid dahil sa panliligaw nito kay Maeve pero mas nagalit siya sa sarili niya. If he didn’t leave her without saying anything siguro magkakaayos pa sila.
Napahinga ng malalim si Lorenzo. How can he move on if he keeps thinking about her. He’s stupid.
Tumunog ang mobile phone niya at nakitang ang numero ni Levine ang lumitaw doon.
He answers the phone.
[Brother!]
Lorenzo slightly frowned.
“What is it?” kalmado n’yang tanong. Bakas na bakas sa boses ng kapatid niya ang saya.
[Maeve said yes! I’m so nervous about this marriage proposal. Alam mo naman ang amazona na ‘yon, iba ang takbo sa isip baka mag-no dahil bored at ‘di niya pa bet magpakasal,] pagkukwento ni Levine kay sa kapatid. Alam n’yang alam na ng kapatid niya ang nangyari dahil ni-like nito ang post niya sa social media kaya agad n’yang tinawagan. He felt bad for calling him dahil nga sa naging hidwaan sa kanilang dalawa dahil kay Maeve bit he wants to share the good news lalo pa at si Lorenzo ang pinaka-close niya. He’s not just a family and a brother to him, Lorenzo is also his best friend. Sana nga ay wala na dito ang nangyari noon. Although, in-assured naman ni Lorenzo na okay na at tanggap na nito hindi alam ni Levine kung ano pa rin ang totoo.
“Congratulations!” Sinikap ni Lorenzo na pasiglahin ang boses dahil para bang may nakabara sa lalamunan nito. Hindi naman siguro iyon mapapansin ni Levine dahil consume na consume ang feelings nito sa saya.
“Amazona? Nasasabi mo ba ‘yan dahil wala si Maeve sa tabi mo?” He lifted a brow.
Narinig niya ang pagtawa ng marahan ni Levine sa kabilang linya.
[Thanks! Kasama siya ni Mom ngayon. Umalis at nag-shopping spree.]
“Kailan niyo paplanuhin ang kasal?”
[Hindi pa namin pinag-uusapan, pero kung ako lang kahit bukas na.]
Napailing na lamang si Lorenzo. Ganito talaga si Levine.
Hindi narinig ni Levine ang muling pagsalita ng kapatid. Naisip niya tuloy na baka naapektuhan pa rin ito kaya kinuha niya na ang pagkakataon na magpaalam.
[Busy ka siguro so I’ll be hanging up. Mamaya nandito na ang dalawa. Mom and Dad misses you. Kailan ka uuwi?]
Tumingin sa labas ng glass window si Lorenzo.
Uuwi? Hindi niya pa alam kung kaya n’yang makita si Maeve na naglalakad patungong altar at hindi siya ang pupuntahan nito.
“I’ll be home soon. Do assure Mom that I’m okay here. Send my regards to Maeve. Sige na. Marami rin akong gagawin dito.” Lorenzo hang up the call. Ang hirap talagang kalimutan ni Maeve. Kakaibang spell ang ginawa nito sa kanya. Mabuti pa ito naka-move on na samantalang siya ay nasa proseso pa rin— eh, parang hindi pa siya nagsisimula. Ang bagal at masakit.
Hinaplos niya ang litrato ni Maeve sa phone niya. Their memories were burdened deeply in his mind. The time they spend together, the way they kiss. They way they intertwined their hands as if the world just spun around them. Pero iba na ang gumagawa nito kay Maeve. It’s not him... and will never be him again.
He is not her happy ending.