--Eden--
NAPATINGIN siya sa napakaraming paper bags na hinagis ni Jona. Ang mataray na maid.
"Para sa akin ba 'yan?"
nagtatakang tanong niya. Isa-isa niya pinulot ang mga paper bags.
"Hindi. Para sa akin! Malamang sayo kaya nga andyan sa harap mo. Wag kang feeling, hindi por que pinag-shopping ka ni Sir Zeki ay magfe-feeling ka na rito,"
maangas na bulyaw ni Jona sa kanya.
Pasensya at malakas na pagtitimpi ang ginagawa niya para lang hindi patulan ito.
Ngumiti siya. "Wag kang mag-alala. Wala akong plano mag reyna-reynahan dito," madiin niya wika.
Inismiran lang siya ni Jona at lumabas na ng kwarto niya.
Huminga siya ng malalim at napailing.
Binuksan niya lahat ng paper bags.
Iba'ibang klase ng damit. May pantalon, blouse, t-shirts, may bra at underwear din. Si Zeki ba namili lahat ng ito? ang ninipis ng mga panties.
May mga sapatos din at sandals.
Lahat puro branded. Napasulyap siya sa mga presyo. Nanlalaki ang mata niya.
Hindi siya makapaniwala.
Mas nakaagaw ng atensyon niya ang isang hugis parihabang kahon. Binuksan niya iyon. Napanganga siya ng makitang isang napakagandang puting bestida ang laman.
Oh my god. So beautiful.
Napakaganda ng disenyo. Meron pa ito partner na sapatos. Napangiti siya.
Kinuha niya ang bestida at idinikit sa katawan niya.
Ang ganda talaga.
Napakislot siya sa gulat ng biglang bumukas ang pinto.
"You like it?"
nakangising tanong ni Zeki.
Umaasim kaagad ang mukha niya.
"Hindi ko gusto, napaka nipis ng mga underwear na binili mo. Hindi ako nagsusuot ng ganyan!"
pagtataray niya.
"You're welcome"
Nagkibit balikat lang ito.
Napailing siya. Wala talaga sa ayos kausap itong lalaki na 'to.
"Isukat mo yan. Bukas ng tanghali darating ang judge."
malamig na bigkas nito. Nanatili lang ito nakatayo sa hamba ng pinto at matiim na natingin sa kanya.
"Judge?"
medyo nabingi siya. Bakit may judge?
"Gusto mo ba sa simbahan? Babe, I never entered in a church. Sa judge lang tayo magpapakasal."
He smirked and winked at her.
Yeah. Pumayag nga pala siya magpakasal. Gumuho ang pangarap niya makasal sa simbahan at magpakasal sa taong mahal niya. Siguro nga wala siya karapatan mangarap.
Tumango na lamang siya. Mas maigi na wag kumontra pa. Wala rin naman saysay.
"Rest. Please be look more beautiful for tomorrow."
Iyon lang ang sinabe ng binata at tuluyan na umalis.
Ano raw? did he mean to say I'm beautiful?
She huffed. Minsan masungit at nakakatakot ito. Minsan naman malambing at nakangiti ito. Kung ano man ang trip nito, bahala na. Goodluck Eden!
*┈┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈┈
ARAW NG KASAL.. nakasuot na siya ng puting bestida. Nangangatog siya. Kinakabahan siya. Siguro naman normal lang na kabahan siya. Magpapakasal siya sa isang lalaki hindi niya kilala at hindi niya mahal.
Pababa na siya ng hagdan. Sinundo na kasi siya ni Embong sa kwarto.
Huminga siya nang napakalalim.
Nasa salas na nag aantay si Zeki. Nakatingin lang ito sa kanya. Wala siya makitang kahit anong reaksyon sa mukha nito. Pero hindi pa rin ito inaalis ang tingin sa kanya.
Napasulyap siya sa Judge. May edad na ito. Biglang nakaisip siya..humingi kaya siya ng tulong sa Judge?Tama, baka pag nalaman nito bilanggo siya roon ay matulungan siya nito.
Tama. Kukunin niyang magandang pagkakataon 'to.
Nakatayo sa paligid ang ibang tauhan at maids.
Lumapit siya sa tabi ni Zeki.
Pinaghila naman siya nito ng upuan.
Nang makaupo siya. Nag umpisa nang magsalita ang judge. Hindi siya mapakali. Kinakagat-kagat niya ang dulo ng kuko niya sa hintuturo. Gusto niya humanap ng tiempo para sabihin sa Judge ang plano niya.
Now or never na ito Eden.
Humarap sa kanila ang Judge. Nang tinanong ng Judge si Zeki kung tinatanggap ba siya nito maging asawa ay walang pag-aalinlangan sumagot ito ng Oo.
Napalunok siya nang laway.
Nang siya naman ang tinatanong.
Ilan segundo rin siya walang imik..
"Miss Eden ?" tanong ng Judge.
Napatingin siya kay Zeki na ngayon ay madilim ang mukha nakatitig din sa kanya. Eto na talaga.
Bigla siya humagulgol nang iyak at kumapit sa braso ng Judge.
"Please help me---Mr. Judge. Help me please...Kinulong nila ako rito at----"
naputol lahat ng sasabihin niya tinutukan siya ng baril ni Zeki sa may sentido niya. Napatili siya ng ikasa nito ang baril.
Nilukob nang matinding takot ang buong katawan niya. Sumulyap siya sa Judge. Tahimik lang ito at walang reaksyon. Oh no! Hindi tauhan din ba ito?
"Miss Eden. I suggest you say, Yes."
wika ng Judge.
Shit ! s**t ! pati ba naman ito!!!
Naiiyak na umiling siya.
"Please---let me go. Let me leave me...please..."
nagmamakaawang sambit niya.
"I can kill you right here, right now."
nanginig siya takot.
Inulit uli ng Judge ang tanong sa kanya.
Naiiyak na tumango lang siya.
Nagpalakpakan naman ang mga tauhan ng binata maging ang mga maids.
Mga baliw. Mga siraulo. Demonyo!
Nag abot ng papel ang Judge kay Zeki. Kaagad naman pinirmahan iyon ng binata at bumaling sa kanya.
"Sign it. Before I forgot, you are my wife now"
hindi siya gumalaw. Nakatitig lang siya sa papel.
"I said. Sign. that damn paper!"
halos mabasag ang ear drum niya sa malakas na pagsigaw nito.
Wala siya choice kundi pumirma. Nang matapos, masayang kumilos ang mga tauhan at maids upang kumaen.
Ngayon lang niya napansin na marami pa lang handang pagkaen.
Naramdaman niya ang paghapit ni Zeki sa beywang niya at dinampian siya ng halik sa ulo. Iniwas niya kaagad ang ulo niya. Ayaw niya madikit sa lalaki.
Galit siya. Walang sukat ang nararamdaman niya galit para sa binata. Pakiramdam niya mas masahol pa ito sa Señor. Parehas lang ang mga ito demonyo.
Matalim siya nakatingin kay Zeki na ngayon ay kinakausap ang Judge. Nanghihinang napaupo siya.. Paano nila nagagawang ngumiti at tumawa? Mga walang puso!
Napatitig siya sa itsura ni Zeki. Nakasuot ito ng white tshirt, leather black jacket, rugged jeans at itim na leather boots.
Napakaangas ang istilo ng buhok nito na naka-man bun. Kahit sinong babae magkukumahog na maging asawa nito ngunit hindi siya. Hindi niya matatanggap ito. Hinding-hindi. Galit siya sa binata.
I hate him!
◥◣‸◢◤