[ ZIANE POV ]
"Ziane, iayos muna ang mga gamit mo dun sa kwarto ni Red." sabi sa akin ng daddy ni Red.
"Bakit sa kwarto ko pa?, may guest room naman." angal nito sa daddy niya.
"Doon nalang po ako sa guess room sir."
"No! .. Sa iisang kwarto lang kayo, at tawagin mo na lang kaming daddy at mommy mo, kami na ngayon ang mga magulang mo simula ngayon, hindi natin masisisi ang mga magulang mo kung ano ang sinabi nila sayo." ma habang paliwanag ng mommy ni Red, kaya tumango ako sa kanila.
Napakabait nila sa akin, kahit ang samasama ng ginawa ko sa anak nila, sinamaan naman ako ng tingin ni Red.
"Manang Ruby, samahan mo nga si Ziane sa kwarto nila ni Red." May lumapit naman sa akin na medyo may edad na at inaya akong umakyat para pumunta sa kwarto.
Maganda ang bahay nila, parang mansion na nga ito sa laki eh.
"Ija, dito na ang kwarto niyo, maiwan na kita ha, mag luluto pa ako eh."
"Sige po manang salamat po." ngumiti naman siya sa akin bago ito tuluyang umalis.
Pumasok ako sa kwarto at pinag masdan ko ito, malaki ang kwarto maganda at malinis din ito.
Inayos ko agad ang mga gamit ko, inilagay ko ang mga damit ko sa bakanteng cabinet sa closet ni Red, nang matapos na ako ay pumsok ako ng C.R para mag shower muna. Pag labas ko ay nadatnan ko si Red na nakaupo sa kama.
"Kung iisipin mung magiging maganda ang buhay mo dito nagkakamali ka, sinira mo na ang buhay ko, kaya gagawin kung impyerno ang araw-araw mong pagtira dito.
Simula ngayon magiging katulong ka din dito, at wag na wag kang mag susumbong kala daddy kung ayaw mong palayasin kita dito, ewan ko lang kung may mapuntahan ka pa."
"Maaga ka araw-araw gumising plantsahin mo ang damit na isusuot ko sa trabaho, ayoko ng may gusot, ipaghahanda mo ako ng pagkain, lilinisin mo ang kwarto ko araw-araw pati nadin ang buong bahay at pagkatapos pati yung likod ng bahay, yung garden at yung swimming pool dapat araw-araw mo din iyong lilinisin, may mga cctv ako kahit saang parte ng lugar na to kaya imomonitor kita." mahabang sabi ni Red sa akin.
"Paano ang trabaho ko? baka ma late ako?"
"Problema mo na yun, at wag kang pa espesyal dapat nasa oras ka ng pagpasok sa trabaho mo."
"At isa pa, Dito ka sa lapag matutulog, wag na wag kang maka lapit-lapit sa kama ko naiintindihan mo?." wala naman ako nagawa kundi ang tumango nalang sa kanya.
Lumabas si Red ng kwarto at naiwan akong tulala, medyo naiiyak ako, paano ko gagawin yun lahat?? hindi ako marunong sa gawaing bahay.
"Ija, baba kana kakain na, andon na sila sa dinning." nagulat ako ng may nag salita sa may pinto, medyo bukas ng onti at nakasilip si manang Ruby.
"Sige po." sumunod naman ako sa kanya pababa, nang nakarating kami sa dinning ay umupo ako sa tabi ni Red kaya sinamaan nya ako ng tingin.
"Bukas nga pala kayo ikakasal sa huwes, ang mayor ang mag kakasal sa inyo." panimulang topic ni daddy samin.
"Bukas? akala ko ba next week pa?"
"Bukas na! aalis na kami pagtapos ng kasal kailangan na namin bumalik sa italy."
"Pero wala pa po akong susuotin." pagsabat ko sa kanila.
"Ok na, pinabili ko na ang isusuot mo, bukas dadating yun." ngumiti naman ako sa sinabi ni mommy.
Pag katapos namin kumain ay nag si pag akyatan na sila sa mga kwarto nila, umakyat nadin ako at pumasok sa kwarto namin ni Red.
Pag pasok ko nakita kong ibinato ni Red isa-isa ang hihigaan ko.
"Ayan!! jan ka matulog, ilock mo ang kwarto para hindi sila pumasok at makita kang jan natutulog naiintidihan mo." madiin at galit na galit na sabi niya sa akin.
Inayos ko na lang ang higaan ko at humiga, nakita ko pa siya na nasa labas ng veranda umiinom ng alak, itinago ko sa unan ang mukha ko dahil di ko na napigilan ang mga luha ko.
[ 3rd PERSON POV ]
Kinabukasan pag gising ni Red ay agad siyang bumangon para gisingin si Ziane, sinipa niya ito para magising, ngunit hindi parin siya nagigising, kumuha ito ng tubig at binuhos sa mukha ni Ziane, kaya napabangon ito at tuluyan ng nagising.
"Hindi ka prinsesa dito, kumilos kana kanina pa sila kumakatok." pagkasabi ni Red sa kanya ay pumasok na ito sa C.R para maligo, samantalang si Ziane ay iniligpit muna ang kanyang higaan at inilagay sa ilalim ng kama.
Nang matapos si Red maligo at mag bihis ay lumabas na ito ng kwarto, hindi niya kasi matagalan na makita si Ziane, galit na galit ito sa kanyang ginawa, nang dahil sa kanya nasira ang magandang buhay na gusto niyang mangyari kasama ang babaeng mahal na mahal niya na walang iba kundi si Jessica.
Pagkatapos ni Ziane maligo ay lumabas na din siya ng kwarto at bumaba na, naabutan niya na nasa dinning na sila at kumakain na.
"Good morning po." bati nito sa mga magulang nila.
"Good morning din, maupo kana at kumain, mamaya lang ay dadating na ang mag aayos sa inyo."
Wala naman silang inaksayang oras at kumain sila ng tahimik, nang matapos sila kumain ay saktong dating nang damit nila at ng mag aayos sa kanila.
Pinasuot muna sa kanila ang kanilang susuotin bago sila ayusan. Nang natapos silang lahat ayusan ay nag sipag alisan na sila.
Nakarating sila sa munisipyo at nakita nila na andon nadin ang mayor na mag kakasal sa kanila, hindi na sila nag aksaya ng oras at ipinakasal na sila ng mga magulang nila. After nang pirmahan ay natapos nadin sila.
Nag siuwian sila sa bahay nila dahil may hinahabol na flight ang mga magulang nila, kaya pagkadating na pagkadating nila sa bahay ay kinuha agad nila ang mga gamit nila para umalis, pero bago sila umalis ay samot'sari munang paalala ang binigay nila kala Ziane at Red bago nag paalam.
Nang nasa kwarto na silang mag-asawa ay agad na itinulak ni Red si Ziane, kaya na pa upo ito sa sahig, hindi pa na kuntento si Red, hinatak niya pa si Ziane sabay sampal ng malakas, nag dugo naman ang labi nito.
"Masaya kana ha? kasal kana sa akin!!" galit na tumingin si Red kay Ziane.
"Bakit akala mo ba ire-register ko tong marriage contract na to? ha?? Wag kang umasa dahil kahit kailan hinding-hindi ako magpapakasal sayo."
"Red ... " umiiyak na hinawakan ni Ziane ang braso nya pero agad na iniwas niya ito at tinulak siya dahilan para matumba siya.
Umalis si Red sa kwarto nila at naiwan si Ziane na umiiyak habang pinupunasan ang dugo sa labi nya.
Naglatag si Ziane ng higaan niya at inilayo na niya ito sa kama ni Red, humiga siya at tuluyan ng nakatulog ng umiiyak.