[ JESSICA POV ]
Hi i'm Jessica Ocampo Sister of Ziane, 4 yrs ang tanda ko sa kanya. So ayan kilala niyo na ko kahit paano.
Bumangon na ko sa kinahihigaan ko at nag ayos muna para puntahan ang fiance ko, grabe di ako makapaniwala na ikakasal na ko soon, ang saya sa feeling na ikakasal ka sa taong mahal mo at mahal ka din.
Kumatok muna ko sa pinto ng guest room bago ito binuksan, kaso lang wala si Red kaya bumaba ako baka sakali nasa baba na siya, nagulat ako ng pagkarating ko sa tapat ng kwarto ni Ziane nakita ko yung necktie ni Red, yung kalahati nasa loob, nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko kaya agad akong kumatok sa pinto, katok ako ng katok pero walang nag bubukas. Kinakabahan na ko.
"Jess! ano ba yan? baka tulog pa yung kapatid mo." andito na din pala sila mama at papa..
"Ma." humarap ako sa kanya ng may tumulong luha sa pisngi ko.
"Anak ano ba bakit ka umiiyak? ano nangyari?" tanong sakin ni papa. Tinuro ko naman yung necktie ni Red na nakaipit sa pinto.
"Manang Remy kunin mo yung duplicate ng susi." Kinuha naman ni manang yung susi sa baba..
"Relax nak, ok! wala lang yan." pag papakalma sakin ni mama..
Maya-maya lang umakyat nadin si manang at ibinigay kay papa ang susi, binuksan ni papa ang pinto at pumasok na agad ako bigla.. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala akong sinugod sila.
"MGA WALANG HIYA KAYO!!!!" sigaw ko sa kanila habang pinag hahampas si Red . Gulat silang nagising parehas, nag takip sila ng comporter parehas at don nag bihis si Red.
"Jess wait! wait! mali yung iniisip mo."
"Anong mali sa nakita ko Red? bakit ha?"
"Wala kung maalala." nakita kung umiiyak si Red sa gilid, tinignan ko ulit si Red na parang inaalala yung nangyari.
"Sh*t! i was drunk! binigyan ako ni Ziane ng wine glass at naramdaman ko nalang na umiikot na ang paningin ko, pa pasok na sana ako sa guest room ng hinila niya ko dito." pag papaliwanag ni Red sakin pati kala mama at papa. Lumapit si mama kay Ziane at sinampal ito ng pagka lakas-lakas.
"Wala kang utang na loob bata ka! hindi ko alam na may ganyang ugali ka palang tinatago, bakit? kulang ba? kulang pa ba ang pag mamahal na binigay namin sayo? pati fiance ng kapatid mo inagaw mo na?, ginagawa namin lahat para maging masaya ka, tinuring ka namin sariling anak at kapatid ng ate mo, tapos ganyan lang gagawin mo sa ate mo?" galit na sabi sa kanya ni mama, walang nagawa si Ziane kundi ang umiyak.
"Ziane!" lumapit sa kanya si papa.
"Pa... hin..di.. po totoo yung sinabi... ni .. kuya Red.." umiiyak na sabi niya kay papa. Tinignan ko ng masama si Red, nakatingin lang siya kay Ziane.
"Anong nangyari!" madiin na sabi ni papa
"Totoong binigyan ko si kuya Red ng wine, nung nalasing na kami pumasok na kami, pag pasok ko ng kwarto ay pumasok din siya tapos ayon po. Malakas si kuya Red kaya hindi ko siya kayang itulak kahit anong tulak ko." Mahabang paliwanag niya habang umiiyak.
"Sinungaling ka! Ziane!!! alam mung ano ang totoong nangyari! ikaw ang humila sakin papasok dito sa kwarto mo." Nagulat nalang kami ng sinuntok ni papa ang mukha ni Red.
Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanila. Never pang nag sinungaling si Ziane kala mama at papa, pero kilala ko ang ugali niya, kapag may gusto siyang gawin nagagawa niya talaga, kala mama lang yan tiklop.
Si Red naman hindi ko din alam, aaminin kong naniniwala ako sa kanya dahil hindi niya kayang gawin sakin yun, ni wala pa ngang nangyayari samin dahil inaantay namin ang honeymoon, nirerespeto niya daw kasi ako.
"Hindi ako papayag na hindi mo papanagutan si Ziane, Tatawagan ko ang mga magulang mo, magbihis na kayo at bumaba na!"
"Tito mahal ko po si Jess."
"Kung mahal mo ang anak ko bakit mo to ginawa?" lumabas sila papa at mama, sinilip ko si Ziane na umiiyak, nakita ko siyang ngumisi kaya nilapitan ko siya at sinampal.
"Ate!"
"Ayoko ng makita pa ang pag mumukha mo dito sa pamamahay ko!" Malakas ang kutob ko na pinag-planuhan niya to!!, ganyan siya kapag nagtatagumpay ang mga plano niya, masyadong magaling umarte si Ziane kaya mapapaniwalaan mo talaga siya.
"Wala kung kasalanan ate, nag sasabi ako ng totoo."
"Pwede ba Ziane!!! tama na! alam naman natin kung gaano ka patay na patay sakin diba?." lumapit si Red sa akin pero sinampal ko din siya.
"Simula ngayon tapos na tayo!" pag katapos ko sabihin yun ay lumabas na ko ng kwarto.
[ ZIANE POV ]
"Napakasinungaling mo! bawiin mo yung sinabi mo, sabihin mo yung totoo Ziane!! hindi ko kayang mawala si Jess sakin, pleasee Zi!!! sabihin mo yung totoo."
"Bakit Red? ginusto mo din yung nangyari satin!"
"Walang hiya ka talaga Ziane!!"
"Sorry Red, mahal lang kita."
"Si Jessica ang mahal ko at siya lang ang mamahalin ko!." pagka sabi niya non ay umalis na siya agad.
Inayos ko ang sarili ko bago ako bumaba, Sa wakas nagawa ko din, kahit na nagalit sila sakin, medyo na guilty ako nung nagalit si mama sakin, pero wala na! ito na to! nagawa ko na! wala ng atrasan to, pagbaba ko ng hagdan andon na ang mga magulang ni Red, nakita ko si Red na nag mamakaawa kay papa, si ate Jess naman ay naka upo lang sa sofa, alam kung umiiyak siya! tinatago niya lang. Kung may pag kakapareha kami ni ate Jess? ay yun yung pinipigilan namin hindi umiyak sa harap ng maraming tao.
"Tito ayoko pong mag pakasal kay Ziane, si Jessica lang po ang pakakasalan ko." naka luhod na pakiusap ni Red kay papa.
"Hindi ako papayag na hindi mo pakasalan si Ziane pagkatapos mo siyang galawin?!!" madiin at galit na sabi ni papa, lumapit sakin si Red at lumuhod sa harap ko.
"Parang awa muna Ziane, sabihin mo ang totoo." Hindi ako nag salita at patuloy lang umiiyak, kailangan kong umarte para matapos na to.
"Ziane! mag imapake kana, doon kana titira sa bahay ni Red at wag ka na mag papakita dito.!" sabi ni mama na hanggang ngayon ay galit padin, medyo nasaktan ako sa sinabi ni mama sakin kaya naiyak pa ko lalo.
Tinanggal ko ang kamay ni Red at umakyat na ulit sa taas para mag impake ng mga damit at ibang gamit na mahahalaga.
Nang matapos ako sa pag iimpake ay bumaba na agad ako, naabutan kong umiiyak si Red habang nakaluhod sa harap ni ate Jess, pagbaba ko ay umalis si ate, umakyat siya sa taas at pumasok sa kwarto niya, tahimik lang na tinitignan kami ng mga magulang ni Red.
"Sige na umalis na kayo."
"Papa"
"Wag mung asahan na dadating kami sa kasal mo Ziane. Simula ngayon hindi kana parte ng pamilyang to." galit na sabi ni papa kaya di ko napigilan humagulgol ng iyak, sa kanilang dalawa ni mama, si papa ang pinaka close ko, kahit kailan never pa kong nasabihan ni papa ng masasakit na salita kaya sobrang sakit sa akin na marinig yun.
Nilapitan ako ng mommy ni Red para alalayan maka labas, kinuha ng daddy niya ang maleta ko at inilagay sa likod ng sasakyan tsaka sumakay na kami. Nasa likod kami ni Red naka upo, hindi nag papansinan, walang nag sasalita, ipinikit ko ang mata ko at nag balikan ang mga alala nung mga masasayang araw na kasama ko sila mama, papa at ate, kaya pinunasan ko ang pumatak na luha sa pisngi ko.
"Wag kang mag inarte jan na parang biktima ka dito! ano masaya ka na? nag tagumpay ang plano mo." galit na sabi ni Red.
"Red!!" pagbabanta ng papa nya.
"Wala na tayong magagawa, nangyari na at may kasalanan ka din don, ikaw ang lalaki anak!" sabi ng mommy niya.
"Ziane!! ikakasal kayo agad bukas, sa huwes muna, sasusunod na ang sa simbahan ha, madami pang dapat asikasuhin eh." paliwanag ng mommy niya.
"Hindi ako mag papakasal."
"Ipapadala kita sa italy, wala kang makukuhang kahit anong mana kung hindi mo papanagutan si Ziane! Tandaan mo Red, Sinira mo na ang reputasyon ng pangalan natin noon, at di na ko papayag na masira ulit ngayon, kaya sa ayaw at sa gusto mo pananagutan mo si Ziane." matigas at galit na sabi ng daddy ni Red. Napangiti naman ako sa isip ko kasi sa wakas success ang plano ko.