Kabanata 14 Dim I woke up next to him at exactly 3 AM. He is sleeping peacefully. His heavy breathing while still looking good makes him the most attractive man I know. I can feel his arms around my waist and his lips on my head. Hindi ko alam kung anong nangyari kanina. Basta ang huling naaalala ko ay sobrang lasing na lasing ako at nag passed out na ako. Hanggang ngayon nga ay ramdam ko pa rin ang hilo. Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama at lumabas sa kwarto niya. Nakita ko si Yerim na tulog na tulog sa sofa bed sa sala kaya ang hula ko ay sina Rafa at Sebastian ang natutulog ngayon sa kabilang kwarto. I went to the kitchen to drink some water. I was about to put the pitcher back to the refrigerator when I felt a kiss on my nape, kaya halos mapasigaw ako sa gulat. Mabuti na lang