Kabanata 7

3012 Words
Kabanata 7 Manila talk “Are you sure you want to leave? Why?” salubong na tanong sa’kin ni Ms. Lim nang makapasok ako sa office niya. Umupo ako sa kaharap niyang upuan kahit hindi naman niya ako pinapaupo. I just feel like sitting dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay babagsak ako sa sahig dahil sa panghihina. Marahas akong bumuntong-hininga nang mapansin kong kanina pa ako nagpipigil ng hinga. “You know how good asset your are to our company, Rae. Bakit biglaan ito?” dagdag na tanong pa nito. Napapikit ako nang mariin bago magsalita. “May fifteen days pa naman ako para kumpletuhin ko lahat ng mga naiwang task ko, Miss Lim. Tatapusin ko po lahat ‘yon,” kaswal na sinabi ko sa kaniya at tiningnan na siya nang diretso. She’s still frowning. Gulong-gulo sa biglaang desisyon ko, ngunit hindi na ako puwedeng mag back out. I need this. “Bakit nga? Bakit biglaan? Look, if you’re not happy by what happened to you at that vacation trip, please let me know so I can arrange—” “No, Miss. I was happy. Nagpapasalamat ako dahil nangyari ang bakasyon na ‘yon. Nakakuha ako ng bagong ideya sa susunod na isusulat kong libro and I am so much willing to finish that book before I leave. I hope you understand, Miss Lim,” I said to her, cutting her off. Matagal bago siya sumagot kaya nanatili ang tingin ko sa kaniya. Hinihintay ang magiging desisyon niya. Nang sa uli ay pumayag na siya sa gusto ko ay laglag ang balikat ko nang umalis ako sa office niya. Walang gana akong bumalik sa working office namin na parang gusto ko na lang umuwi at huwag nang pumasok kahit kailan. I feel empty and disgusted. Ilang araw na ang nakalipas nang makabalik kami sa Manila. Hindi ko naabutan sina Rafa at Yerim sa staff house dahil nasa kani-kanilang pamilya pa ang mga ito. Next week pa raw ang balik kaya lalo akong tinatamad magtrabaho. Nang umuwi ako ay iniwan ko ang isang katauhan ko sa islang iyon but that last scenery that I saw is still haunting me up to now. Ni hindi ko mawaksi sa utak ko ang ekspresyon niya habang nakatingin siya sa babaeng ‘yon at isinantabi lamang niya ako nang gano’n kadali. Kahit pa sinabi niya na gusto niya pa akong makilala. Kahit pa may nangyari sa’min. “Rae,” I heard someone called me. Tamad akong tumingin sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Miss Rochelle na malungkot na nakatingin sa’kin. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya na ginawa ko rin kalaunan. “Bakit po?” “Do you want coffee?” tanong nito sa’kin nang nakangiti. Napatango na lamang ako nang maintindihan ko ang sinabi niya. We went to Seb’s coffee shop dahil iyon lang naman ang pinakamalapit na coffee shop sa building namin. Ayoko rin naman sa iba dahil hindi ko gusto ang lasa ng sa kanila. Nang makapasok kami ay ramdam ko agad ang pagkalma ng kalooban ko nang makaamoy ako ng kape. Niyaya ko si Miss Rochelle na umupo sa usual spot ko nang matapos kaming umorder. Wala si Sebastian, naka-leave pa raw ito sabi ng barista niya. “I heard what happened. Miss Lim told me that you’re leaving. Bakit? Saan ka lilipat? I thought you really need this job,” sunod-sunod na tanong niya sa’kin pero wala roon ang atensyon ko, kundi nasa taong nakatayo sa labas ng glass wall ng coffee shop. Nakatalikod ito sa pwesto ko, ngunit alam na alam ko kung sino ito. His body built is so familiar to me kahit pa likod lang nito ang nakikita ko. Siya ‘yan. Bakit siya narito? “Rae?” Miss Rochelle called me. I immediately blinked and looked at her. Laglag ang panga ko nang bumaling ako sa kaniya kaya lalong nangunot ang noo niya. “I’m sorry, Miss Rochelle. What was your question again?” “Ano bang nangyayari sa’yo? You are too preoccupied. Ano ba talagang nangyari sa’yo sa Tierra Fima? You know you can talk to me without any lies. You can trust me,” nag-aalalang sinabi nito sa’kin at hinawakan pa ang kamay ko. Saglit na bumaling muli ako sa labas ng coffee shop ngunit wala na siya roon. Nawala na naman bigla. Anong ginagawa niya rito? Bakit siya narito? I heave a sigh then looked at Miss Rochelle. She’s right. Bukod kay Yerim at Rafa, ito ang sinasabihan ko ng iba kong problema lalo na pag alam kong kailangan ko talaga ng advice galing sa mga eksperto na sa buhay. Marahas akong huminga nang malalim bago ikinuwento sa kaniya ang lahat. Nakita ko rin mismo ang gulat sa mga mata niya nang matapos ako. She’s not expecting something like this from me dahil kilalang-kilala ako ng lahat ng nasa department namin. Alam nila kung gaano kahalaga sa’kin ang trabaho kong ito at ang sarili ko mismo kaya naiintindihan ko ang naging reaksyon niya. “Oh my god. I can’t believe this!” Hindi na niya napigilan ang reaksyon niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko. I know how stupid I am for falling inlove with a stranger, pero alam ko rin na hindi ko iyon kailangan sa buhay ko. I need to work for my family lalo na para sa kapatid ko. Ako na lang ang inaasahan nila at hindi ko kakayaning malaman nila na bigla akong nawalan ng gana dahil sa nangyari. Just because I gave in to a stranger. “But why do you have to resign from your position? May lilipatan ka ba?” tanong niya pa kaya mabilis akong umiling. “Ayoko lang maalala ang lahat, Miss Rochelle. Ayoko na sa field na ‘to. Gusto kong magsulat pa pero hindi ko na alam kung ano pang isusulat ko dahil lang sa ayoko na munang mag-isip,” tamad na sinabi ko sa kaniya at sumimsim sa kape ko. I looked at nowhere. I don’t know what to expect from now. Pakiramdam ko, simula nang bumalik ako ay palaging may inaabangan ako na kung ano. Ni hindi ko magawa nang maayos ang trabaho ko. “I can help you with that. If you don’t want to be a writer for now, puwede kitang i-recommend sa business partner ni Miss Lim. Naghahanap din sila ng bagong secretary para sa bagong CEO ng kompanya nila. I can send your details and credentials to them,” seryoso nitong sinabi sa’kin kaya napatingin ako sa kaniya nang nabubuhayan ang loob. “Really?” “Yes, Rae. Expect a call tomorrow for your interview and after that, you still need to finish your last book before you go.” Iyon na ang huli niyang sinabi bago niya ako iwan sa coffee shop na iyon. Ilang minuto pa akong tumambay roon bago ako nagdesisyong bumalik na sa office dahil sa napakarami ko pang dapat gawin. While I was walking back to our building, someone bumped me kaya halos tumalsik ako dahil sa sobrang lakas ng pagbangga niya sa’kin. Palabas siya ng building namin habang ako naman ay papasok. Nabitiwan ko pa ang cellphone ko na kabibili ko lamang noong nakaraan. “Damn! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?” dinig kong hiyaw niya sa’kin sa naiinis na tono. Malalim akong huminga and tried to calm myself dahil alam kong hindi makakatulong sa’kin ang senaryong ito. Pero hindi ako ang tanga rito kung ‘di siya! “I’m sorry,” tipid na sinabi ko sa kaniya habang pinupulot pa rin ang cellphone ko. Nang makuha ko ‘yon nang tuluyan ay tumambad sa’kin ang pagmumukha niya. I saw how his expression changed. Para siyang nakakita ng taong matagal na niyang hinahanap. Hawak din nito ang cellphone niya. “It’s you...again,” I heard him said and tried to break the distance between us kaya mabilis akong lumayo. Nakaputi itong long sleeve polo na nakatupi ang manggas hanggang siko. Nakabukas ang dalawang butones. Naka coat at slacks na itim. Napakalinis talaga niyang tingnan sa gupit niyang ‘yon at tila mas umaliwalas ang itsura nito kumpara sa huli naming pagkikita. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya at nilagpasan na siya roon. I was about to enter the building when he grabbed my wrist. “Wait! Let’s talk,” he softly said to me. Ramdam ko na naman ang pagkalabog ng dibdib ko dahil sa hawak niya sa’kin. Sunod-sunod na umatake na naman sa isip ko ang mga nangyaring iyon sa isla lalo na nang marinig ko ang boses niya. Pinanatili ko ang matigas na ekspresyon ko at ngumiti nang pilit sa kaniya. “Nice to see you again. Bakit ka narito?” kaswal na tanong ko sa kaniya at pinilit na alisin ang pagkakahawak niya sa’kin. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang alisin ko ang kamay niya. Wow. Bakit? Rae, ano na naman ‘to? “I was looking for you,” he answered with so much confusions. Natawa ako at marahas na pinalis ang buhok kong humaharang sa mukha ko dahil sa malakas na hangin. “Bakit?” “Hindi ako nagbibiro nang sinabi ko sa’yong gusto pa kitang makilala—” “Bullshit. Leave me alone,” I said to him coldly at iniwan na siya roon ngunit hinila na naman niya ako pabalik. “I told you, we need to talk,” mariin niyang sinabi sa’kin kaya natawa ako. Bago pa ako makasagot ay dinig ko na ang pagtawag sa’kin ni Yerim at Rafa dahil kitang-kita ko sila sa likuran ng lalaking ito, naglalakad patungo sa’ming dalawa. Agad na nakaramdam ako ng panic nang tuluyan na silang makalapit sa’min. Kitang-kita ko mung paano bumaba ang tingin nila sa kamay niyang nakahawak sa’kin at sa kaniya mismo. Nakita ko pa ang pagtutop ni Yerim ng kamay niya sa bibig niya nang ma-realize kung sino ang lalaking nasa harapan ko. “Oh my god! It’s you again. What’s happening here?” Yerim hysterically asked and then looked at me. Mabilis kong inalis muli ang hawak niya sa’kin at lumayo sa kaniya. “I need to go. Huwag ka nang lumapit sa’kin, please lang. I don’t even know who you are,” mariin kong sinabi sa kaniya at iniwan na silang tatlo roon. Nagliliyab ang kalooban ko hanggang sa makarating ako sa working office. Padarag na umupo ako sa swivel chair ko at binuksan ang computer para simulan na ang pesteng libro na ‘to. Ayoko mang isulat ‘to, ngunit sa tingin ko ay ito na ang pinakamagandang kuwentong magagawa ko bago ako tumigil sa pagsusulat pansamantala at lumipat sa ibang field. Miss Rochelle offered me to published it into a physical book at mag s schedule daw ang company ng book signing ko sa oras na ilabas ang librong ito. The Night in Tierra Fima It’s all about him. How we met each other and how it ended. Ten chapters lang iyon dahil ganoon lang naman talaga kaikli ang mga nangyari. Hindi na kailangang dagdagan pa. Nang matapos ako sa limang chapters na halos maubos na ang labi ko sa kakakagat dahil sa mga alaalang bumalik sa’kin, saka naman dumating sina Yerim at Rafa na mataman akong pinagmamasdan mula sa mga cubicle nila. “So, what happened to you on that island?” dinig kong simulang tanong ni Yerim na hindi pa nakuntento at lumapit pa sa’kin, habang si Rafa ay naghihintay lang ng sagot. Kami na lang ang natira sa working office dahil lunch time na rin. Hindi ko alam kung anong balak ng dalawang ‘to, ngunit ang hula ko ay magha-half day sila ngayong araw. Hindi ko pinansin ang tanong na iyon ni Yerim at nagpatuloy sa pagta-type ng susunod na kabanata ng librong isinusulat ko. “...falling inlove with a stranger is the worst thing you can do while on a vacation trip—oh my god! Is that what happened to you while we were away?” Nanlaki ang mga mata ko at agad na sinarado ang MS Word dahil sa sinabi ni Yerim at binalingan siya ng tingin. “Of course not!” agap ko agad sa sinabi niya. Narinig ko ang paghalakhak ni Rafaella. Napaismid lang ako nang pareho silang tinawanan ang sinabi ko. They even sat down in front of me and gazed at me at the same time kaya umiwas na ako ng tingin sa kanila. I know what they are thinking. “So, na-inlove ka sa isang stranger,” Rafa stated while looking at me intently. “Sa lalaking ‘yon? Kaya ba ayaw mong kausapin?” dagdag pa nitong tanong. Hindi pa rin ako kumikibo. “Bakit ayaw mong kausapin? Anong nangyari? Naudlot ba agad?” Yerim also asked me sa tono ng nang-aasar. Binalikan ko ang ginagawa ko kanina at sinave iyon para lang makasigurado. Nang matapos ako ay bumaling na ako sa kanilang dalawa. Pinag-isipan ko pa nang mabuti kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi pero sa huli ay sinabi ko na dahil kaibigan ko naman sila. I trust them at alam kong maiintindihan nila ako sa naging desisyon ko. “I gave in to him,” halos bulong kong sinabi sa kanila pero alam kong narinig nila iyon. They both had the same reaction. Their jaw dropped while looking at me in disbelief same as Miss Rochelle’s reaction a while ago. Kahit ako ay gano’n din naman ang magiging reaksyon ko sa sinabi ko. Rafaella stood up and went straightly to her cubicle to get some water, habang si Yerim naman ay nanatili lang nakatingin sa’kin. Hindi pa rin makapaniwala. “Are you f*****g serious?” She hissed. I nodded at her. Tumayo ito bigla at napahawak sa ulo niya bago muling bumaling sa’kin. “Oh my god. Are you still you, Astraea Lumiere? Ikaw ba talaga ‘yan? Paano? Bakit? Naniwala kami nang sinabi mong virgi—” “I am!” “So, sinasabi mo sa’min ngayon na siya ang—oh my god! Paano nangyari?” gulat na gulat niyang tanong ulit kaya napailing na ako. Inirapan ko na lang silang dalawa at iniwan na sila roon para tumungo sa pantry. Nang makakuha ako ng pagkain ay bumalik ako sa working office namin at naroon pa rin sila, hinihintay ako. “Did you use protection?” Rafa asked to me all of a sudden kaya naibuga ko ang tinapay na kinakain ko. We did not. Oh gods. “Hindi, right?” she added. Sunod na narinig ko ang pagbuga niya nga mga mura sa hangin. “E, bakit ayaw mong kausapin? Dapat ay mag-usap kayong dala—” “I can’t Yerim. I really can’t,” I said to her, cutting her off. Kung alam lang nilang dalawa kung gaano ko gustong kausapin siya tungkol sa nangyari, ngunit ayokong makasira ng relasyon dahil lang sa walang kuwentang bagay na ‘yon. Walang kuwenta para sa kaniya dahil nakita ko naman kung gaano kabilis niya akong kinalimutan nang makita niya ang totoong mahal niya. I am just a one time experience. No more, no less. “Bakit, Rae? Ayaw niya sa’yo?” Rafa straightly asked to me that made me stutter. Napasinghap ako nang marinig ko ang tanong na ‘yon. Nahihiya akong sagutin dahil alam ko naman ang totoong sagot. Baka nga mas magulat sila kapag sinabi kong hindi ko pa alam kung anong pangalan niya. “He’s engaged,” I almost whispered and went back to my swivel chair. “I don’t know his name. All I know was the last thing he said to me before we bid goodbye to each other. Hindi ko alam kung bakit siya nandito,” pinal na sinabi ko sa kanilang dalawa at sinuot na ang earpods ko para hindi na marinig ang sunod na sasabihin nila. Not worth for your time, Rae. Just move on. Nang mag-out ako sa trabaho ay niyaya ako ng dalawa sa bar na madalas nilang puntahan ngunit tumanggi na ako. Balak ko kasing umuwi ngayon sa bahay namin dahil tatlong linggo na mula nang huling umuwi ako roon. Nang makarating ako sa bahay ay tulog na si mama dahil late na rin. Na-traffic kasi ako. Nadatnan ko si Arthur, bunso kong kapatid, na kasalukuyan pa ring nag-aaral kaya napangiti ako. “OMG, ate! Buti ay umuwi ka na. Miss na miss ka na ni mother dear,” maarte nitong salubong sa’kin nang makita niya ako. Lumapit pa ito sa’kin at hinalikan ako sa pisngi. “Pagod na pagod ka naman today. What happened? Did you eat na ba?” dagdag pa nitong tanong sa’kin. Sinagot ko lang siya ng iling. “Busog na ‘ko, Art—” “Oh my g, ate! Stop calling me by that name. My name is Ari, as in Arianna,” naiirita nitong putol sa sasabihin ko at inirapan pa ako kaya natawa na lang ako. “Oo na. Busog pa ako. Bakit gising ka pa?” Before he could answer, naputol na ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sabay kaming napatingin doon nang ilabas ko ‘yon. Nangunot ang noo ko nang makita kong unregistered number ito kaya hindi ko sinagot. Maya-maya pa ay huminto na ito. Kasabay ng paghinto ng tawag ay ang pagpasok ng dalawang text message Unknown Number Greetings from Acuzar Empire! We would like to invite you for an initial interview for the position you have applied for. Kindly wear your formal attire and be on time. To confirm your attendance, kindly reply your full name. The said interview is 8:00 o’clock in the morning. Thank you and have a great day! Acuzar? Parang narinig ko na ang pangalang iyon. Saan nga ba? Nagkibit-balikat lang ako at nireplyan ang message na iyon. Ito na yata iyong sinasabi ni Miss Rochelle kanina. Sunod na binuksan ko ay ang message from unknown number din. Unknow Number I got your number from your friend. I know you will receive this text. Please, talk to me. - L.A Oh, Yerim and Rafa. Bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD