"Miss. Kumain ka na! Baka magkasakit ka!" ani ng isang lalaki sa babaeng dalawang araw ng nakatali. Umiling naman ito dahil wala itong ganang kumain. "Hindi na ako kakain, para mamatay na ako..." ani ng babae sa isipan. "Sige na! Kumain ka na!" ngunit ayaw talaga kumain ng babae. "Naku naman eh, ako ang mapapagalitan nito..." napabuntong hininga na lang ang lalaki. ___ "Manang na saan ba si ate Lucy?" tanong ni Helyvin sa matanda nilang katulong. "Hindi ko alam Hijo! Kung na saan ang batang 'yon, hindi ko na rin s'ya nakita e--h!"sagot naman ng matanda. "Ay gano'n ho ba? Okey po. Salamat!" magalang na ani ng binatang si Helyvin. Sabay umalis sa kusina, pumunta naman s'ya ng dining area, para kumain. "Kuya Vin! Nakita mo ba si ate Lucy?" tanong ni Helyvin. "Ewan ko," sagot ng kuya