Nandito ako ngayon sa kuwarto na. Ibinigay ng hayup na 'yon. Napaiyak na lang ako nang maalala ko ang ginawa n'ya sa akin kanina. Bakit ko hinayaan? Pero anong gagawin ko. Binili n'ya ako. Kaya kahit anong gawin ko? Wala akong laban. Parang wala lang sa kaniya kanina ang ginawa n'ya sa akin. Habang umiiyak ako biglang may tumawag sa akin. Mula sa labas ng pinto.
"Madame! Bumaba na raw po kayo't kakain na!" ani ng babae sa labas.
"Paki sabi! Ayoko kumain!" masungit na ani ko.
"Masusunod po, Madame!" sabi niya narinig ko siya na lumakad na paalis. Ayoko kumain ayoko makita ang hayup na lalaking 'yon. Humiga na lang ako sa kama at matutulog na sana nang biglang may kumalabog sa pintuan ko. Pagtingin ko sinira pala ng demonyong lalaking 'to ang pintuan ko. Nakita kong parang galit na galit s'ya sa akin. Makikita mo kase sa mga mata nitong nakatingin sa akin na nanlilisik. Parang walang buhay ang mga mata n'ya. Lumapit ito sa akin nang hindi ko namamalayan na may dumapong palad sa mukha ko. Ang sakit napakalakas ng sampal na ginawa niya sa akin. Parang hihiwalay ang mukha ko sa katawan dahil sa ginawa n'ya. Napaluha na lang ako sa ginawa niya sa akin. Wala s'yang awa. Para s'yang bakla nanakit ng babae.
"Go down stairs! let's eat!" ani nito sa med'yo mahinahon na salita at agad na umalis. Pagka-alis nito, pinunasan ko ang luha sa aking mga mata. Bumaba na, kahit masakit talaga ang sampal n'ya. Nakita ko ito na nakaupo sa upuan sa pinakadulo nang isang mahabang lamesa habang kumakain. Ako naman ay umupo sa isang dulo nang malaking lamesa magkatapat kaming dalawa. Kami lang ba dalawa ang kakain? Sobrang dami kasing pagkain. Akala mo nasa magarbong hotel kami.
"Go eat!" aniya. Kaya kumuha ako ng pinggan, dahil sa kaba na aking nararamdaman. Bigla kong naihulog ang pinggan na hawak ko. Nanginginig na tumayo at umupo sa sahig para damputin ang mga bubog na nagkalat. Nagulat ako nang biglang sumigaw ito.
"Tch. Clumsy, Woman! Stupido!" sigaw nito sa akin. Nanginig naman sa takot ang buo kung katawan, dahil sa pag-sigaw niya. Maya maya lang umalis na siya. Umakyat na ito sa itaas. Napaiyak na lang ako dahil sa nangyari. Napaka-iyakin ko kaylan ko ba mararanasan na. Hindi umiyak sa isang araw? Pagod na ang mata ko, pero patuloy lang itong lumuluha.
"Miss? Are you okay?" biglang may nagsalitang isang lalaki. Nakita ko ang paa nito sa harapan ko. Tinignan ko 'to at naglahad ito ng kamay. Napatingala ako sa kamay n'yang nilahad sa akin. Hindi ko alam kung aabutin ko ba ito o hindi?
"Miss, tumayo ka na d'yan! ipapalinis ko na lang ang mga kalat!" sabi nito sa akin. Kaya napatingala ako sa mukha nito. Gwapo s'ya, Kamukha n'ya ang taong bumili sa akin. "Hey, Miss. Are you okey? Naistatwa ka na ba sa ka-gwapuhan ko?" pilyong ani nito. Bahagyang akong napangiti dahil sa pagbibiro nito. Iniabot ko ang kamay nito na nakalahad pa rin sa akin. Baka kasi nangangalay na s'ya, nakakahiya naman.
"Manang! Paki linis itong basag na pinggan!" ani nito. Agad naman pumunta ang matanda sa amin. May dala itong dushpun at basurahan. Hinila naman ako nitong guwapong lalaki sa sala at pina-upo ako. Ang bait naman niya.
"I'm Helyvin, Vin or Hel na lang in short!" pakilala nito. Hindi naman ako makasagot sa kaniya. Siguro kahit parang mabait siya nakakatakot pa rin s'ya. "How about you?" He asked.
"Lucy..." tipid na, may takot na sagot ko.
"Nice name. Pleasure to meet you, Lucy!" ani nito. Ngumiti 'to sa akin, kung ako lang ang tipo ng babae na. Mabilis ma-inlove. Baka nahulog na ang puso ko sa lalaking ito.
"Oo nga pala. Narinig kong nasigawan ka ni Kuya, Klayt kanina. Pagpasensyahan muna lang. Gan'on talaga 'yon. Akala mo laging may buwanang dalaw!" ani nito. Kapatid pala s'ya ng lalaking 'yon. Laki nang pagkakaiba nila. Ang lalaki kasing kaharap ko ngayon palangiti. Hindi katulad ni Klayt, na parang hindi marunong ngumiti. Nanatili lang akong nakikinig sa kuwento n'ya.
"Gurang na kasi 'yon si Kuya. Kaya napaka-sungit!" ani pa nito sa akin sabay tawa. Maya maya lang tumunog ang cp n'ya. Binuksan n'ya ang cp at may binasa. Pagkatapos binulsa n'ya ang cellphone at tumayo na 'to.
"I have to go! Huwag muna lang lalapitan si Kuya Klayt, mainit pa ulo no'n!" ani nito sa akin na nakangiti at umalis na. Napabuntong hininga ako. Kung tumakas kaya ako? Pero baka 'pag nahuli ako patayin na nila ako. Bakit ba ganito ang nangyayari sa akin? Wala naman akong naalalang may nagawa akong masama para maging ganito ang buhay ko.
"Madame! Pumunta po raw kayo sa kuwarto ng Master Kayt!" biglang sabi ng isang babae. Pakiwari ko isa itong katulong. Tumango ako, aakyat na sana ako nang maalala ko na hindi ko pala alam ang kuwarto nito. Ang tanga ko rin minsan eh?
"Madame! Gamitin n'yo raw ang private elevator. Para mabilis daw kayong makarating! Sa 5th floor po ang kuwarto ni master Klayt. Pagkarating n'yo po, sa 5th floor. 'yong nag-iisang kwarto po d'on 'yon po ang kwarto ni Master Klayt!" mahabang paliwanag nito sa akin. Tumango naman ako at sumakay sa elevator makikita mo naman agad. Ang elevator dahil nandito lang ito naka-puwesto malapit sa sala. Pinindot ko naman ang 5th floor. Hanggang 8th floor pala ang palapag ng bahay na ito. Ang taas naman ng bahay na ito. Hindi pala ito bahay mansion pala. Mas malaki pa ito sa bahay namin. Sa palagay ko wala pa sa kalahati ng bahay namin ang mansion na ito. Nang huminto na ang elevator bumukas na ito kaya kinakabahan akong lumabas. Naglakad ako sa corridor, habang kinikiskis ang dalawa kong kamay sa sobrang kaba. Nanlalamig kase bigla ang kamay ko. Paano kung ulitin nito ang ginawa n'ya kanina? Nang marating ko ang nag-iisang pintuan sa may dulo ng corridor. Kinakabahan ako hindi ko alam kung kakatok ba ako o aatras na lang? Nanlalamig na buong katawan ko. Pinagpapawisan ako nang malamig. Huminga muna ako nang malalim. Handa na sana akong kumatok nang biglang bumukas ang pintong na sa harapan ko.