Hindi makapaniwala si Tet nang sabihin ni Sam na dito muna sila titira sa malaking bahay na iyon sa Tagaytay. Iyon ang hiniling ni Sam. Para makalanghap ng sariwang hangin ang ina at makakita ito nang magagandang tanawin. Lubhang napakalaki nito sa kanila. Mansiyon na kung maituturing ito. Nakatayo ang malaking bahay tanaw ang bulkang taal. Nasa harap sila nito at nakangiting pinagmamasdan ang paligid. May malaking gate sa harap subalit wala namang nagbabantay. Napakatahimik ng paligid at malamang rin ay walang tao sa loob, bukod sa kanila. Sabagay, mas gusto niya ang ganito sila lang mag-ina. Walang ibang makikialam. Napaniwala niya itong may kaibigan siyang nasa abroad at dito muna sila pinatira. Hindi naman ito nagkomento dahil oo nga ang alam nito may mga naging kaibigan siyang mayay