[Pagpapatuloy...] "Hay...bakit gano’n? Sabi mo dati, si Direk Gian ang paborito mo. Tapos, noong nakaraan lang sabi mo, si Teacher Bert, ngayon naman si Kuya Nathan?" pansin ni Janice, "Bakit naman biglang bumaba yata ang standard mo?" "Ano!?" bulalas ng taong nasa bandang likuran nila, kaya agad siyang napalingon. "Bumaba ang standard niya?" Pero, sa boses pa lang ng hambog ay makikilala na niya ito. Sino pa ba ang magmamay ari ng mayabang na tinig na ‘yon. May iba pa ba? "Sinasabi mo bang bumaba ang standard niya dahil nagustuhan niya ako?" pagpuputok ng butsi ni Nathan na ngayon ay halos lumuwa na ang nanlalaking mata. "Stalker ka ba? Bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot??" asik niyang pinamaywangan ito. "Anong pinagsasabi mo sa bata?"