*** Hooded vest and shades, 'yan ang kasalukuyang porma ni Nathan. Kalmado siyang nakatayo sa waiting area ng arrival ng isang kilalang international airport. Napakalawak ng lugar at karamihan ng tao ay kapansin-pansin ang pagmamadali. Nakakibit-balikat siya habang palinga-linga sa taong inaabangan, si Abby. Ngayon daw kasi ito uuwi mula Australia, ang lugar kung saan na-establish ang clothing line nito. Napangiti pa siya nang makita ang naggagandahang flight attendant na nakasuot ng nagtatasang takong, at may hila-hilang maleta. Nagulat na lang siya nang biglang may mamataan reporter, may dala-dalang kamera at patungo sa kinaroroonan niya. "Oh, shhh! Anong mayroon?" Pumihit sa gilid ang mga paa niya, naghahanda para makatakbo palayo. Saka naman natanaw ng mga m