*** Nag-aalala naman si Janice sa ama. Walang siyang kaide-ideya sa pinuntahan nito. Baka may hindi magandang nangyari, lalo pa't kanina pa niya ito kinokontak dahil nga sa ginawang pananakot sa kaniya ng mga kalalakihan nitong umaga. Napatingin na lang tuloy siya sa lumang sasakyan ng ama na basag ang lahat ng salamin. Pagpasok nila sa bahay, nalipat ang buong atensyon ni Janice sa mga ikinukuwento ni Sasha. Halata sa tinig ng bata ang pananabik para sa nalalapit nitong field trip sea adventure. Isa pa pala 'yon sa pinoproblema niya. Kailangan kasi nito ng guardian para makasama. 'Di pa nga pala niya nakakausap si Lily patungkol doon. "Hindi ka ba talaga puwede, Mama? Kahit isang araw lang?" tila pakiusap nito habang pinapalitan niya ng damit. "Susubukan ni Mama, pero kung puwede si A