[Pagpapatuloy] "Ate Wilma!" bulyaw niyang 'di makapaniwala sa narinig. "Sinasabi ko lang naman ang mga posibilidad," paglilinaw nito na bahagya pang napahawak sa baba at napatingin nang diretso sa malayo. "Puwede rin naman 'yong gaya sa napanood ko. 'Yong umuutang sa lending tapos kapag hindi nakakapagbayad ay kinukuhanan ng lamang-loob." Muling nanlaki ang mga mata niya dahil sa narinig. "Baka kasalukuyan na palang inaalisan ng atay o hindi naman kaya kidney ang papa mo, 'di kaya?" patuloy nito. Wala na siyang masabi. Kung may iba lang talagang magbabantay kay Sasha, pinilipit na siguro niya ang leeg pati dila ng babaeng ito. Bahagya na lang siyang dumistansiya bago pa tuluyang magdilim ang paningin niya. "Oh, sya, mag-ingat ka, Janice," paalam nito sa masa