"Ito ang kotseng ‘yon ah? Iyong nasanggi mo noong nakaraan?" usisa ni ng kaniyang manager na pumunta pa sa harap at may sinilip doon. "Ito nga ‘yon, tanda ko plate number niyon." "Hindi ba, kulay maroon ‘yon?" tanong niya pero hindi ito sumagot. Napatingala na ito sa gusaling nasa harap nila. "Katrabaho mo kaya siya?" tanong nitong nalipat naman ang atensyon sa babaeng lumabas mula sa malaking pinto. Matamis na pagngiti ang ibinigay nito sa kanila. Napaturo siya nang makilala 'yon ang babaeng kasama ni Gian noong nakaraan. Ngunit, bigla naman siyang natigilan. Bakit pakiramdam niya ay nakita na niya ang mga ngiting 'yon? Hindi noong isang araw o noong isang Linggo. Kung 'di ay matagal na. Matapos ngumiti ay naglakad na ang babae patungo sa vintage car at b