Chapter 25

1039 Words

  [Pagpapatuloy]     Halatang natigilan ang babae at bahagyang napaatras.   Wrong move.   Maging si Nathan, nagulat sa kaniyang nasabi. Kaagad niyang nakagat ang labi.   "Eh, ano naman kung naanakan nga lang ako!" Muli ay tumaas ang noo nito.   "Nathan."   Napalingon siya dahil sa boses ni Gian. May kasama naman itong taga-prod na kasunod nitong paakyat. Lumilikha ng ingay ang mga paa nito sa bakal na hagdan.   "Anong nangyayari dito?" usisa nito sa kanila.   Nalipat ang tingin niya sa iba nilang kasamahan na nakatingin sa kaniya. Nagbubulungan na ang mga ito habang nagpapalitan ng makahukugang tingin sa isa't isa .   "Wala akong ginagawang masama. May itinatanong lang ako," pagtatanggol niya sa sarili. "Bakit ganyan ang tingin n'yo? Masama bang kilalanin ko siya?"  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD