[DIANNE'S P.O.V.]
HINDI ko mapigilang hindi umiyak habang pinagmamasdan ko ang kaibigan kong naghihirap ngayon. Napakabilis ng pangyayari parang kailan lang malakas pa ang magulang ni Allyson pero ngayon narito kami sa huling hantungan nila para ihatid sila. Kitang-kita ko ang pighati ni Ally sa pagkawala ng magulang niya. Namatay kasi sa aksidente ang magulang niya dahilan para masunog ang mga ito napakasakit na naging katapusan ng buhay nila.
"A-Ally..." Marahan kong tawag sa pangalan ni Ally.
Nakatulala si Ally, habang yakap-yakap ang urn ng mga magulang nito. Mula nang mamatay ang magulang nito hindi na makausap si Ally ng maayos palagi na itong nakatulala habang umiiyak.
Bumuntong-hininga ako. "Umuulan na umuwi na tayo." Sabi ko pa.
"Ally, umuwi na tayo para makapagpahinga ka na." Mahinang sabi ng Tita Sheena nito na tanging naging karamay ni Ally.
"Tita... Ganoon na ba ako kasamang tao para pahirapan ako ng Diyos?" Nakatulalang sabi ni Ally.
Tumulo ang luha ko. Hindi ko maiwasang masaktan sa bawat bigkas ni Allyson. Naramdaman ko naman ang pagtapik sa balikat ko ni Zyrus ang kababata ni Allyson na lalaki. Nag-aaral na rin ito sa Saint paul International academy.
"She will be fine soon." Sabi nito.
Pilit ang naging ngiti ko sa kanya. Niyakap si Ally ng tita niya at sapilitang hinila para makaalis.
"Tita! Hindi ko kayang mabuhay pa." Humagulgol na iyak ni Ally.
"Nandito kaming lahat para sa iyo si Zyrus, Luke, Ako sila Tita Sheena. Tutulungan ka namin." Sabi ko.
Lumingon sa'kin si Ally habang lumuluha. "D-Dianne..."
Niyakap ko siya ng mahigpit. "Cheer up!" Sabi ko.
Umiyak ng malakas si Ally sa balikat ko. Kilala si Ally na sobrang maldita at matapang pero sa nakikita ko ngayon ibang-iba siya ngayon na parang nawalan na siya ng pag-asa.
Hindi na kami sumama sa mansiyon ni Ally nang papauwi kami. Nakasakay ako sa van ni Luke kasama si Zyrus at iba pa nitong kaibigan. Pawang mga tahimik silang lahat.
"Are you okay?"
Nagulat ako nang bigla akong kausapin ng bebe loves ko na si Patrick. Bakas pa sa mukha nito ang pag-aalala.
Tipid akong ngumiti. "Okay naman ako si Ally hindi siya magiging okay."
"Mahirap ang pinagdadaanan niya pero nandito ako para sa kanya." Sabad naman ni Zyrus.
"Ako rin naman." Sabi ko kay Zyrus.
"Me also." Sabi pa ni Luke.
Si Luke at Zyrus kasi ang kababata ni Allyson dahil magkakaibigan ang mga magulang nila.
"Hindi namin ganaanong close si Allyson. Pero ang kaibigan ni Luke ay kaibigan na rin namin." Sabi ni Patrick.
Isang matamis na ngiti ang naging sagot ko sa sinabi niya. Napakasarap sana ng ganitong moment ang makausap ng malapit ang lalaking gustong-gusto ko. Pero hindi ito ang oras para unahin ko ang kilig ko dahil mas kailangan ako ni Ally ngayong mga panahon na ito.
"How's Allyson?" Tanong ni Kuya Daniel nang makauwi ako ng mansiyon. Humiga ako sa kama at ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko pinansin ang kapatid kong nakatayo sa harapan ko. Noong isang araw pa siya nakauwi ng pilipinas at ngayon lang sila nagkausap dahil sa marami itong inasikaso.
"She's not okay."
"I see.. God has a plan for her."
"Maybe." Walang kagana-gana kong sabi.
"Take a rest para hindi ka mapuyat mamaya sa pupuntahan natin."
Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin kay kuya. "Where do we go?"
"Samahan mo akong gumimik mamaya. Matagal-tagal na rin mula ng huli akong naka-gimik." Sabay ngiti niya.
Napabalikwas ako ng bangon at lumapit kay kuya. "Totoo!"
Tumango siya. "Kung gusto mo lang naman sumama."
"Kyaahh! Yes! Sasama ako kuya." Napayakap ako sa kuya ko dahil sa saya. Ngayon lang kasi niya ako niyaya na sumama sa gimik niya.
"Wear a decent clothes."
I pout. "Desente naman ang mga sinusuot ko kuya."
"Ayoko lang na mababastos ka kaya wag mo silang bigyan ng dahilan para bastusin ka dahil mapapaaway ako." Seryosong sabi ni kuya Daniel.
"Opo, kuya magsusuot ako ng jogging pants at jacket." Sarcastic kong sabi.
"Much better take a sleep bunso." Sabay pihit nito patalikod sa kanya at umalis na ito.
Ang lapad ng pagkakangiti ko nang makaalis si Kuya Daniel. Minsan lang kasi ito mangyari at siguradong mag-eenjoy ako sa gimik namin dahil bukod sa makakagimik ako libre pa.
Bago ako natulog inayos ko muna ang susuotin kong damit. Lampas hanggang tuhod na black dress ang napili kong damit na may manggas. Inihanda ko rin ang jacket in case na makaramdam ako ng lamig. Pagkatapos natulog na ako para hindi ako mapuyat mamaya sigurado kasing umaga na ang uwi namin.
HINDI maalis ang simangot ko habang papasok kami ni Kuya Daniel sa loob ng isang high class restaurant. Hindi ganito ang iniisip kong gimik namin ni kuya Daniel. Ang alam kong gimik ay walwalan at dance show dance sa isang disco bar kung saan may mga gwapong banda.
"Dianne, ayusin mo nga ang mukha mo ang pangit mo." Sabi ni kuya Daniel.
"Anong gagawin natin dito kuya? Wag mo sabihin na tuturuan mo akong maluto rito Or ipapatikim mo sa'kin ang mga putahe nila at isa-isa mong itatanong kung anong lasa at secret ingridients ng mga pagkain nila." Inis kong sabi.
"Relax walang cooking lesson na mangyayari. Isipin mo na lang na parte ito ng gimik natin."
"Fake news pala ang sinabi mo sa'kin."
Hindi ako pinansin ni Kuya Daniel. Kung bakit naman kasi naniwala ako sa kanya. Nakalimutan ko matanda na pala si kuya Daniel at puro mga seryosong bagay sa buhay ang nasa isip niya kaya tuloy ang gimik na sinasabi niya ay boring para sa'kin. Anytime naman kasi pumupunta kami sa restaurant ni Ally kahit anong oras na gusto namin kaya hindi ko feel ang ganito.
"Pumili ka ng gusto mong pagkain habang hinihintay natin ang kaibigan ko." Sabi ni Kuya Daniel.
"May kasama pa tayo?"
"Yes, parating na rin siya."
"Girlfriend mo?" Taas kilay kong tanong.
"Nope, friend ko. Um-order ka na."
Mas lalo akong nang gigil sa inis mukhang gagawin akong taga pakinig ng mga oldies. Sayang ang suot kong damit at make up niya. Sobrang excited pa naman ako kanina sa gala namin ni kuya. Akala ko naman may disco bar ang pupuntahan namin. Ito lang pala ang mangyayari.
"Hindi ka ba masaya Dianne."
Minsan may pagka-slow din ang mga genius. Mukha ba akong masaya sa nangyayari. Kainis!
"Ang saya-saya ko grabe! Gusto ko na nga i-post ito sa social media ko at sabihing best happiest moment ever!." Sarcastic kong sagot.
"Do it later."
"Slow mo talaga kuya." Hindi ko napigilang sabihin sa kanya iyon.
"Wag ka kasing masyadong excited. Palibhasa kayo na mga kaibigan niyo kapag sinabing gimik diretso disco bar na."
"Exactly! Iyon nga ang iniisip ko sa sinabi mong gimik."
"I know pero bago tayo pumunta doon hintayin muna natin ang kaibigan ko bago tayo pumunta sa disco bar."
"You mean pupunta tayo sa disco bar?" Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya.
"Yes, alanganan namang magdamag tayo rito at kumain ng pagkain nila. Hindi iyon maganda sa katawan."
"Yes! Mabuti na lang at sinabi mo kuya. Akala ko magdamag akong maiinis." Ngumiti pa ako sa kanya.
"Alam na alam ko ang mga trip niyong mga ka-edad mo. Sige na, um-order ka ng pagkain."
"Yes, kuya." Masaya niyang sabi.
"Oh, nandito na ang hinihintay natin Dianne." Sabi ni Kuya nang matapos ang ilang minuto naming paghihintay.
Hindi ako lumingon para tingnan kung sinoman ang kaibigan ni Kuya Daniel. Hindi kasi ako interesadong malaman. Alam na alam ko namang kung hindi matanda kasing weird niya rin.
"I'm sorry na traffic ako." Boses ng isang lalaki.
Amoy na amoy ko ang pabangon ng nito nang makalapit siya sa'min. At ang boses niya parang Dj sa radio station.
"Xixi, meet my sister Dianne." Sabi ni Kuy Daniel.
Humarap ako sa kanya at namilog ang mga mata ko nang makilala ko ang lalaking kaharap ko ngayon. "Capital. G-W-A-P-O." Ang tamis ng ngiti niya na parang hinihila ang panty ko pababa. Maputi at makinis ang balat niya. Matangos ang ilong at may pagkasingkit ang mga mata. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang katawan niyang pang bench body na parang ang sarap sumiksik sa dibdib niya. Perfect siya para sa'kin.
"Dianne, punasan mo nga laway mo nakakahiya ka nakanganga ka pa." Mahinang sabi ni Kuya.
Bigla naman akong umiwas ng tingin sa kanya at mabilis kong pinunasan ang bibig ko. "Wala naman!" Inis kong sabi kay Kuya.
Tumawa siya. "Just kidding Dianne."
I deadly glared. Kung pwede nga lang na hampasin si kuya ginawa ko na. Pero dahil may Papalicious akong kaharap bait-baitan ang beauty ko ngayon.
"Daniel, wag mo naman asarin ang little sister mo baka umiyak siya ang ganda pa naman niya."
"Shelemet!" Pabebe kong sabi. Pasimple pa kong sinuklay ang buhok ko sa may tainga at nagpamungay pa ako ng mata rito.
Nakatingin siya sa'kin habang nakangiti. "My name is Xixi." Inilahad pa nito ang kamay.
"Call me Dianne. Nice meeting you Xixi."
Bigla akong kinabahan nang maglapat ang kamay naming dalawa at marahan niyang pinisil ang palad ko.
"Oh, my gosh! What happened to me." Sa isip-isip niya.
Ang bilis-bilis kasi ng t***k ng puso ko para rito. Habang nakangiti siya sa'kin. Pabilis naman nang pabilis ang t***k ng puso ko.
"My pleasure is mine beautuful Dianne." Sabi ni Xixi.
Gusto ko ng yakapin at halikan siya dahil sa mga sinasabi niya sa'kin. Feeling ko talaga ang ganda-ganda ko dahil isang gwapong anak ni Greek Apollo ang pumupuri sa'kin. Ano kayang masasabi ni Allyson kapag sinabi ko sa kanyang may nagagandahan sa'kin.
"Tama na 'yan kumain muna tayo." Sabad ni Kuya Daniel.
Pasimple kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Better." Sabi pa nito.
Super duper over acting na kung Over acting dahil halos gawin kong giniling ang kinakain ko dahil sobrang bagal ang pagkain ko. Pasimple rin ang pagtingin-tingin ko sa salamin lalo na't nahuhuli kong nakatingin sa'kin si Xixi.
"Do you have any suggestion Dianne?" Tanong ni kuya Daniel.
"Ha?" Sabi ko sa kanya.
"Nakikinig ka ba sa pinag-uusapan namin?" Tanong ni Kuya.
"H-Ha? Oo! Maganda ang idea niyong dalawa as in sobrang ganda." Sabi ko. Kahit hindi ko talaga alam ang pinag-uusapan nila. Nakatuon kasi ang pansin ko kay Xixi at siyempre sa itsura ko ngayon.
Kumunot-noo si Kuya Daniel habang si Xixi ay nakangiti lang sa kanya.
"Pinagsasabi mo?" Sabi ni kuya.
Palihim kong tinapakan ang paa ni kuya Daniel sa ilalim ng lamesa. Kainis kasi panira ng moment. Para siyang yung madrasta ni Cinderella panira ng lovelife.
"Ouch!" Sigaw ni kuya.
Tumayo ako at kunwaring concern kay kuya. "Wag ka kasing basag trip kuya." Mahina kong sabi rito.
"Kukutusan kita." Mahinang bulong rin ni Kuya Daniel.
"My gosh! Anong nangyayari sa'yo kuya? Anong masakit." Alibi ko.
"Pinulikat yata ako." Sagot ni kuya.
"Are you okay?" Sabi ni Xixi.
"Yeah." Sagot ni Kuya.
"Kumain na lang tayo para makapag party tayo." Pag-iiba ko ng usapan.
"Mabuti pa nga dahil baka mainis na ako sa'yo Dianne." Sambit ni Kuya.
"Hu-hu-hu! Ang bad mo sa'kin kuya."
"Wag mong awayin si Dianne." Nang tiningnan ko si Xixi bigla niya akong kinindatan.
"Gosh! Kinikilig ako."
"Shelemet talaga." Matamis ko siyang nginitian. Over acting ako. Alam ko iyon pero baka kasi siya na ang future boyfriend ko kaya i-push ko na ito.
"Welcome." Ngumiti uli ito.
"Ehem! Nandito pa ako." Sabad ni kuya Daniel.
"Ang bitter talaga ni kuya panira ng moment."
****
HINDI ko alam kung matutuwa ba ako sa nangyayari ngayong gabi. Seeing myself inside the disco bar and doesn't dance in the middle of the stage is new to me. Masyado na akong nasasakal sa gabing ito. Paano ko ba yayain si Kuya at Xixi na sumayaw sa gitna kung nasa isang sulok lang kami habang si kuya libang na libang sa panood sa bartender na gumagawa ng exibitions. It's like kinda bored here.
"Are you okay?" Tanong ni Xixi.
I smile. "Yeah." kahit ang totoo gusto kong umuwi na lang sa bahay at matulog.
"Gusto mo sumayaw tayo?" Tanong niya sa'kin.
"Oo, kanina ko pa gustong sumayaw." Sabi ko.
Tumingin si Xixi sa stage. "Mamaya na lang kapag wala ng tao sa gitna."
Napawi ang excitement ko. Mawawala lang ang tao sa gitna kung uwian na.
"Okay." Sagot ko.
Tiningnan ko si Kuya Daniel na abala sa pakikipag-usap sa bartender na nag-exibition kanina. Mukha may balak pa yata si kuyang maging bartender. Pagkatapos sinilip ko ang hawak kong wine glass. Malapit ng maging gatas ang binili sa'kin ni kuya Daniel. Ganito pala kahirap kapag may kasamang kuya sa gimikan napaka corny.
"Ahh— Dianne." Sabi niya sa'kin.
Kumunot-noo ko nang tumingin ako sa kanya. Nakatayo na kasi siya sa harapan ko at namumula ang mukha niya.
"Yes?"
"May i dance with you?" Sambit nito.
Ngayon ko lang naisip ang tinutukoy niya kanina. Sasayaw pala kami ng sweet dance.
"H-Ha?" Natulala ako at hindi ko alam ang isasagot sa kanya.
"Pagbigyan mo na Dianne." Sabad ni kuya Daniel.
Tumango ako at pagkatapos tumayo ako at humawak ako sa kamay niya. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ganoon na lang kabilis ang t***k ng puso ko.
Kaming dalawa lang ang nasa gitna ng stage. Nakatingin siya sa'kin nang kunin niya ang dalawang kamay ko at inilagay niya ito sa balikat niya. Pagkatapos hinawakan niya ang bewang ko at ngumiti sa'kin.
"This is my first time na makipag sayaw ng sweet dance sa isang babae."
Namula ang mukha ako sa sinabi niya. Kung ako ang unang babaeng nakasayaw niya ng sweet dance. Hindi ko naman mabilang kung pang-ilang lalaki na siya na nakasayaw ko.
"I am so lucky." Ngumiti pa ako.
"Mas ma-swerte ako." Sagot nito.
"I Like You So Much, You'll Know It
I like your eyes. You look away
when you pretend not to care
I like the dimples on the corners
of the smile that you wear
I like you more the world may know
but don't be scared
'Cause I'm falling deeper, baby
be prepared."
"Dianne..."
"Hmmm..."
"Pwede bang magtanong?"
"Sure, basta wag lang math." Biro ko sa kanya
Bumuntong-hininga siya. "Never mind." Sabi nito.
"Sabihin mo na."
"P-Pwede ba akong manligaw?" Nauutal niyang tanong sa'kin.
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Hindi na bago sa'kin ang ganitong eksena yung magpapaalam ang lalaking manligaw sa'kin. May mga lalaki sa school namin ang nagtangkang manligaw sa'kin. Pero tinatarayan ko sila minsan pa nga nilalait. Hindi ko kasi gusto dahil si Patrick lang ang gusto kong maging boyfriend. Pero ngayon, bakit napakahirap sa'kin ang magbitaw ng salita.
"He quite smile. "I understand if you don't want to answer my question." Pagkatapos umiwas siya ng tingin sa'kin.
I like your shirt I like your fingers
Love the way that you smell
To be your favorite jacket just so
I could always be near
I've loved you
for so long
Sometimes It's hard to bear
but after all this time,
I hope you wait and see
Love you every minute, every second
Love you everywhere, and any moment
Always and forever I know,
I can't quit you 'cause
Baby you're the one
I don't know how I love you 'til the last
of snow disappears
I love you 'til a rainy day becomes clear.
"I'm sorry." Sagot ko.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang pinakikinggan ang kanta. Ngayon ko lang napakinggan ng maayos ang kantang iyon. Nakaka love struck. Ito na yata ang magiging paborito kong kanta. Sabayan pa ng hindi mapakaling t***k ng puso ko.
"Dianne, may i request?"
"Sure." Sabi ko.
"Pwede mo ba akong yakapin ng mahigpit?"
Gusto kong kiligin sa sinabi niya. Paano ko ba matatanggihan ang gwapong nilalang na ito kung pati ang mga mata niya ay nagsusumamo sa'kin. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa balikat niya pagkatapos siya ay marahang itinulak palapit sa kanya. Two inches na lang ang layo ng mga labi namin kaya naman pareho naming naamoy ang hininga namin na nagdudulot sa'kin ng kakaibang pakiramdam.
"Love you every minute, every second
Love you everywhere, and any moment
Always and forever I know,
I can't quit you 'cause
Baby you're the one
I don't know how
In a world devoid of life you bring color
In your eyes, I see the light, my future."
Habang patuloy ang kanta ni Ysabelle na I love so beautiful. Patuloy naman ang pabilis ng t***k ng puso ko. Inaamin ko panandalian kong nakalimutan si Patrick at hindi na mawala ang mukha ni Xixi sa isip ko.
"Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon?" Sa isip-isip ko.