[DIANNES'S P.O.V.]
BUONG maghapong sinira ang beauty ko ng bwiset na jejemon na text nang text sa'kin i don't know why kung paano niya nalaman ang number samantalang kakapalit ko pa lang ng simcard.
"Girl, ikaw mauna na ako sa'yo ha?" Sabi ko kay Ally. Nagbeso-beso kaming dalawa bago ako sumakay ng kotse, dumating na kasi ang sundo ko.
"Ingat Dianne." Nakangiting sabi ni Allyson.
Nang makasakay ako sa kotse muli namang tumawag ang unregister number na kanina pa ako binu-bwiset.
"Hayss! Masagot nga ang bwiset!"
"Hillu!" Sabi ng tumawag sa'kin.
I rolled my eyes. Paano ba naman ako gaganahan kausap ito boses pa lang kakaturn off na, boses palaka.
"Who the hell are you?!" Pagtataray ko sa kanya.
"Hillu, my nem is Shrik and im lukin 2 my fiona."
"WHAT! FIONA!" Sigaw ko napalingon tuloy sa'kin ang driver namin.
"Yis,yis, yow!"
"OMG! Alam mo kuyang jejemon or kahit ano pang tamang term sa pagiging jologs mo. Stop! Stop! Stop! Calling me, okay! Or else papatumba kita."
"What is tumba? Tumbang priso?"
"The f**k!" Sabay off ko sa cellphone.
Hinimas ko ang sintido ko sa asar. "Ano bang klaseng nilalang ba iyon? Parang mongoloid. Hayss!"
"Senyorita sino ba ang kausap niyo?" Sabad ng driver namin.
Matalim ko siyang tinitigan. "Kuya, don't mind me kung ayaw mong sa'yo ibunton ang badtrip ko sa kausap ko." Pagtataray ko sa kanya.
"Sorry po senyorita."
"Tsss." Ipinikit ko ang mga mata ko sa upang i-relax ang beauty ko. M ag papabili na lang uli ako ng simcard kay yaya.
"Dianne anak!" Bungad na bati sa'kin ni Mommy nang dumating ako.
Humalik ako sa pisngi niya. "Mukhang masaya po kayo?"
"Darating na kasi ang kuya Daniel mo next week." Ang lapad pa ng pagkakangiti ni mommy.
"I see..."
Napansin naman ni mommy na wala akong reaksiyon sa kanya. "Bakit ganyan itsura mo? Hindi ka ba masaya na darating ang kuya mo?"
"Masaya naman kaya lang kasi papahirapan naman niya ako para matutong magluto."
"Ayaw mo iyon anak kapag nag-asawa hindi ka lang marunong ka na sa gawaing bahay at marunong ka pang magluto."
"Marunong naman akong magluto basic nga lang. Isa pa, mayaman ang mapapangasawa ko sobrang yaman meron silang 2 hospital at mga hotel so baka nga mag hired na lang ako ng chef para personal kong maalagaan ang future husband ko." Kilig na kilig kong sabi.
"Sabunutan kita gusto mo?!" Pinanlakihan pa ako ng mata ni Mommy.
Humahaba ang nguso ko sa inis. Wala talaga akong kakampi sa bahay na ito tapos darating pa ang numero unong kontrabida ng buhay ko.
"Kontrabida ka talaga Mommy!" Reklamo ko.
"Magbihis ka na at sasabihan ko ang Yaya mo na maghain na para sabay na tayong kumain."
"Opo." Sabay alis ko.
Ang Mommy ko ang personal na nagluluto ng hapunan araw-araw dahil gusto niya masarap na pagkain ang kinakain namin. Kahit naman kasi mayaman kami hindi naman kami pinalaking bossy ni Mommy, bata pa lang kami tinuruan na kami sa gawaing bahay ni Mommy sa katunayan tuwing araw linggo kami ang gumagawa ng gawaing bahay dahil pinagdday-ooff ni Mommy ang mga katulong namin. Kaya kahit labag sa kalooban namin kami ang gumagawa ng gawaing bahay.
*********
[COBY'S P.O.V]
"Sir! Sir!"
Agad akong lumingon ng tawagin ako ng isa sa mga driver ni Daddy si kuya Betong higit tatlumput-anim ang edad niya at may dalawang anak tubong mindanao siya. Nasa sala ako at nilalaro ang paborito kong german dog na si sink.
"Bakit Kuya Betong?"
"Yung pinapatext niyo sa'kin hindi ko naman po ma-contact."
Nagsalubong ang kilay ko. "Nagpalit naman siya ng number?"
Tumango ang driver. "Siguro po bakit kailangan po kasi akong magtext doon sinasabihan niya akong jejemon kahit hindi naman. Tinatarayan po ako sino po ba iyon girlfriend niyo?"
"Hindi Mang Betong gusto ko lang siyang pagtripan."
"Paano po iyon sir?"
"Ako ng bahala do'n ako na ang magte-text sa kanya. Salamat."
"Sige po sir alis na po ako."
Pagkaalis ni kuya Bentong tinawagan ko ang kaibigan kong si Daniel.
"Hey! Coby kumusta na ang sister ko pinagmumura ka na ba niya?" Sabay halakhak nito sa kabilang linya.
Humiga ako sa mahabang sofa habang nakikipag-usap kay Daniel. "Nagpalit naman siya ng number."
Humalakhak ng malakas si Daniel.
"I told you, sinasabi ko naman sa'yo hindi ka bibigyan ng pansin kung sasabihan mo lang siyang pangit."
"Yung driver ni Daddy ang kumakausap at nakikipagtext sa kanya."
"Napaka torpe mo talaga kahit kailan. Anyway pabalik na ako ng pilipinas magkita tayo riyan okay, hindi lang kita ilalakad sa kapatid ko isasakay pa kita. Ha-ha-ha!"
"Well, thanks pero ibigay mo uli sa'kin ang bago niyang number mukhang magpapalit uli siya ng number."
"Sure."
"Thanks you!"
Pagkatapos pinutol ko ang tawag ko sa kanya.
Ako si Coby Santiago twenty years old nag-aral ako ng college sa amerika upang maturuan na rin ni Daddy sa pagpapatakbo ng negosyo niya. Si Daniel ang naging kaibigan ko noong nasa Amerika ako iisang school ang pinasukan namin dalawa bagama't matanda sakin si Daniel ng dalawang taon hindi naging handlang iyon para maging matalik kaming magkaibigan. Bumalik ako ng pilipinas dahil sa isang dahilan. Gusto kong makilala at makita ang kapatid ni Daniel na nandito ngayon sa pilipinas. Simula kasi nang mapanood ko ang video niya noong sumali siya ng beauty pagent ng school nila noon hindi na siya nawala sa isip ko. Isa si Daniel ang nagbigay ng idea sakin para makilala ko ang kapatid niya. Isa raw sa pinaka ayaw nito ay ang tawagin siyang pangit. Ngunit nang bumalik ako ng pilipinas hindi ko nagawang magpakita sa kanya dahil sa wala akong lakas ng loob. Kaya naman noong puntahan ko siya sa school hindi ko nagawang magpakita sa halip inutos ko kay kuya betong na ihagis ng lang ang chocolate na may kalakip na sulat. Unang pumasok sa isip ko si shrek at Fiona kaya iyon ang sinabi ko sa driver ni daddy. Magpakilala siya bilang si Shrek at tawagin si Dianne na Fiona.
"Nandito pala si Coby."
Tumingin ako nang marinig ko ang boses ni Mommy at bumangon ako nang makita ko ang si Tito Paul at Tita Faith maging ang pinsan kong si Frits.
"Tito, tita!" Sinalubong ko sila at niyakap. "Kumusta na po kayo?"
"Ayos naman kami ang laki mo na at lumalaking gwapo." Sagot ni Tito Paul.
"Wala namang panget sa lahi natin Tito." Sagot ko.
Tumawa sila. "Tama ka diyan." Sagot ni Tito Paul.
"Cous, long time no see." Nakangiting sabi ni Frits.
Ngumiti ako. "Kumusta na cous." Sagot ko.
"Ayos naman ako dito ka na ba mag-aaral?" Tanong ni Frits.
"Yes, pero sa second semester na lang ako mag-eenroll hindi ko pa nakuha ang ibang requirements ko."
"Mabuti naman sa Saint Paul ka na lang mag-aral."
"Sure, iyon talaga ang plano ko. Kumusta na pala ang love life mo?" Tanong ko kay Frits.
Naglakad siya papunta sa sofa at umupo do'n sumunod naman ako ang parents kasi namin nasa kusina.
"Hindi siya maituturing na lovelife dahil pinilit lang niya ako."
Tumawa ako ng malakas na ikinasimangot naman ni Frits.
"Ayan ka naman naawa ka naman sa mga babaing nahuhumaling sayo."
"Wala akong choice dahil gusto kong bumalik sa poder namin si Yaya Chedeng."
"Nagbalik na pala siya."
Tumango siya. "Iyon ang naging kasunduan namin ng malditang alaga ni Yaya. Ibibigaya niya si Yaya kung magiging boyfriend niya ako kaya napilitan ako cous."
Nagkibit balikat ako. "Hindi naman siguro siya katulad ng dating babaing nabaliw sa'yo sino nga pala iyon Thania?"
Matalim akong tinitigan ni Frits. "Stop mention her name." Mariin niyang sabi sa'kin.
"Okay, i'm sorry."
Oo nga pala may hindi magandang experience ang pinsan kong si Frits sa babae kaya nga pala siya naging cold. Muntik na nga siyang tumira sa Amerika kung hindi lang nakiusap ang Mommy niya sa kanya siya lang naman kasi ang anak nito.
"Ikaw? Bakit biglang nag bago ang isip mo? Bakit gusto mo na rito?"
Nandito kasi ang future wife ko." Sabay ngiti ko.
"I see.. good luck sa'yo." Tipid na sagot ni Frits.
"Pero mas gusto ko muna siyang inisin kaysa ligawan kaya hindi muna ako magpapakita sa kanya." Pilyo akong ngumiti.
"My Fiona." Sabi ko.
"Tss. Baliw!" Sagot ni Frits.
"Mababaliw ka rin sa love Cous." Sabi ko.
"In your dreams masyadong sakit sa ulo ang love."
"Well, tingnan natin." Sabi ko sa kanya.
Maghapon naming kasama sila Frits sa bahay nagkaroon ng biglang party para lang magkaroon kami ng bonding ito ang masarap sa pilipinas kapag umuuwi ang makasama ang mga kamag-anak mo na nagsasaya.