Angelo's POV So di nyo naman ata ako ibabash dahil ako ang unang nasa pov diba? Let me take my time the woman who build herself para lang makarating siya kung nasaan siya ngayon. I really admire this girl, naalala ko noon nakikita ko siya kahit na mag isa siya sa corridor, naka upo sa bench, o kaya naman nag aaral mag isa sa library ng school ay okay lang sakanya. Na para bang hindi katapusan nang mundo kung mag isa kang kumakain, nag aaral o kaya naman ay tumatambay. Doon ako lubos na humanga sakanya. Hindi ko na lang iyon naipakita dahil naunahan ako ng takot at kaduwagan dahil na din sa mga nangyayari sa relasyon ng mga kaibigan ko na puro na lang panloloko at heart break ang natatamo sa pakikipag relasyon nila. Nakaayos nang muli ang magulo ngunit maganda niyang buhok, ang kanyang m