Isla's POV Matapos bitawan ni Alunsina ang mga salitang iyon ay agad naman akong nabigla. Naisip ko pa nun baka nabibigla lang si Alunsina sa mga nangyayari kaya ganon ang mga lumalabas sa bibig niya. Pero kung titignan ang mukha niya ay seryoso siyang nakikipag usap kay Rain.Wala na din akong makitang pagmamahal sa mga mata niya. Malaya nya ng nasasabi lahat ng gusto nya dahil una pa lang naman talaga eh yun na ang gusto nyang sabihin kay Rain. Alam ko naman na pinapahirapan nya lang ako. Pero dahil pinaranas na sa'kin muli ang muntikang pagkamatay ay pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na ulit ipagkakait kay Alunsina ang pagmamahal na dapat din naman sakanya. Ayoko din namang isipin nya na hindi pa ako nadadala sa mga nangyayari sa'kin kaya naman ginawa ko kung ano ang tama. Rain tum