Chapter One
Sanbakol ang maganda kong mukha habang hinihintay na matapos ang pag-uusap ng Manager ko at si Mr. Benedict. Siya ang kasalukuyan na namamahala sa organization na tinatawag nilang M.B Agency.
Sino naman hindi? Magkakaroon na ako ng 24/7 bodyguard dahil sa tsuba-eng-eng na hater ko. Ayoko sana sa idea na iyon pero binantaan ako ni Gaia na mag-resign daw siya sa kanyang trabaho pero hindi ko iyon mapapayagan dahil siya lang ang dah best manager dash make up artist…
“THIS is serious, Maxine!” My manager slam the door behind her, naningkit ang mga mata na nakatingin sa akin. Siya si Gaia, ang ubod na manang kong manager. Nakataas ang kamay na may hawak na itim na sobre. Inihagis niya 'yon sa direksyon ko na agad ko naman sinalo.
Hindi ko na kailangan tanongin kung ano ito dahil nahuhulaan ko na. Bumunghalit ako sa tawa, nakahawak ang sa tiyan habang tinatawanan ko siya.
Mas lalong nadagdagan ng gatla sa noo ni Gaia. “What’s so funny?”
“Haha! Y-you! Nakakatawa ka kasi, dahil lang dito sa letter na ito ay umuusok na iyang ilong mo!”
“Hindi ito nakakatawa, Maxine! Alam mo kung ano iyan! Nagpadala na naman iyang tao na iyan ng letter!”
Tumigil na ako sa pagtawa tas umayos sa pagkaupo. Binasa ko 'yong letter at kagaya ng inaasahan ko ay binantaan na naman ako ng anonymous na ito na iwanan na ang showbiz kung hindi daw ay papatayin niya ako. Isa lang siguro ito sa mga haters ko na naiinggit sa akin. Pero hangang sulat lang iyan, hindi naman nangyayari kaya hindi ko makita na kailangan kong seryosohin ito kagaya na lang ni Gaia.
“So?”
“So? Iyon lang?”
“Oo. I don’t see any problem with it. It’s not like gagawin niya talaga ito. Almost two months na siya nagpapadala sa akin nang ganyan kaya kung totoo iyang banta niya eh ba’t hangang ngayon ay buhay pa ako?”
Nagpakawala siya ng buntong hininga. Bakas sa mukha niya ang pag-a lala sa akin. “Oo nga pero nitong mga nakaraang araw ay nagpapadala siya ng isang lantang rosas at higit sa lahat ay mga patay na daga! Ano na lang ang susunod?!”
Umingos ako. “Nah. Hindi niya ako masisindak diyan.”
“Pero!”
“No buts. Huwag ka nga magpaka-stress diyan. I could take care of myself.”
“Pano ko magagawa 'yon? Kapag may mangyari sa'yo ay mananagot ako. Wala na akong trabaho!” Lintik talaga itong si Gaia, kahit na sinabi niya iyan ay alam ko na geniun iyong pag-alala niya sa akin. Maliban sa Manager ko siya ay kaibigan ko din siya for five years.
“Eh 'di e-recommend kita sa kakilala kong artista.” Biro ko sa kanya.
“Tange. Mag-seryoso ka nga.”
“Ano iyon, makakain ko ba iyon?” Panggagaya ko sa linya ni Solenn sa Da Posessed.
“Hindi pero ma-sasakal na kita. Pero Maxine naman, kung mag-hired ka na lang kaya ng permanent bodyguard, hindi iyong on-call?”
“Iyong 24/7 na magbabantay sa akin?” Tumango siya. “No! Masisira ang natitira kong private life 'no!” At isa pa, I can’t risk it baka kasi ma-diskubre nang tao na iyon ang sekreto ko. Sa likod ng masayahin, kikay at mabait na Maxine ay mahilig akong manood ng rated R movie!
“Sige na, Maxine! Just for this moments, hangang hindi pa natin alam kung sino iyong tao na iyon ay kailangan mo ng bodyguard. Kung hindi ka papayag ay mag-resign na ako sa trabaho ko. Ora mismo. Tatanggapin ko na 'yon offer na inuungot ni Mama sa akin na trabaho.” Banta niya sa akin, nanghaba iyong nguso ko.
Hindi ko gusto ng panibagong manager dahil naging dependent na ako kay Gaia sa madaming bagay. Maasahan ko kasi siya kapag nangailangan ko, isa pa napaka-hassle na kung mag-hire na ako ng bagong manager!
Wala akong nagawa kundi umuo na lang pero still labag parin sa kalooban ko!
“Good! Magpa-schedule na ako ng appointment ni Sir Ben para mapag-usapan na namin ang detalye tungkol sa kaso mo at kung sino ang—“
“Ben?”
“Siya 'yong nag-handle ng Agency na tinatawag na Mysterix Butterfly Agency. Mahuhusay ang mga tauhan nila kaya garantisado na safe ka sa kamay nila.”
“Para naman nasa peligo 'yong buhay ko. Since day off ko bukas ay sasama ako sa'yo.”
“Bahala ka. Tara na nga, hinihintay ka na ni Director Jun at iba pa!”
“Okay!” Binasura ko na iyong letter tas lumabas na ng silid.
At iyon ang buong kwento. Isn’t awful? Ang private life ko o kung meron pa ba ako dahil sa profession ko. Pero anyway, I still don’t like the idea having a bodyguard. But for the sake of friendship ay gagawin ko.
Pinaikot-ikot ko ang swivel chair na kinauupuan ko na tila bata. Pakialam ko ba kung anong iisipin nila? Buhay ko ito eh. Day off ko ngayon, I supposed to be leisuring in beach resort or shopping with my friends!
“Pero sana, ma-imbestiga ninyo sa madaling panahon ito, kasi si Maxine ay ayaw talaga na magkaroon ng bodyguard. Pinilit ko lang siya para pumayag, mahal kasi nang babae na iyan ang personal na bagay.”
“Don’t worry about it, I could assure you that my men ay hindi sila mamikialam sa kanya. Purely business only lang.”
“Great! When we’ll we meet him?”
“I think he’ll be here…” Tumigil si tanda sa pagsasalita nang kumatok ang pinto. “Now.” Pumasok iyong tao na iyon, at dahil nakatagilid ako nakaupo ay hindi ko maayos na matingnan ang taong iyon. I froze, kahit na hindi ko gaano makita iyong lalaki na iyon ay imposible!
Oh hindi!
Pero para makasiguro ay nilingon ko siya, namilog ang mata ko and at the same time turns into a heart shape. Those stern look, 'yang gwapo na mukha na iyan. Kahit na mas nag-mature siya tingnan ay hindi ako magkakamali!
Well, hindi naman gaano katagal na nagkita pero s**t lang! parang puputok ang pantog ko sa kilig!
Si Prince charming ko! Ang nuknukan suplado! Ang nunukan masungit! Ang pinakagwapo sa buhay ko!
Ay hep hep! Teka, ba’t ko ba siya pinupuri?