Chapter 20 AFTER that passionate kissing scene we shared ay iniiwasan ako ni Cedric. Hindi ko maiwasan na malungkot, iniiwasan niya ako after na mangyari iyon? Ginusto din namna niya ang halik na iyon ah. Umakto naman parang ninakaw ko ang puri niya eh hindi naman. Dalawang araw niya niya akong iniiwasan! Kapag pupuntahan ko siya sa training field ay wala siya at kung hindi naman ay sinigurado talaga niyang hindi ako makalapit. Sigh. Okay. Fine. Pagbibigyan ko siya ngayon pero sa susunod na iiwasan niya ako ay lagot na siya sa akin. Sumandig ako sa malaking puno at tinatanaw ang mga trainee na nagsialisan na dahil tapos na ang training. Wala akong ganang bumalik sa cabin kung wala naman akong gagawin 'no. Maya’t maya ay napansin ko na palapit sa akin si Seirra. What now? Mas nakakata