Chapter 31 3rd Person's POV "Trina! Nandito na ako." Tumigil ang ikot ng mundo ni Tyron noong pagtapat niya sa pinto nakita niyang bahagyang bukas iyon. "Trina!" Tinulak niya ang pinto. Nakita niya ang nakakabatang kapatid na nasa sarili nitong kama. Naliligo sa sariling dugo. Nabitawan ni Tyron ang hawak na mga pagkain at gamot. "Trina!" Sumugod sa kaniya ang halimaw na kumgat sa kapatid. Agad na dinampot ni Tyron ang bolo na binili niya sa bayan. Isinaksak niya iyon sa ulo ng halimaw. Pinagpatuloy niya ang pagsaksak sa halimaw dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya. Noong mawala sa paningin niya ang halimaw at bumagsak— doon bahagyang luminaw ang pag-iisip ni Tyron at nabitawan ang hawak na bolo. Lalapitan niya ang kapatid nang may maapakan siya. Kamay iyon ng hali