Chapter 30 "Bakit hindi pa din nagigising ngayon ang bata?" Binago ni Valkyrie ang kulay ng buhok ng batang lalaki at mga mata nito. Pinagpawisan ng malamig ang doctor. Sinabi ng doctor na hindi niya din alam ang nangyayari. "Pasensya na duke ngunit ginawa na namin lahat. Masyadong mahina ang resistensya ng bata— wala na kami nakikita bukod sa mga sugat ng bata." Napamura si Valkyrie at pinalayas ang mga doctor. Ayaw niya naman tumawag ng mga priest sa posibilidad na makilala ng mga ito ang batang prinsipe. "Walang magagawa ang mga doctor sa nasira na core ng batang prinsipe," ani ng tigre. Tinanong ni Valkyrie kung magagawa ba ng positive energy na maayos iyon katulad ng sa reyna. "May special bond sa inyo ng reyna. Mate ka niya— ngunit sa inyo ng prinsipe wala. Hindi ikaw ang t